Chapter 46 - Last Day Part I

21 5 0
                                    

********

[ Krystel's POV ]

"Okay 20 minutes water break" Sir Areola

Nagprapractice sila dahil may competition sila mamaya.

Pasok na pala sila sa Bottle of the band at mamaya ay gaganapin na ang Round 1 dito mismo sa school namin kaya sobrang focus sila sa pageensayo dahil maraming manonood sa kanina na estudyante dito.

Lalapit na sana ako kay Lei upang bigyan siya tubig kaso naunahan ako ni Nikka.

Bumalik nalang ako sa pagkakaupo.Magisa lang akong nanonood dito,hindi pa nakabalik si Danica at si CM naman may pinuntahan.

Napabaling uli yong tingin ko kay Lei na sa ngayon ay masaya nang nakikipagtawanan kay Nikka.Kahit kelan talaga ang epal ! Nakaramdam na naman ako ng inis na palagi kong nararamdaman sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

Mamatay sana kayo sa kakatawa ! Kainis hindi man lang ako lingunin

"Ouch !"

Tiningnan ko si Ralp ng masama habang hinihimas yong noo kong pinitik niya

"Woah teka lang ! baka mamatay talaga ako sa tingin mong yan huh"

Natatawa pang sabi niya

"Aba talagang mapapatay kita.Ano bang problema mo?"

Bw*s*t kong tanong sa kanya

"Wala,paano ka mapapansin ni Lei kong nakaupo ka lang diyan?Sa halip--"

"Sino ba kasing may sabi na gusto akong pansinin ni Lei?"

"Hoy easy lang.Masyado ka namang defensive napaghahalataan masyado"

"Hindi nga sabi eh !"

Itinaas ko yong kamay ko at ready nang ihampas sa kanya.

"Okay,haha oo na"

Inirapan ko lang siya sabay balik ng tingin ko sa dalawa.

"Hindi daw pero kong makatingin kay Nikka akala mo papatay sa sobrang talim"

Hindi ko nalang pinansin yong sinabi niya kahit na dinig na dinig ko naman.Anong pang silbi kong aangal na naman ako? Totoo naman kasi yong sinasabi niya

"Tss,bakit kasi kayong mga babae ang hilig magpahintay sa mga lakake.Kaibigan ko si Lei,alam ko kung kelan siya seryoso o hindi.Kaya alam na alam kong seryoso siya sayo Krystel.Kelan mo ba balak na sagutin yong tao?"

Inilayo ko ang tingin ko sa kanya.Mula sa mapagbiro at kakulitan niya kanina, napalitan ito ng kaseryosohan.

Kelan nga ba? Minsan,malapit na.Minsan naman hindi ko alam.Ngayon na din pala yong huling araw na panliligaw niya sa akin.Ito na yong huling araw ng isang buwan na usapan namin.

Marami akong problema at kung maaari ayoko munang humawak ng isa pang responsibilidad para iwas dagdag sa problema.

"Kaya naman siguro niya akong hintayin diba?Kapag ayos na ang lahat.Kapag wala na akong problema siguro"

"Bakit ba ang hilig niyong magpahintay?"

Tiningnan ko siya mata sa mata.

"Kasi alam ng mga babae na ang mga lalaking mainipin ay hindi seryoso"

Totoo naman talaga ah ! Kung talagang seryoso ang lalaki sa isang babae.Kaya niyang maghintay kahit gaano pa katagal.

"Now I know"

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon