Chapter 40

13.3K 362 13
                                    

CHAPTER 40

Nagdrive na ako papunta sa address na sinabi nung mga taong kumuha kay Allison. Hindi ko kinontact si Mia o kahit sino man. Ayokong madamay pa sila dito. Ang pinagtatakha ko lang, sino namang gagawa netoh?

Tahimik lang ang kalsada at tanging kotse ko lang ang nagbibigay ng ingay. Nakita ko na ang isang abandonadong building kung san may mga armadong lalake ang nakapalibot. Tago ang lugar natoh kaya hindi siguro napapansin ng iba.

Tinigil ko ang kotse ko malapit sa isang puno na hindi kalayuan sa building. Lumabas na agad ako at dahan dahang naglakad papunta sa entrance nila.

Agad naman silang naging alerto nung maaninag nila ako.

Touch me and I'll kill you.

May naramdaman akong humawak sa balikat ko at kaliwang braso ko. Agad ko namang kinuha ang isang handgun sa bewang ko at pinaputukan sya sa ulo. Sa isang iglap agad na nagkagulo ang mga armadong lalake sa paligid ko.

May nakita akong baril na nakatapat saken at pinaputok nya toh pero nagcart-wheel lang ako para maiwasan ang bala. Lumuhod ako at binaril ang tuhod nung bumaril saken. May nagtangkang humawak sa balikat ko mula sa likod ko pero mas mabilis ako sakanya at kinuha ko ang isang kutsilyo sa paanan ko at tumayo ako agad at sinaksak sya tyan. Nakita ko sa peripheral vision ko na may susuntok saken sa kaliwa.

Kaya naman agad kang binunot mula sa pagkakasaksak ang kutsilyo at sinaksak toh sa leeg ng susuntok sana saken. Napalingon naman ako sa harapan ko na nakatapat saken ang isang sniper rifle. Agad akong tumambling papunta sa isang malaking drum at sa isang iglap tuloy tuloy na ang pagputok papunta sa dereksyon ko.

Ang drum ang nagsilbing shield ko. Sumilip ako nung natapos na sya at ako naman ang gumanti, nagpaputok din ako sa dereksyon nila pero nagtago din sila. Bigla akong may naramdaman na mga kamay na humawak sa magkabilang braso ko.

"Huli ka" sabi ng isang lalake. Tumingin ako sa ibabaw ko at nakita ang isang malaking metal na hugis kahon na pwedeng patungan.

Hawak nila ang dalawang braso ko kaya nagipon ako ng lakas para magbackflip pataas para lumanding ako sa malaking metal na nakita ko kanina. Nung nakatungtong na ako ginamit ko ang paa ko at sinipa sa mukha ang nakahawak sa kaliwang braso ko. Medyo nabuhat ko sila ng konti kasi mataas din ang natungtungan ko.

Binaril ko naman sa balikat ang lalakeng nakahawak sa kanang braso ko. Kumuha ako ng bala mula sa leather jacket ko at nilagay toh sa isang handgun ko at kinasa itong muli.

Mula dito sa taas makikita ang mga armadong lalake. Kinuha ko ang bomba sa leather jacket at sinet sa pinaka-maagang timer. 3 seconds will do

Hinagis ko agad ito sa dereksyon nila at tumalon naman ako pababa para matakpan uli ako ng mga metal.

Ilang sandali pa ..

*BOOOOOM* *BOOOOOOM*

Narinig ko ang pagsabog mula sa likuran ko. Medyo naramdaman ko yung init dito sa area ko pero tiniis ko lang kase di pa ko pwedeng lumabas.

Ilang sandali pa tumahimik na ang paligid at dahan dahan akong lumabas habang hawak hawak yung handgun. Ang daming mga patay na nakapalibot saken. Di na ako nagaksaya ng panahon at pumasok na ako sa loob.

Hanggang third floor ang building na toh. Walang kataotao dito sa first floor kaya inespeksyon ko muna ang paligid. Bigla may sumulpot na apat na lalake, kinasa ko ang handgun ko at readying ready na sila barilin ng may bigla tumunog na speaker.

Pinahanga mo kami dun, Aubrey. Pero subukan mong kontrahin ang apat na ipinadala ko, lagot saken tong kapatid mo.

I froze. Unti unting lumapit saken ang apat na timang pero pinigilan ko sila. "Don't touch me. Sasama ako" mahinahong sabi ko. Wala akong tiwala kung hahawakan na nila ako. Dalawang lalake sa harap ko para maglead kung san ako ipapadala at dalawang lalake sa likuran ko para bantayan ako kung sakaling tatakas ako.

May mga malalaking baril na nakasabit sa balikat nila kaya bantay sarado ako. Tssss

Sumunod lang ako sa kanila, umakyat kami sa bakal na hagdanan. Lumiko kami pakaliwa at tumigil kami sa isang glass door pero di mo masyadong makikita ang nasa loob dahil maypagkablur na yung glass.

Dahan dahan nila itong binuksan at para akong pinatay. Nakita ko si Allison na nakatali sa isang upuan. Nakatulog sya pero makikita mo ang mga pasa sa gilid ng labi nya.

Galit na tinignan ko ang dalawang lalake na nasa magkabilang side nya. "T*ngina! Sinaktan nyo sya?!" galit na sigaw ko. Tinutok ko ang baril ko sa isang lalake kaso hinawakan ako nung mga taong nasa likod ko sa balikat. Hinawakan ko naman agad ang kamay ng isa at inikot yun.

Sumigaw sya sa saket. Di ko pa rin sya tinigilan at tinulak ko sya ng malakas at inuntog sa pader. Nakita kong dumugo ang noo nya at nawalan ng malay sabay bagsak sa sahig. Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa mga lalaking nanakit kay Allison at akmang susugurin na sila nang may biglang sumulpot sa harap ko.

"Awww. Ate to the rescue ba ang peg mo dito?"

"Daphne?" bahagya akong napa-atras.

"Surprise!" naglabas sya ng confetti at pinasabog yun sa harap ko. Parang sumabog yung systema ko dahil sa galit at sinakal ko nalang sya ng pagkadiin-diin.

"Damn it! Don't play with me you bitch" matigas na sabi ko. Biglang may humawak sa magkabilang braso ko. Mga alagad nya.

"Hahahahaha! Bitch ba kamo? Ok." parang wala lang sakanya at unti-unti syang lumapit kay Allison na natutulog. Para akong sinapak nung bigla nyang hinila ng malakas ang buhok ni Allison.

"Fuck! Don't touch her!" I shouted. Umiiyak lang si Allison.

"Drop your weapon" mas nilakasan nya pa ang pagkakahila sa buhok ni Allison. Fuck this!

Marahas na tinapon ko ang handgun na hawak ko habang hawak hawak pa din ng mga gunggong yung magkabilang braso ko. Nakita kong ngumiti naman si Daphne at binitawan na si Allison. I sighed in relief.

Dahan dahan syang lumapit saken at sinampal ako.

"That's for stealing the attention of Tito Kael and Tita Gab " ngumiti naman ako kahit masakit yung pagkakasampal nya. Hindi ako makaganti dahil hawak hawak ako ng mga tauhan nya.

Sinampal nya ulit ako ng malakas sa kabilang side.

"That's for stealing Axel" naramdaman kong humapdi yung pisnge ko. Letse

"He's not yours" malamig na sabi ko sa kanya.

"Ahh ganun? Boys, teach her a lesson" she smirked at me. Ilang sandali pa may limang lalake ang tumambad sa harap ko. Bigla nalang akong sinuntok ng malakas ng isa sa kanila sa tyan ng tatlong beses

Umubo ako ng dugo. Naramdaman kong may sumuntok nanaman saken sa mukha. Shit!

"ATEEEEE!" I heard Allison scream. Nanghihinang lumingon ako sa dereksyon nya at ngumiti ng bahagya.

Sinuntok nanaman nila ako sa tagiliran. Napasigaw ako sa sakit. Dahan dahan bumagsak yung katawan ko pero pinipilit akong itayo ng mga tao ni Daphne.

"Enough, Daphne. Nasasaktan na sya" bigla akong may narinig na pamilyar na boses. Nanghihinang binuksan ko ang mata ko at pilit na itinuon ang atensyon sa nagsalita.

"Patikim palang naman yan, Dean. Hahahahaha" I heard Daphne said.

At tama sya. I saw Dean and he was smiling in front of me.

"Poor fearless girl"

Before I could response everything went black

**

Waaah, thank you po ng marami dahil 10K reads na. *sabog confetti* at #91 na tayo in Action. Labyu sagad :)Btw, gagawan ko pa ba toh ng Book 2 or ano? Hahahaha ge I hope you can vote for this kabanata hihi :D

-Sayki


Assassination of the Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon