CHAPTER TWENTY-EIGHT
ALL was back to normal after the incident happened. Walang naging problema sa triplets nila ni Matthew. She was kind of shocked for a week. But she easily coped up. Ngayon, isang buwan na lang at manganganak na siya.
"Aalis muna ako." Kinintalan siya ng halik ni Matthew sa labi. "Ito na ang huli kong pag-aasikaso sa kaso ni Brandon."
Pagkatapos daw nang pagdakip sa kanya ni Brandon at muling pagkahuli rito ay bumigay na daw ng tuluyan ang katinuan nito.
Para daw itong baliw sa loob ng kulungan. Kaya kailangan nang ilipat sa isang mental institution para sa mga mentally-illed inmates.
Hindi nakakaramdam ng awa si Frances para sa dating nobyo. Maybe, that is already God's way of giving Brandon's victims the justice they all deserved.
"Please, mag-iingat ka. Pray, alright?" paalala niya sa nobyo. Kasabay nang panganganak niya next month ay ang pagpapakasal na rin nila.
Ang mga magulang niya ang pilit nag-ayos ng kasal nilang mag-nobyo. Si Matthew naman ang gumasta sa lahat, though.
"I will. Kausap-usapin mo si Red para hindi ka mainip."
Sinuot ni Matthew ang NBI shirt nito. He tucked it inside his pants. Sumunod ay kinabit nito ang holster sa baywang at saka nilagay ang magkabilang baril sa gilid niyon. Hinatid niya ito hanggang sa gate.
Niyuko nito ang malaki na niyang tiyan at hinalikan iyon. Sumunod ay marahang kinabig nito ang kanyang batok para halikan siya sa mga labi.
Napangiti si Frances at kumaway nang sumakay na ito sa Wrangler.
Kahit kung anu-ano na namang mga senaryo ang tumatakbo sa isip niya, natutunan niya nang kalabanin ang mga obsessions sa pamamagitan ng pagdarasal.
Lord God, keep Matthew away from any harm. Be his protector and hero...
***
MATTHEW never really thought that he got the girl of his dreams.
Frances is all he ever wanted from the start. Hindi na nga niya matandaan kung paano niyang naitawid ang mga taong akala niya ay wala na siyang pag-asa na muling makita ito.
That's why he believes in God. He just made a miracle for him to end up with Frances. They'll be sharing the same name soon. That's his motivation to end this last mission with Brandon Thomas.
Pagkarating niya sa NBI ay sandali lang siyang nag-report at in-orient ang limang agent na kasama sa misyon. Paalis na sila nang makita niyang bukas pa ang ilaw sa opisina ng Papa niya.
"Dela Merced."
Napatuwid siya ng tayo nang tinawag siya ng ama pagkalabas nito ng opisina. "Sir."
"Paalis ka na?"
"Yes, Sir."
Tumango ito. "Mag-iingat kayo," walang emosyong sabi nito at saka muling pumasok sa opisina nito.
Matthew was more discouraged to approach his father. Parang hindi pa tama ang oras. Siguro sa susunod na lang. Dahil hindi pa rin naman niya alam ang sasabihin dito kung sakali.
Tumulak na si Matthew kasama ang ibang NBI agents sa kulungan kung saan naka-detain si Brandon. Sinalubong siya ng ilang mga pulis at sumaludo. Sumaludo siya pabalik at naghain ng utos sa mga ito.
Pagkatapos ng isang oras ay sinamahan siya ng dalawang pulis sa kulungan ni Brandon.
May dalawang nurse na galing pa sa mental institution. Nagwawala na rin ngayon si Brandon nang biglaan kaya kinailangan na talaga ng mga nurse para pakalmahin ito.
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomansaMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...