Chapter 2 (Something Fishy??)
Well, I’m sorry Trixie baby. I’m just “banging around”. Nothing serious… Pfffttttt!
I couldn’t help but laugh at my stupidity.
“Trisha daw?” Shit. You’re the man Michael! Wala ka talagang kakupas-kupas. Pero on a serious note, kawawa naman yung babae.
Pagkatapos ng pinagsaluhan namin, at least naman, kahit pangalan lang sana tinandaan ko. Hmmm, It doesn’t matter anyway. Tutal, hindi naman na kami magkikita ulit ng babaeng iyon. Pero Epic Fail talaga ako.
I smiled to myself, laughing quietly. Maingat kong ipinasok ang sasakyan sa garahe ng bahay namin. It only took me 20 minutes para makauwi. Pinaspasan ko kasi ng takbo sa pag-aalalang baka maisipan akong sundan noong babae. At isa pa, maluwag ang kalsada at wala naman talagang traffic. This is one of the advantages when you’re going home late.
I avoided creating unnecessary noise while entering the house. Ayaw kong malaman o maamoy nila Mommy at Daddy na ganitong oras na naman ako umuwi. Pag nagkataon, pupusta ako, sermon na naman almusal ko kinabukasan.
I shoved the key to the front door at walang ingay akong umakyat sa taas. Halos hindi sumayad ang mga paa ko habang naglalakad sa may hallway patungo sa kuwarto ko. When I was about to open the door of my room, bigla akong may naulinigan na boses. Pabulong kung makipag-usap siya, na para bang sinasadyang huwag iparinig sa iba. Wait. Is that Lei? And she’s talking to somebody in the middle of the night?
Out of curiosity, marahan akong lumapit sa pintuan ng kuwarto niya na nagkataong medyo naka-awang ang pintuan nito. Marahil ay nakaligtaan niya itong isara kanina. Maingat akong pumwesto sa may gilid ng pintuan kung saan alam kong, kahit papaano ay mauulinigan ko siya habang nagsasalita.
“C’mon…Huwag ka ng magtampo please. Darating din ang araw na sinasabi mo. Pero sa ngayon, ganito muna set-up natin ok? “ she mumbled sweetly.
I furrowed my brows. Hanep naman. How sweet. Mukhang luma-lovelife itong kapatid ko ah. Sino naman kaya ang hudas at manlolokong kausap niya? Yari talaga sa akin itong si Lei bukas ng umaga.
Matiyaga akong naghintay ng susunod niyang sasabihin. There was a complete silence for a while. Hula ko nagsasalita sa kabilang linya ang kung sino mang kausap ng Lei na ito. At pagkatapos ng mahigit isang minuto.
“Please honey, Just give me sometime ok? Yes, yes, I will.” She paused and sighed. “Sure, that’s a promise. Ok goodnight. “ she said cheerfully.
Walang ingay na agad akong lumayo sa may pintuan sa pag-aalang baka mahuli ako ni Lei na nag-e-eavesdrop. One thing is for sure, something’s going on. There’s something fishy.
I thought about Lei as I entered my room. Lately, masyadong tahimik si Lei at hindi nagkukuwento tungkol sa kung anoman ang nangyayari sa kanya. Wala akong nakikitang naghahatid man lang sa kanya and I didn’t even see her dating. But the question is? Sino yung kausap niya kanina sa phone?
I shrugged my shoulders then decided to have a quick warm bath. Kailangan kong mag-shower at magsabon ng paulit-ulit. Kumapit ang amoy ng babaeng yun sa akin. Hanggang ngayon amoy sex pa din ako.
BINABASA MO ANG
The Sweet Desire
RomanceSi Michael Villegas, babaero at pilyo. Malakas ang dating kung sex-appeal din lang naman ang pag-uusapan. He’s a kind of guy who wanders around and brags about his handsomeness. His Rules in life are simple: No relationship. No commitment. No Girlf...