Nakaupo kami ni Lloyd sa front seat, magkatabi kami. Sinadya siguro ni Lucas to! Humanda sakin yung baklang yon!
May nakalagay na kasi na names sa mga seats kaya nagulat na lang ako nung nilead ako nung usherette sa upuan na katabi si Lloyd. Well, eh that's my name beside his seat.
"Hi!" An icebreaker greet from me to him. "Kanina ka pa dito?" Tanong ko sa kaniya.
"Kinda!" Sagot niya. Okay fine, ang tipid niyang sumagot. Feeling ko awkaward ang gabing to para sa akin, lalo na mamaya! Eh kung di ko siya tanungin about don, pwede naman diba? Anong big deal? Nagpapauto lang ako kay Lucas!
"Kinakabahan ako," sabi ko sa kaniya. Honestly kinakabahan ako, hindi lang dahil sa play, dahil katabi ko din siya.
Nilingon niya ako, "Ako, oo mejo. Pero I think they can do it."
"Eh sa ginawa nating set design? Baka hindi magustuhan ng expectators tonight?"
"Alie, relax! I think our piece is just hella perfect! So relax and enjoy the show, okay?" Aniya at sinubukang pakalmahin ako.
"Okay," sagot ko. Eh bakit ang oa ko nga naman kasing kabahan? Daig ko pa yung mga aarte sa stage. Relax, Alie. Breath in. Breath out. Napatingin ako kay Lloyd dahil nakangiti siya. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ganyan, yung nakangiti kapag magkausap kami. Pambihira, mahabaging maria, aatakihin ata ako sa puso dahil sa ngiti niya. Lumingon ulit siya sa akin, at umiwas agad ako ng tingin, at napalunok na lang. Nag iinit yung pisngi ko. Nakakaloka.
Yung dim lights kanina ay unti unti nang nagdidilim talaga, eto na magstart na.
V.O.
The show is about to start. Please stand up to pay respect as we sing our National Anthem.
Magsisimula na po ang palabas. Maari lamang na tumayo ang lahat para sa Pambansang Awit.Then after five seconds nagsimula nang patugtogin ang Lupang Hinirang. After non umupo na ulit kami, pagkaupo, nagkatitigan pa kaming dalawa. Nagsmile ako at nagsmile na din siya.
Unang labas palang ng pangunahing karakter ay nagpalakpakan na ang mga estudyante.
Walang boring scenes sa play na to, may pagka comedy kasi, controversial at palaisipang linya kaya naman ang ganda ng play. Pero sa tuwing eksena lagi nung satan, nakakakilabot. Tapos may smoke effects pa, ang galing. Halatang pinagkagastusan talaga to, at pinaghandaang mabuti ni Lucas.
Pero, subalit datapwat sa kabilang banda, kung tatanungin niyo ko if I'm alright, actually I'm not. Kahit na gandang ganda ako sa play, hindi ako kinakausap ni Lloyd. Sa tuwing may sasabihin akong komento o reaksyon, ngingiti lang siya, kaya nung bandang kalagitnaan na, nanahimik na lang ako. Ano ba yan, sana pinatabi na lang ako kila Lacey, mejo napapahiya na ako. Oh lupa, bumuka ka at lamunin mo na lang ako!
Act 2. Nag curtains down na, at may nag V.O ulit.
V.O
We will just have our 15 minutes break. Thank you!
Magkakaron lamang po tayo ng labing limang minutong pahinga. Maraming Salamat.Mejo lumiwanag ulit, nag vibrate yung phone ko. Tumatawag si Lacey.
Lacey: Girl, ganda ng pwesto mo, front seat! Lingon ka sa likod dali, bandang taas.

BINABASA MO ANG
Hey Mister, It's a Love Letter!
RomanceA simple and carefree girl named Alie who started writing poems, compiled it and discovered by a publisher that lead her to her fame, because of an unrequited love. Because her name and her book made history, what would happen if the guy finds out t...