************
Lumipas ang mga araw ng maayos. Ang mga kaibigan ni Julius ang tumutulong sa akin sa kahit anong problema. Oo, alam na nilang lahat. Puwera kay Julius. Wala siyang alam, at kahit kailan ay di niya iyon malalaman.
Humingi ng tawad si Drake sa akin. Drake is always silly, I know. Kaya pinatawad ko siya. Wala din namang mababago kung hindi ko siya papatawarin.
"Hi Rose!" Umariba na naman ang pagiging cute ni Cessy. Siguro silang magkapatid ang pinaglilihian ko.
Tumawa ako at pinindot ang dalawang pisngi nito."Aww." Ngumuso ito kaya mas lalong nag-init ang puso ko.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Dumating si Leila kasama si Drake at Edward. Samantalang si Anthony naman ay nakahawak lamang sa aking tiyan. Hindi pa naman ito gaanong kahalata kaya di ko alam kung bakit niya hinahawakan.
Umikot papunta sa akin si Leila. Tinapik nito ang kamay ni Anthony at siya naman ang marahang humawak sa aking tiyan.
"Bukas na 'yon Rose. Will you be fine tomorrow?" Bulong sa akin ni Leila. Kahit papaano ay naging matalik ko ng kaibigan ang mga ito. Baby, sila ang mga ninong at ninang mo.
Ngumiti ako dito at tumango.
"I need to be fine after all." Iyon ang eksaktong sagot ko dito. Kailangan. Hindi oo, pero kailangan. Kaialangan.
"Rose gusto mo ng fries?" Tanong sa akin ni Edward.
"Wag na! Ako na lang ang bibili mamaya." Nahihiyang sagot ko dito.
Ngumiti ito at nagsilabasan ang makikintab nitong mga ngipin. Bumulong si Drake dito kaya napakunot noo ako."Fvck!" Asik ni Leila at biglang inalis ang kamay sa aking tiyan. Umirap ito at umikot sa pwesto niya kanina. Nakita kong lumingon si Anthony sa bukana ng cafeteria, kaya lumingon din ako. At nakita ko doon ang papasok na si Julius. Kumaloabog ang puso ko ng nasalubong ko ang malamig na titig nito. Isang linggo ko siyang hindi nakita. I miss him. But I can't miss him anyway! Ang gulo. Napalunok ako ng laway.
Umakbay sa akin si Anthony at marahang hinaplos ang aking balikat.
"Heto na ang french fries mo Rose! Walang catsup yan para di ka ma-" agad tumalima ai Leila at tinapik si Edward, kaya napigilan ang pagbulalas nito. Napabuntong hininga ako ng inilapag ni Julius ang kanyang gym bag sa tapat ko.
"Anong ganap?" Tumaas ang kilay nito.
Walang umimik maliban kay Edward.
"Bro! Namiss kita!" At nakipagfist bump ito rito.
Lahat sila ay binati ito maliban sa amin ni Anthony.
"You okay?" Bumulong si Anthony sa akin kaya nilingon ko ito. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin. Tumango ako. "Yap." Saka ngumiti ako dito.
Nagulat ako ng padabig na hinampas ni Julius ang lamesa. Nanlalaki ang nga mata ko sa gulat ng tumingin ako sa kanya.
"Julius!" Sigaw ni Leila dito.
"Oh my gosh! Be careful Julius." Maarteng sigaw din ni Cessy. Humawak pa ito sa kanyang mga pisngi.
"Anong problema mo?" Asik na tanong ni Anthony kay Julius. Nilingon ko ito at kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagiging seryoso.
"Anthony...." Masuyong wika ko dito at hinawakan ang kamay nitong nasa ibabaw ng lamesa. Kita ko ang pagtingin doon ni Julius.
"Are you two finally dating?" Ngising asong tanong ni Julius sa amin. Nanlaki pa lalo ang aking mga mata.
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Anthony.
"Tss." Iyon lang ang sinagot ni Anthony sa kanya.
"Eat your fries now Rose. I know you are hungry." Malambing na boses ang ginamit ni Anthony sa akin. Binalewala nito si Julius.
BINABASA MO ANG
His Bed Warmer (MS)
General Fiction"Lia. I need you." seryosong wika nito sa akin. "I don't need you." Mariin kong sagot sa kanya at doon nakita ko ang unti-unting pagpatak ng kanyang luha. I've been wreck because of you. So you should too. --- July 2015 - May 2017.