~•~•~•~•~
Sai
[September 30, 2014. 7:30 am, Freshmen year]
Maaga akong nagising dahil nga excited ako pumunta sa school, kulang nalang e sa school na ako matulog sa sobrang excited ko sa araw na to.
"Omg!! Ate!!" Sigaw ko sa tenga ni Ate "first time ko tong magfoundation day dito sa school natin." pasigaw na sabi ko kasi naman sobrang naeexcite ako!!
"Ang saya mo tapos ang ingay mo pa sakit mo sa tenga." Mataray na sabi ni ate "Pero alam mo ba ganyan din ako kasaya nung grade 8 ako dati." pagkukwento ni ate
"Weh? Bakit? Paano?" tanong ko
"Foundation day din kasi ako hinalikan ng crush ko eh. President sya ng student affairs." Sabi ni Ate "At tyaka alam mo bang yung mga SSG pa ang naglapit saakin sa booth nila. Dinala nila ako sa isang malupitang kissing booth na bawal french kiss!" Kinikilig na kwento ni ate Dei
"Hoyyy grabe ka, ang baboy mo talaga!" Natatawang sabi ko kay ate
"Syempre joke lang to naman." Dipensya nya sa sarili "Pero seryoso ang saya nung first time ko ding nafeel yung foundation day, sa elementary kasi hindi ganito yung foundation day e." Sabi nya
First time ko ngayon maranasan ang foundation day ng nasa senior year kahit na simula elementary dito na ako sa school na to nagaaral, pano ba naman magkaiba kami ng side pag foundation day, iba ang side ng nasa elementary.
Nakarating na kami sa school dahil malapit lang naman ang school sa bahay namin siguro mga dalawang kanto lang ang layo samin. Medyo madami ng studyante dito sa labas ng school at ang dami ding naka OOTD samantalang ako Ito cute lang hahaha charot.
Wala akong masyadong kaibigan dito sa school kasi di naman ako lumalabas ng room namin at mahiyain din ako.
Luminga linga ako sa paligid at nagbabakasakaling makita si Xander sa paligid kaso nabigo ako at hindi ko pa sya nakikita.
"Ate sa tingin mo saan nakatambay si Xander?" tanong ko kay ate. Nasan kaya yon? Kwento ko lang, si Xander ay kababata ko and kaklase ko sya nung kinder kami so dapat same lang kami ng grade level kaso umulit ako ng kinder kasi masyado pa daw akong bata noon para maging grade 1 so umulit nalang ako para sakto na age ko.
And nung kinder ko nakilala si Xander, we're friends, noon. Actually kababata ko sya bestfriends din ang parents namin kaso parang di nya ata ako kilala ngayon. Di na kasi kami nagpapansinan e, di na din kami naguusap di gaya nung dati na halos di na kami mapaghiwalay.
"Aba ewan ko! Baka nagiikot lang yun." sabi nya
Ang tagal ko na din palang may gusto sakanya, biruin mo 11 years and still counting ko na syang gusto kaso ayun nga parang invisible na ako sakanya kasi hindi nya naman ako nakikita, hindi din naman ako kilala sa school. Sya kilalang kilala sa school, pano ba naman taekwondo athlete sya, ang pogi pa nya kamukha nya si Kai ng exo. Mabait din, matalino at marespeto sya. Kaya nga siguro kahit di nya ako napapansin hulog na hulog pa din ako sakanya e.
"Ate Dei paano kung ipakasal mo kaya ako sakanya." Desperada na akong mapansin, kaso para naman akong tanga non.
"Wag! Tangek nakakahiya kaya yun, ikaw yung hihila sa lalaki hahaha dapat sya ang hihila sayo no!" sabi ni ate Dei, totoo nakakahiya nga naman, ang panget ng suggestion ko.