Chapter 2

468 12 1
                                    

(X-SITE)

Nilabas ko yung Panda na purse ko na puro token ang laman. Sa totoo lang, dapat uubusin namin to ni Markus nung Valentine's day kaso, saktong VD nung nakipagbreak ako sa kanya.

Kung ano ano na lang yung nilaro ko. Sinubukan ko na ring mag dance revo, shoot shoot ng bola, baril baril, kumuha ng mga stuff toy na kahit anong gawin ko e hindi pa rin ako makakuha at kung ano anong laro pa.

Aiiissssh! Kainis tong machine na to, may daya! Asaaaaar! Trip ko pa naman sana yung panda bear.

Pinipilit kong maglibang pero bakit kahit sa mga sandaling to si Markus pa rin naaalala ko? Please Ysabel! Wag kang iiyak! Baka pagkamalan ka pang baliw ng mga tao dito. Please wag!

Sunod na ti-nry ko yung bump car, tapos nagroller coaster na rin ako. Yung feeling nang nasa kalagitnaan ako ng pag e emote tapos yung mga kasakay ko puro mag bf/gf? Seriously?!

Tsss. Umiiral na naman yung pagkabitter ko. Asar!

Parang nung December lang nag Star City pa kami ni Markus... =|

Siguro nga bitter pa rin ako? Ay hindi siguro, bitter talaga! Ewan ko ba, pag nakakakita ako ng couple umiinit ulo ko! Lalo na yung mga naka couple shirt, hello ang baduy ah!

"Miss, yung gamit niyo po sa side na lang."

Sabi nung nago-operate ng roller coaster.

Nilapag ko yung bag ko sa gilid at ayun, umandar na! Dalawang beses lang naman yung ikot nun. HAHAHAHA! Kakakiliti. Eng eng mode ako e, para akong bata. After nung ride di ko na alam kung anong isusunod. Marami pa pala akong token. Walktrip... BOOM! Sa gilid, may narinig akong maraming naglaglagan na token. Hmmm... Indiana Jones ba yun?

Naglaro rin ako. Inggitera lang? :D

HAHAHA. Ngiting wagas here! Olanap ata ako kasi maraming naglaglagan na token saya langsss!!!

Damang dama kong kunin yung mga token sa baba. Yukong yuko pa ang drama ko ng biglang may na sight akong paa sa bandang kanan ko. Eeeeeee usisain ko pa ba kung sino? Basta Vans yung sapatos niya. Wapakels naman ako.

Eto na ba ang benefit ng break-up namin ni Markus? Sinuswerte ako sa laro? Try ko kaya magsugal? Joke :D

Pagbalik ko sa pagkakaupo ko, maghuhulog pa sana ako ng token nang may nagsabing

"Miss, pautang lima mo."

O_________O

Nanlaki yung mga mata ko.

Whaaaaaaaaaaaat? Tengene, minumura ba ko nito?

"Sige na miss, pautang lima mo. Please?"

Ay ***a! Di maganda sa pandinig yung sinabi niya ah?! Ganda ganda ng mood ko binabadtrip ako nito. Tsss!

Hindi ko siya tinignan sabay sinigaw ko na

"MINUMURA MO BA KO???!!!"

Humagalpak siya sa kakatawa. Tsaka ko na siya tinignan. Pagharap ko sa right side ko...

EMEHGAAAAAAAAAAWD!

Nalaglag yung token na dapat ihuhulog ko.

Tawa pa rin siya ng tawa. May pahampas hampas pa sa machine na nilalaro ko.

Owshit!

Napako na ata yung pagtitig ko sa kanya. Katawan ko na frozen solid na sa kinauupuan ko at... At tumutulo na ata yung laway ko...

ANG GWAPO NITONG HINAYUPAK NA TO!

Tengjuice! Kamukha niya si Alex Gaskarth, Vocalist ng All Time Low.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon