Chapter 24
Rica's POV.
Ilang beses na ba akong nagkamali? Ilang beses na ba akong gumawa ng masama para makuha lang yung taong mahal ko?
But sad to say... I didnt get him. I end up losing him.
Nagtanda na ako, nadala na rin ako.
Sinong hindi?
Sinira ko mismo ang sarili ko. Sinira ng mga plano ko ang mukha ko!
Ilang araw na rin ang nakalipas magmula makalabas ako sa ospital. Nagalit sa akin sila Mom pero, siya pa rin yung taong umintindi sa akin.
Nandito ako sa sala, nakaupo at walang magawa. Masakit pa kasi yung mga sugat ko dahil s pagkasabog.
Nang nakita ko si Chelsea, pababa ng hagdan.
" Chelsea.. " sabi ko sakanya. Hininaan ko lang ang boses ko. Pero dinig na dinig dito dahil dalawa lang naman kami sa bahay at wala namang ingay.
" What? " Medyo parang naiirita siyang sumagot..
Mukhang galit na talaga sa akin ang half sister ko.
" Sorry sa lahat. " Sinabi ko yong mga salitang yon ng buong puso. It may be plain, pero.. Sorry means I won't do it again.
She looked at me.
" I don't unders--- Argg! "
Huh? Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya dahil sa pagsigaw niya, lumabas na siya at saka may sinigawan.
" Waaaaaah! Clarent? What are you doing in my house?! "
Nagulat ako sa sigaw niya, at the same time dun sa Clarent.
Napatingin ako sa labas at ayon naghahabulan.
Hays. Buti pa siya may chance na makasama yung taong gustung gusto niya.
Kilala ko si Clarent. Yan yung laging iniiyakan ni Chelsea..
" Akin na kasi yan! "
" No, sabihin mo muna sa akin kung ano yung tinetext mo sa akin kagabi?! "
Ang lakas ng sigawan nila.
Umupo ulit ako, tinanggal ko yung ilang bendang nakatakip sa pisngi ko. Napalapit ako sa harap ng salamin, at dun ko sinimulan pagmasdan ang mukha ko..
"AAAAAAAAAAAH! " Hindi ko na napigilan ang pagsigaw.
" Ang m-mukha ko! "
" Ate? Ate! Anong nangyari.. " Mukang gulat na gulat siya sa reaksyon ko..
Di ko na napigilan ang pag iyak..
" Sira na ang mukha ko... ano.na lang ang ihaharap ko sa ibang tao! " Mukang balisa siya at hindi niya talaga alam ang sasabihin sa akin. Di ko naman kasi siya masisisi.
" Ate... huwag mong isipin yan.. "
" H-hindi.. Chelsea.. Tulungan mo ako! Anong gagawin ko?! "
" Ate.. Hindi ko alam.. Sorry ate. "
Niyakap niya ako.
Yon ang tanging nagawa niya na medyo nakapagpagaan ng loob ko.
" Chelsea, sorry sa mga nagawa ko sayo.. "
" Huwag mo nang isipin yun, Ate. I'm willing to forgive you.. Pero mas karapat dapat kang mag sorry kina kuya Lance. " Tama ang sinabi niya..