TRUE STORY #26 (from: @Bhea_Kristi47)

3.4K 76 4
                                    

@Bhea_Kristi47's POV


Fishpond


Summer yun kaya bumisita kami ng pamilya ko sa Lola kong taga-Mindanao. Saktong ala syete y medya ay dumating kami sa probinsya nina Mommy. Napakarelaxing, fresh air at summer na summer ang dating ng lugar dun.


Linggo yun, sumama ako sa cousin ko sa school nila kasi may summer class daw sila. Painting. Mahilig ako sa arts kaya sumali narin ako. Bored na bored na kasi ako sa bahay ng Lola ko. Pagpasok ko sa school nila, sumalubong sakin ang isang napakalamig na hangin kaya agad akong napayakap sa sarili ko. Hindi ako nun nag-isip ng nakakatakot o ano. Inisip ko nalang na baka ganun talaga ang lamig ng hangin sa probinsiya.


Naglalakad lang kami ng cousin ko nun nang mapadaan kami sa isang fishpond na may bridge. Ang lalaki ng mga isda. Napakalinis pa ng fishpond. Namangha ako sa design.


Napansin siguro ng cousin ko ang kamanghaan ko kaya nagmayabang siya.


"Alam mo ba? Mahigit kumulang 120,000 pesos ang ginastos para sa fishpond na yan!"


Nanlaki naman agad ang mata ko.


"Ha? Ganun kalaking halaga para sa isang fishpond? Lakas ng topak niyo no? Haha!"


Tumawa na din siya pero mayamaya lang e bigla siyang sumeryoso.


"Kaya lang, may isang rason kung bakit wala ng tumatambay dito."


Nangunot naman ang noo ko.


"Ano?"


"Nalunod kasi dito ang anak ng security guard ng school noong 1994."


Tiningnan ko siya ng masama.


"Pinagtitripan mo na naman ako."


"Hindi no. Totoo talaga." Seryosong sagot niya.


"Umalis na nga tayo." Aya ko nalang dahil nagsisimula nang tumayo ang balahibo ko. Saktong pagtalikod namin, isang napakalakas na hangin ang dumampi sa batok ko.


Pumasok na kami sa loob ng room nun kung saan magpipinta. Kung ano lang daw ang gusto ng imahenasyon mo, ipinta mo. Matapos ang tatlong oras, tapos na ang lahat sa pagpipinta at ang karamihan, natuyo na.


Nagkaroon narin ako ng maraming kaibigan.


Breaktime nun para magsnacks. Naisipan kong bumili ng coke kasama ang new found friend ko, si John Paul. Nagchichikahan lang kami tungkol sa creepy things nang mapadaan kami sa fishpond.


"Alam mo na ba ang tungkol sa fishpond na yan?" Tanong niya nang makabili na ako ng coke. Umiinom ako habang tumatango.


"Meron pa." Sabi niya na ikinataka ko.


"Ano?" Sabi ko nang ibinaba ko ang coke na nangangalahati na.


"Alam mo bang kung sino man ang magtampisaw sa tubig sa pond na yan, isusunod ni Alys."


"Alys? Sinong Alys?" Tanong ko.


"Yung batang nalunod sa pond na yan. Dalawa na ang kabatch ko na nalunod diyan. Grade 6 kami non at sa pagkakaalam ko, two feet ang taas ng pond na yan na hindi naman pwedeng malunod ang kung sino mang 6 graders."


"Di kaya..."


"Oo. Nilunod sila." Sabi niya.


Naghari nun ang katahimikan sa aming dalawa ni John Paul kaya ako na ang bumasag nun.


"Tara na nga."


Bumalik na kami ulit sa room. Nagtaka kami sa gulat na mukha ng teacher nila.


"Ano po yun Ms. Gretch?" Rinig kong tanong ng cousin ko.


"Sobra ang canvass." Sabi niya.


"Ah. Opo. Kasi dinala ko po yung cousin ko." Pagpapaliwanag ng cousin ko.


"Hindi. 34 kayong lahat at sumali ang cousin mo which made the total 35. Pero hindi, 36 ang canvass na andito." Saglit na naghari ang katahimikan sa aming lahat na nasa loob ng classroom na yun.


Nakatalikod ang mga canvass sa amin. May mga initials ang sa likod nito ng pangalan ng puminta. Nasa second to the last ang sakin na may initials na B.T. Nagtaka ang lahat sa huling canvass. Initials nito ay A.R. na nasa penmanship ng isang elementary student.


Dahan-dahang pinaharap ni Miss Gretchen ang canvass at doon namin nakita ang isang napakapamilyar na fishpond na may isang batang babae na nakatalikod. Doon na kami tinamaan ng kilabot.Pero binasag iyon ng mapaklang tawa ni Miss Gretchen.


"Huwag nga kayong manloko guys! Hindi nakakatuwa! Ngayon, umamin kayo, sino sa inyo ang nagpaint ng dalawang canvass? Sagot!" Medyo kabadong sigaw ni Miss Gretchen pero kahit siguro maka-isang daan na magpabalik balik sa pagtatanong si Miss Gretchen ay wala talagang umamin.


Pero alam kong walang ni isa sa amin ang nagpinta non dahil tig-iisang canvass lang ang binigay sa amin ni Miss Gretchen. Kung ganon, sino ang nag pinta ng fishpond?



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon