Prologue

10 1 0
                                    

Simple lang akong babae.

Simple lang ang pangarap.

Ang mamuhay ng maginhawa at masaya kasama ang pamilya ko.

Pero lahat yun nasira.

Nawala ang pangarap ko.

Pinatay nila ang pangarap ko.

Yun ang nakapagdesisyon sakin para tanggapin ang hiling ng isang matandang lalaki.

-flashback-

"Ma nandito na ko!" Kakauwi ko lang galing sa eskwela. Excited ako laging umuwi dahil sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko.

Pero pag pasok ko, nakita kong nasa sahig ang mga wala ng buhay na kasambahay namin.

Nagmadali akong umakyat sa kwarto.

Nanlumo ako sa nakita ko.

Si mama at papa na may tama ng baril sa iba't-ibang bahagi ng katawan nila.

"Ma!" Wala akong magawa. Yakap ko ang walang buhay nilang katawan. Tanging iyak ko lang ang naririnig sa buong bahay.

Napansin ko ang kamay na nakapatong sa balikat ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa matandang lalaki na nakatayo sa likod ko.

"Ako ang makakatulong sayo."

-end of flashback-

Sinabi ng matandang lalaki na siya ang lolo ko, daddy siya ni papa. Kaya pala medyo namukaan ko siya, nakita ko ang picture niya dati. Pero tinago yun ni papa.

Pinamana sakin ni lolo ang mga kumpanya niya, kabilang na ang Valkyrie Corp. at ang Valkyrie Org. Ang Valkyrie Corp. ang isa sa pinakamalaki at malakas na kumpanya sa bansa pati na rin sa buong mundo. At ang Valkyrie Org., isang mafia group, pinakamalakas na mafia group sa bansa. Ayokong maging isang mafia boss kaya di ko yun tinanggap.

Tinulungan ako ni lolo makabangon kahit na di ko tinanggap ang pagiging mafia boss.

Pero pinatay din siya. Lahat ng myembro ng Valkyrie Org. And that made me to say yes. And now, maghihiganti ako. Kasama ang bagong Valkyrie Org.

Sabi nga nila maganda ako pero delikado. At ako ay tinawag nilang
DANGEROUS ROSE.

-Yeng
052116

Dangerous Rose (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon