Christmas Eve

52 6 0
                                    

Alas-onse y media na nang makarating ako sa apartment namin ng mga barkada kong sina Eli, Mina, Tonton at Meg.

Noong nakaraang taon kasi ay naging busy ako sa ospital na pinagtatrabahuan ko kaya madaling araw na akong nakauwi at ang tanging naabutan ko na lamang noon ay ang mga nakabulagta sa sahig at natutulog kong mga housemates.

Laking pasalamat ko na makakaabot ako ngayong Noche Buena.

Pagkababa ko sa aking pick up ay patakbo kong tinungo ang pinto ng apartment bitbit-bitbit ang alak na iinumin namin ngayon.

Pero laking gulat ko nang kadiliman ang tumambad sa aking mga mata nang buksan ko ang pinto. Agad-agad akong tumingin sa aking wrist-watch at napapalatak.

'Teka! Wala pa namang alas dose ah?" bulaslas ko ng makitang 11:45 pa lamang.

Nang makaadjust sa dilim ng paligid ay napansin ko ang aking mga kaibigan na kanya-kanyang nakahiga sa sofa at sahig, tulad noong nakaraang pasko.

Napailing na lang ako sa isiping nag-inuman agad sila at hindi man lang ako nahintay.

Kinapa ko ang switch ng ilaw sa sala para lang magulantang sa makikita.

Napakagulo ng sala.

Nagkalat ang mga basag na bote ng alak at mga pinggan sa sahig.

At ang mas nakakagimbal pa ay ang itsura ng aking mga kaibigang nakabulagta at naliligo sa sarili nilang dugo.

Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.

Nanginginig man ay dali-dali akong tumawag sa aking cellphone pero no network available daw. Kung kailan talaga emergency saka pa nawalan ng signal! Ang bopols lang.

Naisipan kong lumapit sa landline kahit masuka-suka na ako sa mga nakikita kong nagkalat na lamang loob ng aking kaibigan para lang maireport ang nangyaring karumaldumal na pagpatay.

Ngunit putol ang linya!

Mukhang pinaghandaan ng kung sinong walang hiya ang krimeng ginawa.

Patakbo kong tinungo ang pinto ng apartment para tumawag ng tulong sa labas ngunit kusa itong nagsara.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran nang maramdaman kong may malamig na kamay na humawak sa aking balikat. Lalo akong napasigaw nang makita ko si Tonton na namumutla, hawak-hawak sa isang kamay ang puso na nababalot pa ng malapot na likido.

Napatulala ako nang biglang nagsitayuan at nagsisisigaw ng "Merry Christmas Alex" ang mga barkada kong feeling matsing.

Sa tindi ng kaba'y napahawak na lamang ako sa aking dibdib at natumba dahil sa nandidilim na paningin. Pero bago ko ipikit ang aking mga mata'y sumilay ang isang pigil na ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang matinding takot at pag-aalala sa kanilang mga mata.

"Akala niyo maiisahan niyo ako!" ani ko sa aking isip.

Christmas PrankTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon