Chapter 48 - The other savior

12 5 0
                                    

10/25/15
--------

Busangot akong bumaba ng hagdan.Sirain ba naman yong araw ko?Si Lei kasi ang aga agang nanggigising tapos ang brutal pang manggising.

Binuhat lang naman niya ako papunta sa Banyo tapos binuhusan ng malamig na tubig.Sino ang hindi mababadtrip doon?

"Good Morning Babs"

"Anong Good sa Morning huh?"

Inirapan ko lang siya tapos linagpasan.Pumunta ako sa kusina upang mangalkal ng pagkain.

Pagkabukas ko ng ref,wala nang laman.Tumingin ako sa hanging cabinet pero peanut butter nalang ang meron,bukod doon wala nang laman.Wala na akong stock.

Nagningning yong mata ko ng may makita akong Bread sa lamesa.Sakto sa peanut butter.

Inextend ko yong kamay ko upang abutin yong peanut butter kaso hindi ko maabot.Kukuha sana ako ng upuan kaso biglang may umabot.

"Ang tangkad mo kasi"

Inirapan ko lang siya.Hinablot ko sa kanya yong peanut butter pero hinablot din niya pabalik.

"Babs maggrocery tayo pag may oras,wala na tayong makakain"

Pinaglagyan niya ako ng peanut butter sa bread

"Ang lakas mo kasing kumain"

"Hindi ah ikaw kaya"

Depensa ko sa sinabi niya.

Maaga palang kaya naisipan namin ni Lei na maglakad nalang papasok.

"Sana araw araw nalang na ganito no?"

Napatingin ako sa kanya.Hinawakan niya yong kamay ko at ngayon magkahawak kamay na kaming naglalakad.

"Ikaw lang naman ang may gusto eh"

"Ayaw mo ba?"

"Yuck ! Ang pangit mo"

Magpout ba naman.Binilisan nalang namin ang naglakad.

Pagkapasok namin sa school dumiretso muna kami sa Music Room dahil pinapapunta kami doon ni Kenzo.

"Hello Krystel,Hello Lei"

Pambungad na bati sa amin ni Danica.Kakabalik lang pala niya kahapon and sad to say,hindi na siya sa bahay tumuloy kasi umuwi na rin yong mama niya.

"Hello"

Umopo ako sa tabi ni Danica at si Lei naman sa tabi ni Zowin na kinukutikot yong gitara ni Kenzo.

"Ano bang sasabihin ni Kenzo?"

"Hindi ko nga din alam,baka importante kasi hindi naman niya ugaling magpatawag dahil may sasabihin lang siya."

Tumango nalang ako sa kanya.Ano bang sasabihin ni Kenzo?

Napatingin kami sa pinto ng bumukas.Pumasok si Kenzo at CM na magkahawak kamay.Parang nabigyang kasagutan na yong tanong ko kanina.

Gulat si Danica,pati na rin si Zowin na napatingin sa dalawa.Malamang nagtataka sila kong bakit magkahawak kamay yong dalawa.

Hindi na bago sa akin na makita silang ganoon dahil minsan ko na silang nakitang naghahalikan pero hindi ko lang binigyang pansin.

Gaya ko,deretso lang din ang tingin ni Lei sa dalawa.May alam kaya din siya?

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa"

Paninimula ni Kenzo.Itinaas niya yong kamay nila na magkahawak na nagpapahiwatig na may namamagitan sa kanilang dalawa.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon