(August 28 2012, 9:00 am)
"Mr. Agustiano! Natutulog ka nanaman sa klase ko!"
Pinitik ako ng katabi ko para magising ako. Nahuli nanaman ako ni Professor Bilog na natutulog sa klase.
"Mr. Agustiano, ilang beses ko ba uulitin sayo na wag ka matulog sa klase ko!"
"Wala eh. Nakaka-antok ang klase mo" bulyas ko
"I am aware of that, Mr. Agustiano. Talagang nakaka antok ang history. Pati nga mga kaklase mo inaatok pero nagtitiis sila. Nung kabataan ko..."
"Nung kabataan mo, payat ka pa?" sabi ko sabay tawa. Tumawa rin ang mga kaklase ko. Nagngingitngit sa galit si Prof.
"Hindi porket ikaw ang top sa klase at laging perfect ang exam mo, pwede mo na ako insultuhin!"
Tinaasan ko sya ng kilay. "Nagagalit ka? Ipatawag mo nalang kaya parents ko."
"Alam mong ilang beses ko na sinubukan yan Mr. Agustino! At lagi kang nakakalusot! Ewan ko na kay Principal at lagi kang pinapalagpas!"
Hindi nalang ako sumagot. Actually, napapagalitan parin ako minsan. Nakakaabot ang lahat ng reklamo si Proff Bilog sa tatay ko. Ang hindi kasi nya alam, tatay ko ang Principal. Ang single na si Mr. Charles Agustiano. Nag divorce kasi sila ni mommy nung 4 ako. Si Mommy ang nagpalaki saakin simula non, kaya lang namatay sya nung 7 years old ako kaya nalipat ang custody ko kay Daddy. Don't get me wrong. Mabait si Daddy. Naghiwalay lang sila nila Mommy kasi si Mommy talaga ang may kasalanan. Mahilig manlalaki si Mommy. Kaya lang ginagamit ko parin ang last name ni Mommy at dahil sabi ni Daddy na gusto nyang maalala saakin si Mommy. Hangang ngayon, kahit pagkatapos ng 9 years ay mahal nya pa si Mommy.
Nagdadadada parin si Proff kahit hindi na ako nakikinig. Actually, maswerte tong si Proff. Ang pinoproblema nya lang ay ang mga makukulit nyang studyante at ang pagtuturo. Kami ni Daddy, kasama ang iba pang studyante, maliban sa paper works ay may inaatupag pa kami gabi gabi. Ang dahilan kung bakit ako laging puyat sa klase.
Ako si Mark Agustiano. «Code Name Ganimede». Elite member ng "Radiant Moon". Sa ranking, ako ang nangunguna.
Minsan nagtataka ako kung bakit ako nasama sa gulo na to. In every single aspect, I'm just a normal student. Dati nga tinanong ko si Dad kung bat nya ako sinama sa Moon. Ang sabi nya lang saakin "Malalaman mo rin balang araw.". Now, I think I know why. I have enough wits to outsmart others. Isa lang ang nakakatapat saakin sa pautakan. At sya ay si...
---------------------------------
"Isa ka pa Mr. Martins! Ilang beses ko ba sasabihin..." naatala si Proff nung tinitigan lang sya ng estudyante at tsaka natulog ulit.
"Gumising ka!" galit na sigaw ni Proff. Pero hindi sya pinansin ng estudyante.
Sya si Vincent Martins. «Codename Io». Member rin ng Moon. Sya ang sumunod saakin sa ranking.
Sa tingin ko ay unfair ang ranking system namin. Dapat ay tapat lang kami ni Vincent. Namamangha ako sa kanyang kakayahan. Pag kami ang nagsanay, walang nananalo. Ang pinagkaiba nya lang saakin ay hindi sya nakikisali sa «Midnight Battle Royale», kung saan aktibo ako. Nalaban sya kung gusto nya. Sya ang tunuturi kong karibal. Ganun rin ang trato nya saakin.
---------------------------------
(11:30 am)
Lunch time. Magisa akong kumakain sa classroom. Si Vincent, tulog parin. Naisip ko na kelangan ko na gisingin tong lalaking to. Malilipasan to ng gutom.
"Vincent! Gising na!" sigaw ko sakanya. Tumingin lang sya sa kawalan at sumusob ulit.
"Pre, LUNCH NA!" sigaw ko ulit. Doon ay nag respond sya. Bigla syang tumayo at patakbong pumunta sa pinto. Bago sya lumabas ay tumigil sya at lumingon saakin.
"Salamat sa pag gising ulit saakin. At tigilan mo ang pagtawag saakin ng pre." sabi nya tapos ay daliang lumabas.
Ganito kami lagi. Gigisingin ko sya, mag tathank you sya, tapos tatakbo papaalis. Hindi naman sya sa canteen napunta kasi pag nagtatanong ako sa iba ay hindi daw nila sya nakita. Araw araw twing lunch ay may pinupuntahan sya. Pag balik nya lagi ay parang masaya sya at busog. Hindi ko na sya tinatanong sapagkat pag tinanong ko sya ay sasabihin sya lang ay "Wala kang pakielam".
Masyado syang focused sa rivalry namin. Hindi naman sya ilag sa iba kasi may mga kaibigan naman sya. Saakin lang iba ang trato nya. Dati ngang biniro ko pa sya.
"Hindi ba tayo pwedeng maging mag kaibigan? Umaga pa naman ah"
"Pag naging mag kaibigan tayo, maaring humadlang saatin yon. Maaaring may mag alangan saating dalawa. At hindi mahalaga kung umaga o gabi. Kahit anong oras ay magkaribal tayo. Yang ang tatandaan mo"
---------------------------------
(4:30 pm)
Natagalan si Mark bago nakauwi. Pinatawag pa kasi sya ni Proff. Siguro ay naiinis na rin sya sa paulit ulit na palitan nila ni Mark ng maaanghang na salita.
Medyo madilim na rin nung nakalabas si Mark ng gate ng school. Dederetyo na sana sya sa bahay nang maramdaman kong may sumusunod sakanya. Base sa tunog ng kanyang mga hakbang at babae sya. Mahihinhin ang lakad. Sa unang tingin ay isa lamang syang normal na pedistriano. Ngunit hindi sya nagkatiwala. Kahit na bawal ang paglalaban sa labas ng «Midnight Battle Royale» ay maraming members ng «Brilliant Star» ang lumalabag dito.
Dinahan-dahan nya ang paglalakad. Tumahak rin sya ng ibang daan. Imbes na pumunta sa bahay ay naghanap sya ng lugar kung saan hindi makakatakas ang sumusunod saakin. Nilingon nya sya. Naka jacket ung sumusunod sakanya. Mahaba ang black buhok na may konting pagkabrown. Ung mata nya, kulay light blue. Naglabas si Mark ng baril at itinutok sakanya.
"Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?"
Ang mga sumunod na pangyayari ang hindi nya inaasahan.
BINABASA MO ANG
Galaxy Academy
RomanceTwing gabi, may dalawang elementong lumilitaw. Ang bwan at ang mga bitwin. Minsan, mas maliwanag ang mga bitwin. Minsan naman, mas maliwanag ang bwan. Laging naglalaban ang dalawang ito. Naglalaban para makita ng mga nilalang sa ibaba kung sino ang...