Chapter 4

5.7K 114 0
                                    

A/N: Sorry ang late na ng update ang busy kasi last week. Ngapala this chapter is dedicated kay Collin Freya yung nakatie ko sa rank 2 ng sci-quiz. Congrats ngapala sana magkita pa tayo sa susunod at thank you sa may binigay mong drawing. Hahaha! Ang galing mo kamukha ko talaga yung drawing! Thank you!


Third Person P.O.V.


Ilang araw ng kulang sa pahinga si Mr De Noir mula nang dumating ito ng Cebu. Habang kasi nasa isa itong business trip ay biglang tumawag sa kanya ang General Manager ng Cebu Branch upang ipaalam sa kanya ang aberya sa isa sa mga hotel dito kaya mas inuna nya muna itong solusyunan.

Napahilot sya ng sentido sa sumasakit nyang ulo habang prenteng nakaupo sa pinakadulo at nakikinig sa sinasabi ng General Manager ng branch ng Cebu na kasalukuyang nagdidiscuss sa harap.

Hindi pumapasok sa utak nito ang lahat ng sinasabi ng nasa harapan nya dahil ang isip nito ay naglalakbay kung ano na kaya ang kasalukuyang ginagawa ng kanyang asawa.

Sa tatlong araw kasi mula ng umalis ito ay hindi pa ito nakakatawag sa asawa nya. Napapamura ito sa kanyang isip.


How could he forget na tumawag sa kanyang asawa ng ilang araw. Well! It's not his fault dahil sa sobrang lala na ng aberya sa kanilang hotel ay wala na itong oras para magpahinga at kung may free time man ito ay ang saglit na pag-idlip nya at pagkagising nito ay sunod-sunod naman na meeting ang kinakaharap niya.

"Is that all?" Tanung nya ng matapos magsalita ang General manager."Yes, sir." Kinakabahang sagot nito kay Mr De Noir.

"I'll give you my answer tomorrow morning. Meeting adjourn." Cold na sabi nito saka agad tumayo sa kinauupuan nya at lumabas ng kwartong iyon.

Pagkalabas na pagkalabas nito ay agad nyang kinuha ang phone nito upang tawagan ang kanyang asawa pero nagulat ito ng makita ang isang message galing sa isang unknown number.

Agad nya itong binuksan at binasa.

Xavier magsleep-over ako kilala minamie ngayong gabi kaya kung tatawag ka sa bahay walang sasagot at saka nga pala nasira yung phone ko kaya nakitext lang ako kay minamie. Good night! Sweet dreams.

Napangiti nalang ito bigla at napailing saka nya ibinalik yung phone sa bulsa nya.

Looks like bukas nya na matatawagan ang asawa nito dahil ayaw nya itong isturbuhin sa bonding nito kasama ang mga kaibigan nya.

Dahil pagod na pagod ito sa maghapong trabaho ay agad na syang dumeritso sa tinutuluyang hotel suite saka nagshower.

Maddy P.O.V.


[North Carolina, U.S.A.]

Matapos kung makapanganak nagstay pa ako sa bahay ng ilang months bago ko napagpasyahang humanap ng trabaho para samin ng anak ko. Hindi naman kasi tamang umasa lang ako ng umasa sa mga magulang ko. I'm a mom now. A single mom to be exact at kailangan ko ng tumayo sa aking sariling paa para samin ng anak ko."Hey! It's breaktime already. Get up and eat." Sabi nung blonde na babaeng katrabaho ko.


Nginitian ko lang bago sumagot. "I'm full." sabay himas kunwari sa tyan.

"Okay, whatever you say. I'll go now. Bye!"

"bye."

Pagkaalis nito ay agad akong bumalik sa tinatapos kung sales report nang biglang tumunog ang phone ko. "Hello, ya! Why did you call?" Tanung ko dun sa babysitter ni miles pagkasagot ko ng tawag.

Seducing The Mafia Prince 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon