@LABYu010's POV
Drum
Nasa kwarto kami neto, nagkukwentuhan kami ng mga kaibigan ko tungkol sa mga creepy experiences namin. Kaya naman bigla kong naalala yung panaginip ko, ikinuwento ko sakanila yun at simula nung nagkwento ako, nagtuloy tuloy na yung creepy experiences ko in real!
Ito yung panaginip ko.
Yung classroom daw namin ay katabi lang ng CR ng girls. Papunta daw kami nun ng mga kaibigan ko. Nauuna ako sakanila maglakad dahil sa naiihi narin ako. Sa CR namin ay may tatlong cubicle tapos may isang malaking salamin at sa gilid ay may isang drum. Walang ilaw ang CR nun kasi napundi. Maliwanag naman kaya hindi kami natakot.
Pagkapasok na pagkapasok ko daw sa CR ay may nakita akong lalaki, nakasubsob yung muka niya doon sa loob ng drum. Nagtaka ako kung bakit nandito siya eh CR ng girls 'to. Tinawag ko siya ng tinawag pero hindi ako naririnig so, kinalabit ko nalang.
Inangat na niya yung ulo niya at lumingon sa'kin. Saktong nasa loob na rin yung mga kaibigan ko. Nakita kong puno ng dugo yung mukha niya pati narin yung kwelyo niya. At yung uniform na suot niya ay yung sinauna pang uniform sa school namin.
Natakot na daw kami nun pero hindi kami makagalaw or makasigaw. Bigla nalang tumakbo yung lalake pagkatapos kaming tignan. At ayun nagising na ako sa panaginip ko.
Akala ko isang masamang panaginip lang iyon pero hindi ko inakalang dun magsisimula lahat at magiging totoo yun.
Isang araw, habang papasok ako sa school, nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa'kin. Nagtaka ako dahil yung mga dinadaanan kong bahay ay sarado pa at ako lang magisang nasa labas.
Medyo nakakaramdam na ako ng takot nun nang may bigla akong marinig na naglalakad sa likod ko. Nakahinga pa ako nun ng maluwag pero nung nilingon ko na yung nasa likod ko, doon na ako natumba sa daanan.
Nakatayo sa likod ko yung lalakeng nakita ko sa panaginip ko. Yung nakasubsob ang mukha sa loob ng drum.
May inuusal siya. Tulungan ko daw siya. Palakas iyon ng palakas hanggang sa maigalaw ko yung paa ko at kumaripas na ako ng takbo. Dahil sa takot ko nun ay nakalimutan ko nang bawal pala sa akin ang tumakbo pero bahala na.
Pagdating ko sa school, agad akong natumba. Sinaklolohan ako ng mga kaklase ko na andoon na pero kahit anong saklolo nila sa akin ay unti unti kong naramdaman ang pamamanhid ng buo kong katawan. Hindi na din ako makahinga ng maayos at nanlalabo na ang paningin ko. At ang huli ko nalang na naalala ay ang mga sigawan nila.
Nagising na lamang ako sa isang kwarto, kwarto ng hospital. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya tumingin ako dun. Nakita ko ang teacher ko na alalang alala ang mukha. Kasama niya si Mama at si Papa nun.
"Eunice, hindi ba ang sabi ko naman sayo, wag ka ng tatakbo? Yan tuloy, 3 araw ka ng absent sa klase ko. Mabuti nalang ay walang nangyari sayong masama. Bakit ka ba tumatakbo?"
Nagulat ako nun sa sinabi ng teacher ko, 3 araw?
"Ma'am, hinahabol ako nung lalakeng puro dugo yung mukha!" Naiiyak kong wika at nagsisimula na naman akong maghisterekal.
Nakita kong nagulat ang teacher ko sa sinabi ko at bumakas sa mukha niya yung takot.
"Puro dugo ang mukha? Hindi kaya ito yung lalaking laging nagpapakita sa CR ng girls?" Tanong niya pero hindi na ako sumagot dahil yakap yakap na ako ni Papa nun at pinapatahan.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa hospital ay pinilit ko sila Mama na pa-imbestigahan ang CR ng mga girls. Nung una, ayaw nilang pumayag, magtransfer nalang daw ako sa ibang school pero pinilit ko pa din sila kaya pumayag din sila. Nanghihingi ng tulong ang lalake, alam ko, kaya tutulungan ko siya.
Pagkatapos nga ng isang buwan na pag-iimbestiga ay nakita na ang bangkay ng lalaki dahil sa pag-amin ng salarin, iyon ay ang aming janitress. Nasa ilalim iyon ng drum. May butas doon kung saan nakalagay ang katawan ng bangkay.
Nung masiguro kong lalake ang nakitang bangkay ay napanatag na ako. Hindi ko na inalam kung bakit pinatay ng janitress namin ang estudyanteng lalakeng iyon na doon nag-aaral sa skwelahan namin noon. Sapat na na nabigyan siya ng hustisya.
Sa ngayon, doon pa din ako nag-aaral sa school na yun pero hindi ko na ulit narinig na nagpakita yung lalake sa CR ng mga girls. Natahimik na siya at dahil yun sa tulong ko.
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
TerrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!