Finding My True Love

74 1 2
                                    

Si Yuan Madrigal isang heredero. Naulila sa edad na pito at naiwan sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Siya ay magpapanggap bilang isang mahirap para matagpuan ang totoong magmamahal sa kanya. Sa kanyang pagpapanggap makikilala niya ang dalagang si Yanyan isa itong mahirap at ulila na rin tulad niya ngunit may dalawa pa itong kapatid.Ito na kaya ang babaing nakalaan para sa kanya o isa na namang mamahalin siya dahil sa pera? Umibig kaya sa kanya ito na sa una nilang pagkikita ay sinungitan na niya? May happy ending kayang naghihintay sa larangan ng pag-ibig kay Yuan?

Chapter1 Finding my True Love

“Hindi ko mahal si Yuan kundi ang pera at mamanahin lang niya. Hindi ko kayang mahalin ang tulad niya. Im sure kung meron mang magmamahal sa kanya dahil lang din sa kayamanan niya.” Iyan ang kataga na wika ng dati niyang kasintahan na si Vinia na paulit ulit na naririnig niya kahit matagal na niya ito narinig. Ito ang salita na hindi niya malilimutan dahil ito ang salitang ayaw niyang marinig sa babaing kanyang mamahalin muli.

” Yuan,pare okey ka lang ba?” wika ng kaibigan niya pagpasok nito sa opisina niya. Nakita kasi siya nitong tulala na naman.Pinapasok na siya ng sekretarya nito dahil hinihintay na siya ni Yuan kahapon pa.

” May nakita ka na bang bahay na matutuluyan ko?” tan0ng niya agad dito at hindi na sinagot ang tanong nito. “Sigurado ka na ba sa gagawin mong pagtira doon? Squatters area iyon malayong malayo sa lugar na kinalakhan m0,pare. Kakayanin mo kayang mabuhay doon?” ang mahabang litanya ng kaibigan niyang si Kenny sa pagtira niya sa squatters area. Hindi kasi ito makapaniwala sa gusto niyang gawin na magpanggap bilang mahirap upang mahanap ang totoong magmamahal sa kanya.

“Sigurado na ako,pare. No one can change my mind even lola and lolo.”ang paninigurado niya sa kaibigan saka muling nagsalita. “May nakita ka na bang bahay, Kenny? I want to transfer there as soon as possible.” ani nito.

“Meron na akong nakita maliit pero maayos naman kaya puwede ka ng lumipat doon. Kung gusto mo puwede nating puntahan mamaya o bukas ang bahay.” sambit ni Kenny.

“Huwag na!Lilipat na naman ako doon sa makalawa eh. Ang importante may matutuluyan na ako.” ang tugon niya.

“Paano itong company? Sino papalit sa iyo dito?” ang tanong ni Kenny.

“Si Tom muna pansamantala ang papalit sa akin dito habang wala ako dito.” ang sagot niya sa kaibigan.

“Ah okey! Sige,pare mauna na muna ako may tatapusin pa pala akong trabaho. Kita na lang tayo mamaya.” pamamaalam nito at sabay tayo para makipagkamay sa kaibigan.

“Sige,pare ingat ka. Kita na lang tayo mamaya.” tugon niya sa kaibigan at ito ay umalis na.

“Kamusta po,Mang Kardo? Busy po kayo sa paglilinis niyang kuwarto ah.” ang pangungumustang wika ng dalagang si Yanyan sa kapitbahay nilang balo.

” Heto mabuti naman. May lilipat na kasi dito,Yanyan baka sa makalawa lilipat kaya nililinisan ko na. Eh ikaw,kamusta naman?” ang wika nito sa dalaga.

“Ah ganoon po ba. E, di mabuti po para may bago na naman pong kapitbahay. Mabuti naman po ako kahit pagod kakauwi lang po galing sa palengke. Bumili nga lang po ako ng lutong ulam diyan sa kanto para may maiulam mga kapatid ko.” mahabang litanya niya sa kausap.

“Alam mo binata ang uupa dito. Baka bagay kayong dalawa.” panunukso nito sa dalaga.

“Kayo po talaga,Mang Kardo ako na naman nakita ninyo. Pass na po muna ako diyan. Ayoko na po muna. Alis na po ako,Mang Kardo baka po nagugutom na mga kapatid ko” ang wikang paalam niya pero ang totoo ay umiiwas lamang siya sa topic na ganoon dahil hindi pa siya nakakamoveon sa huling relasyon niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Finding My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon