CHAPTER I

15 1 0
                                    

"Walang taong hindi pinangarap na mahalin siya ng taong mahal niya"
-

Itong kataga na ito ang pumukaw sa aking pansin. Totoo naman kasi hindi ba? Sino ba naman ang taong may gustong masayang ang effort, Tulad nalang nang pag pagiigib ng tubig sa gripo na gamit ang butas na timba. Mapapagod ka na masasayang pa ang oras at panahon na ginigol mo para mapuno ang isang drum. Natatapon lahat, nasasayang gaya ng pag mamahal mo sa taong hindi ka naman mahal. Useless hindi ba?

Wala din namang taong nangarap na magmahal ng hindi ka naman na susuklian ng tama. Gaya ng pag bibigay mo ng sobrang halaga sa isang tao, na ang tingin naman sayo ay isang pampalipas oras lang. Binibigyan mo ng oras at panahon, pinapahalagahan mo kahit sa maliit ng oras binigay niya sayo.
Katulad ng pag rereview mo ng ilang araw para sa exams mo sa taxation, na akala mo objective type lang pero computation pala. Sayang ang oras at araw na binigay mo. Babagsak ka din naman pala.

At naniniwala ako na walang taong hindi hinangad na makasama niya habang buhay ang taong mahal na mahal niya. Totoo naman. Tayong mga pilipino ay mahilig mag pahalaga. Isipin mo nalang yung mga matatanda na mahilig mag tabi ng gamit. Lagi nalang nilang sinasabi "ingatan mo yan, mas matanda pa sa iyo yan." O "ingatan mo yan kasi mahala yung taong nag bigay sakin niyan." In short may value. Hindi value na presyo sa tindahan at supermarket ah. Value ng pag papahalaga. We treasure every great moment in our life. Pilipino tayo eh.

Isa pa sa napagtanto ko sa katagang ito ay ang pag titiis. Magaling taong mag tiis. Mag tiis ng hirap at sakit. Kahit na may nararamdaman na hindi maganda sa pangangatawan ay ayaw pa din mag patingin sa doctor. Pag titiis. Tulad ng pag titiis mo habang ikaw naglalakad ng naka heels na 4 inches ang taas, pagtitis na maglakad ng maayos kahit hindi ka naman talaga sanay. Pag titiis na kahit mamaltos na ang paa mo ay okay lang kasi bagay sa outfit mo eh. At pag titiis na kahit malaki ang posibilidad na matapilok ka, madapa at malalag sa hagdan okay lang bagay sayo eh. In short Tiis ganda to.

At isa yan sa dahilan kung bakit ako proud sa pagiging pilipino ko. Sobra mag mahal, sobra mag effort, sobra magbigay na halaga at sobra mag tiis kahit nasasaktan na.

Too much of hugot. Ang ikli ikli lang ng nabasa ko pero maka pag react ako no. Daig ko pa ang ampalaya sa pagka bitter. Singlalim ng dagat ang pinang huhugutan kong mga salita.

Kasi naman ang totoo niyan wala pa akong nagiging boyfriend. As in, wala NBSB sabi nila. Yang mga hugot ko, may pinang gagalingan yan pero galing sa ibang tao, sa kanilang mapapait na kwento. Kaya gustong gusto kong nakikipag usap sa mga matatanda, sa kwento ng mga lolo at lola natin. Kasi mamalim din ang mga kwento at pangyayari sa buhay nila. Mapa love story man o reality.

Ang dami ko nang nasabi pero hindi pa ako nakakapag pakilala. Ako po pala si Deanjasha Velez isa akong Financial Managment student sa isa sa pribadong paaralan sa Quezon City. At meron po akong 2 kapatid sina Deanjia at si Deanjosaiah ang makukulit pero sobrang mahal ko. :)

"Jasha, halika muna dito sa baba. Paki tulungan mo akong mag hiwa ng rekados dito."

"Copy po, este nandyan na po."

Si Lola Juana ang lola kong the best magluto :) baba muna ako ah. Tulungan ko muna si Lola.

➖➖➖➖
Expect for more hugots. Thank you for reading.
Please comment and vote para po malaman ko kung itutuloy ko pa siya or hindi na. Looking forward po ako sa mga boto ninyo! Salamat!!
Godbless :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time after TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon