Just Wait

241 6 9
                                    

November 17; Sunday, 9:15 am

Nandito ako ngayon sa park. Nakakapagtaka nga at pinapunta ako ng boyfriend ko dito. Imposible namang namiss nya ako agad. Wala din naman kaming plano tuwing linggo dahil ito mismo ang araw ng pahinga namin. Mag- iisang oras na akong nakaupo ditto sa park. Nag- iisa ako sa kalagitnaan ng mga magkasintahan. Itong park kasi na ito ang kadalasang pinupuntahan ng magpartner. Higit sa maganda at romantic kasi ditto. Pinapalibutan ng mga bulaklak.. Kaya ito ang favorite place ko eh, ditto ko din kasi siya sinagot..

Bago pa man ako tumingin sa orasan ko ng pang limang beses ay may napuna na akong lalaki na papalapit sa kinauupuan ko. Nakakapanibago, sa 2 taon naming pagsasama ito ang unang beses na nakita ang malungkot nyang mukha. Tumayo ako at akmang aakap sa kanya pero ibinaling lang nya yung tingin sa gilid, sapat na sakin para malaman kung ano iniisip at nararamdaman nya.

Umiling- iling nalang ako at ngumiti..”Babes, bakit? May problema ba?”

Nawala ang mga ngiti sa mata  ko nang tumingin siya ng diretso sa mata ko.”Let’s break up…” biglang sabi nito.

Break up? Bakit? Wala akong maisip na dahilan para dun. Sa dalawang taong pagsasama naming, mawawala lang basta basta? Anlabo niya.

“Break up? Sige nga, bigyan mo ako ng sapat na dahilan kung bakit bigla mong naisipang makipagbreak…” kumawala ako ng kalmado pero pagalit na tono. Pilit niyang iniiwasan ang pagtingin sa akin.

“Sawa na ako sa relasyon natin..” yan ang sagot niya. Hindi ko alam pero nung marinig ko yun, di ko maiwasang mag- init ang dugo ko. Parang may kung anong mabigat ang bumagsak sa ulo ko. Ngayon narealize ko lahat ng katangahang ginawa ko para sa kanya. Nung binigyan ko sya ng second chance nung mahuli ko siyang may kasamang iba, nung binibigay ko lahat ng assignments at project ko sa kanya.. At pati tiwala ni Mama muntik pang mawala dahil sa kanya tapos ngayon mababalewala lang lahat.. Lahat binigay ko sa kanya, pero ni isa wala akong maalalang sinasakripisyo nya para sakin.

Ganon ba ako Katanga? Siguro karma to.. Ang tanga tanga ko kasi para magpaloko sa mga bola niya.

“Ang kapal din ng mukha mong sabihin na sawa ka na sa relasyon natin! Bakit hindi pa ba sapat yung 2 taon?! Yung…yung holding hands at kiss, di ka pa ba nakuntento?! Pati yung mga nagawa kong tulong kulang pa ba?!! Ano?! Bat di ka makasagot?! Para na akong tanga na kumakausap sa sarili ko!!” hinampas hampas ko sya ng bag ko. Hindi sya lumalaban at parang tuod na nakatayo sa pwesto niya. Nang makaramdam na ako ng pagod, huminto na ako..”FINE!! Is that what you want.. Go ahead, magpakasaya ka.. Let’s end this para naman matapos na. You know what, I never thought about breaking up with you.. Kala ko tayo na, pero salamat din sa dalawang taon.. Ginawa mo lang naman akong tanga.. Thank you..” I was about to go pero pinigilan nya ako..

“Ano ba? Ikaw tong nakipagbreak tapos pipigilan mo naman ako pagkatapos.. Let go of me!!” tinulak ko siya ng malakas, dahilan para mapaupo siya sa sahig. Tss. Tumakbo na ako papalayo sa kanya at pinunasan ang traydor kong mata. Feeling ko, binagsakan ako ng langit at lupa. Feeling ko, wala na akong rason para mabuhay..

Umiyak lang ako ng umiyak pag dating sa bahay. Hindi rin ako kumakain at kahit si Mama hindi ko pinapagbuksan. Nagkukulong lang ako sa kwarto, nakatulala sa kawalan. Bumaling naman ang tingin ko sa bread knife katabi ng mga pinadalang pagkain ni Mama kay yaya. Tumayo ako at kinuha ito. Itinapat ko ito sa pulso at akmang ididiin pero bigla akong nanghina nang mapatingin ako sa imahe ni Jesus sa bandang study table ko. Napaupo nalang ako at umiyak ulit. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makatulog ako..

November 25; Monday, 8:00 am

Higit na maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Sawa na akong magmukmok sa kwarto kaya naisipan kong mamasyal- sa park. Marami kasi akong alala ditto at hinahanap hanap ko din tong lugar na to.. Kahit maasakit, hindi na mawawala pa yun kaya tinanggap ko na ang katotohanan.. Wala na siya….

Just Wait ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon