That Crush Thingy

23 3 12
                                    

Crush. Paghanga.

Hinahangaan lang naman kita. Nagwagwapuhan lang. Nababaitan. Paghanga lang naman yan di ba?

Crush lang. Yan ang sabi ko sa sarili ko. Dapat crush lang. Pero habang tinitingnan kita sa malayo, nangangarap na mapansin mo, ay hindi ko na alam na tumitibok na pala ang puso ko.

"Go Starfive!"

"Woooh! Ang hot mo Adrian!"

"Ang gwapo mo Adrian!"

"Akin ka na lang Fafa Adrian!"

Nagbabasket ball kayo nun. At puro pangalan mo ang naririnig kong sinisigaw nila. Hanep ka rin eh. Gwapo ka na nga, magaling ka pa magbasket ball. All in all na!

Sumisigaw din ako nung oras na yun. Naririnig mo kaya? Siguro hindi kasi mas malakas pa ang sigaw ng katabi ko kaysa sa akin.

Siguro nga hanggang tingin lang ako sa malayo. Hanggang pangarap lang kita.

----

Nandito ako sa canteen. Nakita agad kita sa isang malaking table katabi ng mga kaibigan mo. Ang gwapo mo talaga. Lalong lalo na kapag tumatawa ka.

"Ano ba! Nakausod na ang nasa harapan mo oh!" Inip na reklamo ng nasa likod ko. Napatingin naman ako sa harapan ko.

"Ay sorry po!" Umusod naman ako paabante. Nasa pila ako. Sa haba ng pila, bigla kitang nakita kaya ayun. Nag da-day dream na naman ako sayo.

Minsan na nga lang kita makita sasayangin ko pa ba? Nasa star section ka, ako nasa mid-section lang. Ang hirap mo ireach!

----

Gabi na ako minsan nakakauwi dahil na rin sa mga group project. Ang mga kagroup ko kasi eh, antagal makaisip ng gagawin. Kaya ayun cramming kami.

Habang naglalakad pauwi, bigla kitang nakita. Napagdesisyon ko na nalapitan ka kaso may tumawag sa akin.

"Ara!" Napatingin naman ako. "Uuwi ka na?" Dagdag niya. Si Jake. Epal naman oh.

"Hindi obvious." Sarcastic kong sagot sa kanya. Nakakainis kasi eh. Hindi talaga ako namimilosopo pero pagdating sa lalaking yan, kusang namimilosopo ang dila ko.

"Hahaha! Hindi pala obvious. Pero bakit sa akin halatang halata?" Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy tuloy na lang sa paglakad. Bakit ko ba kinakausap yan?

Hinanap kita ng tingin kaso bigla ka na lang nawala. Saan ka na nagpunta?

Nakakainis naman oh. Chance ko na makausap ka kaso naudlot pa. Ito kasing lalaking nasa likod ko na sunod ng sunod sa akin.

Hinarap ko siya. "Bakit ka ba sunod ng sunod sa akin ha?!" Inis kong sabi sa kanya.

"Ha?" Napakamot siya sa ulo. "Hindi ah! Dyan din ang daan ko eh." At nauna siyang naglakad sa akin. Hindi ko na lang talaga siya pinansin.

Napatingin naman ako sa nadaanan kong convenience store. Andun ka!

"Bakit ka--Oy saan ka pupunta!" Hinawakan ako ng isang epal na lalaking ito. "Paki mo ba?!" Inis kong sagot sa kanya. Nagulat naman siya sa inasal ko.

May sasabihin pa sana siya pero tinalikuran ko na siya. Bwiset kasi eh.

Pupuntahan na kita. Gusto ko kasi kahit saglit, kahit minsan mapansin mo ako. Habang papunta sa direksyon mo, sa hindi malamang dahilan meron na namang mga paru paro na nagliliparan sa tiyan ko.

Bakit ganun tuwing nakikita kita ganito ang nararamdaman ko? More than crush na ba ito?

Pasimpleng tumabi ako sayo. Kinakabahan ako. Baka kasi makahalata ka. Tumitingin tingin ako sayo nagbabakasakaling tumingin ka rin sa akin.

That Crush Thingy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon