Chapter 47 - Last day Part II

29 5 0
                                    

10/09/15

--------

Deretso lang ang tingin sa amin ni Lei na naka kibit balikat habang nakaupo sa sofa na nakaharap sa pintuan.

Kasabay ng dahan dahan na pagbaba sa akin ni Yiru ay ang paglapit naman ni Lei sa amin.

Akala ko magagalit siya,sisigaw o susugurin niya si Yiru pero hindi.

"Salamat sa paghatid sa kanya,maaari ka nang umalis"

Kalmadong sabi niya kay Yiru.Tumango lang si Yiru at agad na nagpaalam.

Hindi ko alam pero kabado akong napatingin kay Lei.Pakiramdam ko kasi pinagtaksilan ko siya.

"Hindi ka kasi nagiingat"

Bigla niya akong binuhat at iniupo sa sofa.For real hindi niya ako sinabihan o sinigawan man lang?

"Diyan ka lang"

Umakyat siya sa taas at pagbalik niya may dala na siyang first aid kit.

Lininis niya ang sugat ko sa magkabilang tuhod ko.Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya,bakit ba sobrang mapagalaga siya sa akin?

"Ouch!"

Diinan ba naman yong paglinis sa sugat ko gamit ang bulak na may alcohol

"Tunawin mo pa ako sa titig mo"

Napasimangot nalang ako sa sinabi niya,napansin niya pala yon

"Akala ko ba may gagawin kang importante?bakit umuwi ka na?"

Talagang tinutuhanan niya yong sinabi niyang dito na siya titira.Kahit ayaw ko,wala akong nagawa kasi ang gusto niya ay gusto niya.
 
"Hindi ako umuwi,I've been waiting and looking for you,but then magkasama lang pala kayo.Susunduin na sana kita"

"Huh?"

"Diba mag istar Gazing pa tayo?"

"Akala ko ba may importante kang gagawin?"

"That was not me"

"Huh?"

Takang taka akong tumingin sa kanya.Eh sinong nag send non?

"Si Nikka ang nagtext non.Tinatawagan kita pero cannot be reached naman yong cellphone mo.Naisipan ko nalang na puntahan ka dito para sunduin ka sana"

Kahit kelan talaga si Nikka.Akala ko hindi na talaga kami matutuloy

"Hindi ka galit sa akin?"

"Why would I?"

"K-kasi ano si Yi--"

"May ginawa ba kayo?"

"W-wala"

"Wala naman pala bakit ako magagalit?Tumayo ka na dyan,kukuha lang ako ng jacket tas aalis na tayo"

Bumalik uli siya sa taas,pagbaba niya sinuot niya sa akin yong jacket ko.

"Malamig doon kaya suotin mo yan"

Inalalayan niya akong maglakad papunta sa kotse nila.Yong driver nila ang magdradrive kaya magkatabi kami ni Lei sa likod.

Tulad noong unang punta namin dito sa lugar kong saan kami magistar gazing,ilang oras din kaming nakaupo sa loob ng sasakyan bago kami nakarating dito.

"Kuya pakihintay nalang po kami"

Tumango lang si Manong Driver.

Sa ikalawang pagkakataon,inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar.Sobrang lawak nito at ang tangin nakikita mo lang ay kadamuhan at sa gilid naman ay kakahuyan.Parang nasa bukid lang.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon