This chapter is for DanyelKoLang. Eto na yung request mo! Hihihi. Thanks!
Special thank you rin kay annelucky and HiddenUsername for their chapter dedications sa akin. I'm so flattered! Maraming salamat! :*
Hope you like this update!
=================================
CHAPTER 16
Nang mga sumunod na araw ay mas lalo pang naging mabuti ang samahan nina Gino at Mikay. Dahil na rin sa mga nalaman nila tungkol sa isa’t-isa ay lalong gumaan ang loob ni Mikay sa binata. Nakakatulog na siya ng mahimbing sa gabi ngayong wala na siyang itinatago rito.
“So? How is it?” kinakabahang tanong niya kay Gino.
Katatapos lang niyang magluto ng hapunan nila. At dahil umuwi ng maaga si Gino galing trabaho ay ito ang naging kritiko at taga-tikim niya. Umaasa siyang magiging positibo ay reaksiyon nito sa niluto niya dahil pinagpaguran niya iyon. Ang hirap pa namang lutuin ng kare-kare.
Hindi niya maiwasang kabahan habang naghihintay sa sagot nito. Lalo na nang biglang kumunot ang noo nito habang ngumunguya. Ilang sandali pa ay naubos na ang laman ng bibig nito ngunit nanatiling tahimik.
“Huy! Ano na nga?” pangungulit niya.
Dahan-dahang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. Binigyan pa siya nito ng two thumbs up. Dahil doon ay napalitan ng kakaibang sigla ang kaba niya.
Noon ay hindi sumagi sa isip niya ni minsan na magiging masaya siya sa ganito. Ang makaramdam ng kakaibang fulfillment dahil naging masarap ang niluluto niya. She didn’t like domestication, and never niyang pinangarap maging housewife. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya si Gino. Nagbago siya.
“Talaga? Masarap?” paninigurado ni Mikay.
Tumango si Gino. “Oo nga. Pwede ka nang mag-asawa.”
Umismid siya sa sinabi nito. “Nakakatawa.”
“Seryoso kasi. Kung ayaw mo talaga dun sa ipinagkasundo sa’yo, tawagan mo ako ha. Ako na lang magpapakasal sa’yo.”
BINABASA MO ANG
Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)
ФанфикPara matakasan ang plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa isang lalakeng hindi niya kilala ay naglayas si Mikay. Sa kasamaang-palad ay minalas siya. She found herself suddenly penniless and without anywhere to go to. Enter Gino, ang masungit, bugn...