Chapter 8 - Our Romantic Date

33 2 0
                                    


Ilang araw din na na-confine si Apple sa ospital , ilang araw din akong nakabantay sa kanya . Halos hindi na nga ako makakain at makatulog ng maayos dahil sya palagi ang inaalala ko .

Hindi din nya alam na sinabi ko sa lolo nya ang nangyari sa kanya .
Dahil alam kong magagalit sya at nag aalala na ang lolo nya kung nasan sya kaya sinabi ko sa kanya ang lahat.

" Sigurado ka ba Apple ? , ok ka na ? " tanong ko sa kanya .

" Ok lang ako Gilbert , maayos na ang pakiramdam ko . "

" Sige ihatid na kita sa inyo . " sabi ko sa kanya habang papasok na kami sa sasakyan.

**

Nang makarating kami sa harap ng mansion nila ay agad ako bumaba at pinagbuksan sya .

" Salamat , ahm . . Gilbert gusto mo ba pumasok muna ? " Yaya nya sakin .

" Hindi na muna , tsaka gabi na . Para makapagpahinga ka na rin . " sagot ko sa kanya .

"Ok sige pasok na'ko . bye ! I love you . "

" bye i love you too . " sabay halik ko sa labi nya . Paalis na ko ng may makita ang mga mata ko na isang pulang sasakyan . Mukhang kanina pa ito nandito sa harap ng mansion nila Apple . Sumakay na ko sa aking sasakyan at pinaandar ko na kaylangan ko pa kasi pagplanuhan ang sorpresa ko kay Apple .

__________________________________

APPLE'S POV

Papasok na sana ako ng makita ko ang isang pulang sasakyan na bumusina sa harap ng mansion namin .

Bigla itong umandar at huminto sa aking harapan . Nakita ko sina Mj at Aaron sa loob ng sasakyan . May naaninag pa ako sa loob ng sasakyan pero di ko masyado makita ang mukha nya dahil nakasuot ito ng jacket na may hood .

" Hey Apple ! May nagpaparating ng mensahe para sayo . "  Sabi sakin ni Mj .

" See you soon daw Apple sabi ni Mark ! Hahhahaha ! ". Sabay alis nila . Kinabahan ako sa sinabi nila . Hindi dahil makikita ko ulit si Mark kundi dahil baka kung anong gawin nya .

Ok na sana ang lahat sa amin ni gilbert . Pero si Mark babalik ??
Hindi ko maisip kung ano ang mga kaya nyang gawin . Marami na kong napatunayan na sadyang baliw si mark pagdating sa akin kaya ang dapat kong isipin ay kung paano sya iiwasan .

Pagpasok ko ng mansyon ay inakap agad ako ni lolo . " Apo ko !! ano ba nangyari sayo ayaw mo ipaalam kay lolo na nasa ospital ka " inakap ako ni lolo at hinagod ko ang kanyang likod .

" Lolo , okay na po ako . Wala naman pong masamang nangyari sakin . Okay pa naman po ako . "

" Hija , kung pwede lang pakiusap sa mga kakilala mo lang ikaw sumama para di ka napapahamak . " napatingin ako sa mukha ni lolo at dama ko ang pag alala nya para sa akin .

" Opo lolo , masusunod po . " pagkatapos ng pag-uusap namin ni lolo ay umakyat na ako sa aking kwarto at di ko inaasahang makikita ko ang aking kwarto na punong-puno ng sulat , regalo at bulaklak galing sa mga kaklase ko at schoolmates ko .

Pero nakaagaw pansin sa akin ang isang kulay pulang sobre . Binuksan ko iyon at nahindik ako sa nabasa ko sa sulat non .

Apple ,

    Be ready babe , babalik ako at kukunin kita sa kanya . You're mine! Only mine . Walang ibang lalaki ang pwedeng makinabang sayo kundi ako lang siguro naman alam mo na ang dapat gawin sa lalaking yun . Kung ayaw mong mapahamak sya .

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon