"HI LANCE!" Maarteng sabi ng babae ng dumaan siya sabay lagay pa ng buhok sa tenga.The fudge girl,. Yuckkk.. Akala mo naman kong sinong kagandahan ang buhok. Eh parang di nga nakapagsuklay. Ang arte arte sarap sapatosin nito. Promise.
Humagikhik naman ang kasabay ko maglakad ngayon. Oh problema naman ng isang to. Naka drugs na naman ba to? Tiningnan ko siya ng ok kalang look?!
Nag ok sign naman siya at humagikhik ulit. Seriously? Anong nakakatawa?
Tiningnan ko nalang ang lalaking nakatalikod sa unahan kasabay namin maglakad. Bakit ba ang dami daming humahanga at lumalandi sa kumag na ito. Ang lakas kasi ng appeal, yan tuloy dumadami na ang mga kaagaw ko. Minsan ang sarap sapatosin ng mga babeng daig mo pa kung maka kembot kapag andiyan siya, nakakairita ang mga boses at parang kumain ng sili ang bibig pulang pula eh.
Ito namang lalaking to kung makangiti sa mga naglalandi sa kanya grabe din. Lakas makapa inlove. Nakakainit ng ulo.
Hanggang sa dumating kami ng room eh tumatawa pa rin siya. Lumala na nga itong kasama ko. Matawagan nga yong mental dito at ipapasok ko na ang isang to. Banas na banas na nga ako dadagdagan pa nitong babaeng ito.
"Angyare diyan?!" Kunot noong tanong ni trish habang inaayos ang kanyang upuan.
"Ewan ko ba diyan, bigla nalang yang tumawa kanina." Walang ganang sagot ko at tinutok ang mata ko sa harap.
Hinayaan nalang namin si bea at nag-usap nalang kami ni trish. Baliw din kasi ang isang to napaka business minded na tao. Re seller kasi siya ng mga product sa internet at pinapatongan niya ang prize na 50 or 80 peso. Marami na nga yang nauto eh pag nabili ang produkto niya eh tinatawanan namin dahil ang layo talaga ng prize kahit saan tingnan. Mautak din to ang isang to eh.
"Nga pala maiba ako, nag txt sa akin si ate thea na may meeting daw mamaya pati si kuya ryan." Kunot noo ko siyang tiningnan habang may hinahalungkat siya sa cp niya. "See?!"
"Ahhhh, oo nakatanggap din ako kanina. Ewan ko si bea?" Sabay naman namin na tiningnan si bea na ngayon ay gumagawa na ng assignment namin ngayon. Kita mo to hindi pa pala nakagawa ng assignment niya.
"Ey bea, nakatanggap ka ng txt mula kay kuya ryan?!" Maangas na sabi ni trish.
Umandar na naman ang pagiging tomboy ng isang ito. Pinipilit niya kasi sa sarili niya na lalaki daw siya na kung kumilos naman daig mo pa ang pagong sa pagiging mahinhin. Babaeng babae nga ito pumorma eh.
Tumango lang si bea habang tutok na tutok pa rin sa kanyang ginagawa. Ang sipag, minsan gusto kong bigyan ng award itong babaeng to sa kasipagan sa pag-aaral pero minsan ayaw ko naman kasi palagi nalang yan gumagawa sa school ng assigment niya kesyo daw tinatamad siyang gawin sa bahay nila o di naman pagod na siya. Ang sipag lang talaga niyang mangopya.
Tumingin nalang ako sa unahan habang si trish naman ay nang uuto na naman ng mga kaklase namin. Tumingin ako sa kanya na kasalukuyang kinakausap ang mga kaibigan niya. Kailan ba kita maabot? Kailan ba ang pagkakataon na maging tayo? May pag-asa ba ako sayo? Chance Oliver villafuente may pag-asa kaya?
*****
Hello wattpad lovers... First entry story ko... Sana magustuhan niyo....