Devil # 3

9.5K 192 26
                                    

Chapter 3

//


Pagkadating ko sa bahay ay binuksan ko na yung pinto gamit yung susi ko. Well, may kanya kanya kasi kaming susi ng pinto nila mommy and daddy. Late kasi silang umuuwi galing trabaho kaya kinailangan na may susi din ako.



Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa banyo para makaligo na at makapagpalit ng damit. Siguradong magkakasakit kasi ako nito. Tumakbo ba naman sa ulan. Si Adrian kasi. Adrian? Siya na naman yung naiisip ko. Yung halik. Yung yakap. Yung ulan. Lahat ng iyon ay napapaikot ikot sa utak ko ngayon.



Hanggang sa nakatulog na ako.



**



Another day sa school. Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay sumalubong agad sa akin si Leslie.



" Bhes! Look! " sabay turo niya sa upuan ko.

" Ano yan? " sabay lakad ko papunta sa pwesto ko.

" Letter. Sigurado ako, love letter yan. " pang iinis ni Leslie.



Pinulot ko yung sulat. Umupo sa aking pwesto at nagsimula ng basahin ang sulat. Habang si Leslie naman ay nasa likod ko at nakikibasa na din.



**



Dear Eunice,

Even though I've "stopped liking you," every time someone says your name, my head turns right towards them, It's like every time I hear it, I think of all we could have had and all that could have happened, that didn't.

Love, Your Secret Admirer.



**



" Bhes! Ang haba ng hair mo. May Adrian ka na may secret admirer ka pa! Sosyal ka ha. " pang iinis ni Leslie sa akin.

" Bhes naman. Walang gusto sakin si Adrian tsaka joke lang sigurado toh. Sino ba naman magkakagusto sa babaeng naglalaway kapag natutulog sa klase? " sabay dila ko sa kanya.

" Kung sabagay, kahit ako pag naging lalaki ako di ako magkakagusto sayo. "

" Aray naman bhes! Tagus tagusan hanggang likod. "
sabi ko.

" Joke lang. Arte talaga eh. Haha. Syempre kung naging lalake ako niligawan na kita siguro nuh. " sabay tawa ni Leslie



Pero curious parin talaga ako kung sino itong secret admirer kong ito. May paganto ganto pang nalalaman eh.



" Classmates? Nakita niyo ba kung sino naglagay nito dito? " tanong ko sa mga classmate ko na nandoon.

" Ako yung unang unang pumasok dito sa classroom. Wala pang tao nun pero nakita kong nandyan na agad yan. " sagot ni Fei. Yung class president naming na laging maaga pumasok.



Sino kaya naglagay sa upuan ko nitong sulat na toh. Pero sige hayaan na muna. Malalaman ko din kung sino siya at kung totoo ba itong mga pinagsasasabi nito. Pero kung totoo nga. Edi ibig sabihin matagal na siyang may pagtingin sakin diba? Kasi sabi niya dapat ii-stop niya na yung feelings niya eh.



Pero sino nga kaya yun? Classmate ko ba siya? Galing ba siya sa ibang year o ka year ko din siya? Haay.



Nagbell na at nagsimula na ang klase. Nakinig ako kase wala naman akong ibang magagawa. Kahit makipagdadalan dito sa katabi ko ay hindi pwede. Terror kasi yung teacher namin.



" Eunice, pahiram naman ako ng pambura. " sabi ni Zen. Seatmate at kaibigan ko na din. Lagi ko kasing kadaldalan yan.



Nung iaabot ko na kay Zen yung pambura ay bigla akong tinawag ni Ma'am Terror. Yes, ' Ma'am Terror ' talaga ang tawag namin sa kaniya.



" Ms. Adams, bakit ka nakikipagdaldalan?! " medyo pasigaw na sabi niya.

" Ma'am, he was just barrowing my eraser. " sagot ko naman.

" Sumasagot ka na ngayon Ms. Adams? "

" Ma'am hindi po kita sinasagot. Alangan naman pong hindi ko pahiramin si Zen. "
I explained.

" Go out! " she shouted. Pero tumayo lang ako. Lahat ng mga katabi ko nakatingin na sakin.



" I said, GO OUT!! " kaya lumabas na ako. Highblood lang?



Tama naman diba? Kesa naman mag sinungaling ako, sinabi ko yung totoo. Nanghihiram lang naman si Zen ng eraser sakin eh. Siya yung may pagkakamali. Hindi ako. Mga matatandang dalaga nga naman oh. Hayaan na nga.



Naglakad na lang ako. Pupunta na lang siguro ako sa school library at doon ako tatambay. First time ko itong mapalabas ng classroom. Haha. Atleast naexperience ko ito kahit isang beses sa tanang buhay ko.



**



Nakarating na ako sa Library. Tinanong ako nung librarian kung bakit ako nandun, sinabi ko naman yung nangyari. Tapos eto, pumipili na ako ng libro na magandang basahin.



The Little Prince, sabi nila maganda daw ito kaya naman sinubukan ko. Eto yung pinili ko. Umupo ako sa may malayo layong pwesto. May ibang estudyante din dito sa library. Siguro yung mga pinalabas din ng teacher at yung iba may sinasagutan na test paper. Sila siguro yung mga estudyante na hindi nakapagtake ng exam dahil may sakit o kaya trip lang wag pumasok.



" Hoy! Panget! " boses ng isang lalaki. How rude. Bakit naman siya sisigaw sa library at mananawag ng tao ng panget. Ang sama naman.



" Panget! " ulit pa nito. Hindi ako lumilingon kahit gusto kong patahimikin kung sino man iyon.



" Panget na Eunice! " nagulat ako ng marinig ko yung pangalan ko. So, ako nga yung sinisigawan na panget nitong lalaking ito.



Curious ako kung sino yung sumisigaw kaya lumingon ako. Si.. si.. si Adrian! Bwiset! Bumalik na naman siya sa ugali niya. Kahapon naman nung umuwi kami hindi siya ganyan. Naging demonyo na naman ang lalaking ito.



" Hahaha! Lumingon! Accepted mo na panget ka? " pangiinis nito habang papalapit sakin.



Binalik ko na lang yung pansin ko sa libro na hawak ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.



" Eunice, bakit ka nandito? " tanong niya. Medyo kumalma yung boses niya. Pero syempre, hindi ko pinansin kasi naiinis padin ako sa kanya. Tawagin ba naman akong panget? Sinong hindi maiinis. Porket gwapo siya pwede niya na ako laitlaitin.



Nagulat na lang ako nung hawakan niya yung kamay ko sabay hinila ako. Kaya napatayo ako at nabitawan ko yung libro. Hindi pa siya nakunteto at hinatak niya ako papalabas ng library. Pati yung librarian eh nakatingin samin pero dahil tamad yung taong yun, di kami papakielaman nun.



" Bitawan mo nga ako. " sabi ko nung nakalabas na kami.

" Bakit di mo ako kinakausap ha?! " nakahawak padin siya. Mas humihigpit pa.

" Stop it! Nasasaktan ako! Ano ba?! " sabay hinatak ko yung kamay ko. Namumula. Magkakapasa ako sa ginagawa nang taong ito eh.

" So -sorry. " sabi niya. Sorry? Yun lang? Grabe talaga ha. Grabe.



Hindi na ako nagsalita. Pumasok na ulit ako sa loob ng library at iniwan siya sa labas. What's with him? Why is he acting like that. Such an evil guy. Kampon ba yun ni Satanas?!



Umupo na ulit ako nagbasa ng libro. Biglang may nagtakip ng mga mata ko.



" Adrian! Ano ba?! " i shouted.

" Adrian? " nagtataka niyang tanong. Si Zen. Yung seatmate ko.

" Hinahanap ka. " sagot niya.

" Hinahanap? Diba pinalabas ako. Tsaka bakit wala ka dun sa classroom? " tanong ko sa kaniya.

" Mali yung ginawa nung Ma'am Terror na yun. Hindi ka dapat niya ginanun. " paliwanag niya.



" Pinagtanggol kita kaya pinalabas niya din ako. " dugtong pa niya na ikinagulat ko.

" Ha?! Bakit mo ginawa yun? " tanong ko sa kanya.

" Haha. Wala wala. Gusto lang kita sundan. " then he smiled.



Hindi na ako sumagot. Nagsmile na lang din ako at bumalik sa pagbabasa. Kaso biglang naging akward. Pure Silence. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Mas bumibilis yung tibok ng puso ko.



" Eunice? Anong nangyari sa braso mo? " tanong niya kaya naman itinago ko sa likod ko yung braso ko.



" Wa- wala ito. " sabi ko.

" Patingin nga. " sabay hinawakan niya ako sa braso at ineksamina ito.



" Magiging pasa ito eh. Anong nangyari diyan? " tanong niya. Pero bakit parang naiinis yung tono ng boses niya?



" Si ano kasi.. " -ako

" Sino? " tanong niya.

" Si Adrian. Hinila niya ako kanina palabas dito. " paliwanag ko.



Bigla siyang napatayo. Halatang naiinis siya. Naglakad siya ng mabilis na mabilis. Kaya naman sinundan ko na lang siya habang tinitignan yun mukha niya. His turning red. Why is he mad?



Nakarating kami sa room ng III-A. Room ng pilot class ng year namen.



" Zen? Okey ka lang? Anong gagawin mo? " tanong ko sa kanya nung makahawak na siya sa may door knob. Sabay hinawakan ko siya sa polo niya.



" Let me handle this Eunice. " sabay bukas niya nung pinto.



" RENZEL ADRIAN CHUA! " sigaw niya.



Tumayo naman si Adrian. Parehong gulat na gulat yung ekspresyon namin.



Lumapit si Zen sa kanya. " Bakit mo sinaktan si Eunice?! " sigaw pa nito at hinawakan si Adrian sa may collar.



HIndi sumasagot si Adrian. Nakatingin lang siya sa akin habang ang iba naman ay nakatingin sa kanilang dalawa kahit yung teacher nila na nasa harapa ay gulat na gulat sa mga nangyayari.



--

Sorry kung late po yung update :)

vote and comment po kung nagustuhan niyo. thank you

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon