Scrapbook (One Shot)

8.5K 213 175
                                    

 Best Friend? 

iyon yung nag papasaya sayo kahit feeling mo pasan pasan mo na ang mundo, sumusuporta sa lahat ng kalokohan mo, dakilang tissue mo, sinasabihan ng problema at malalagim na sikreto mo, tagapagtangol sa mga lokolokong umaaligid sayo, sila yung kasundo mo sa lahat ng trip sa buhay, sila yung mauutangan mo sa oras ng kagipitan at sila ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay mo na ayaw mong mawala sayo.

Best Friend? Aba lahat ata meron nun pero ibahin nyo ang sakin,

Si  John Emmanuel "Jaeki" Lopez, 

Sya ang dakilang best friend ko. Nasa matress palang kami ng mom namin close na agad kami, galing noh? Ahaha xD well that's life!

Si Jaeki ay isang mabuting tao, sya ang aking kuya, tatay at sya rin ang aking "knight in shining armor. Parati nya akong pinapatawa sa oras na nalulungkot ako, pinoprotektahan, sinusoportahan sa lahat ng bagay na gusto ko at hinding hindi sya nabibigong buohin ang araw ko. Nag papasalamat ako sa Dios dahil binigyan niya ako ng isang mabuti at mapagmahal na bestfriend. dalawang taon ang agwat nya saakin 18 sya at 16 naman ako, pareho rin kami ng pinasukan na unibersidad at kinuha na kurso ang Political Science. sobrang malapit kami sa isat isa na hindi mo na kami makaya pang paghiwalayin. Oo, aaminin ko may lihim akong pagtingin sakanya, sinasarili ko lang ito kasi ayokong masira ang pagkakaibigan namin kasi kontento na ako sa kung anong meron kami, pero pakiramdam ko, kahit na ang lapit nya sakin ay napakalayo parin nya, mahirap abutin,

At napaka imposible namang mag kagusto sya sakin dahil napaka boyish ko mag ayos pero DUH! Di ako tomboy, trip ko lang mag suot ng pang boy, Astig kasi men, YOW! xD

tsaka isa pa tanging kaibigan at kapatid lamang ang turing nya sakin. 

TT___________________T

Ang first day of school namin ay ang araw na hinding hindi ko makakalimutan

Pinakilala namin ang aming mga sarili at---

"Magandang araw sainyong lahat ako nga pala si John Emmanuel Lopez, Jaeki nalang, 18 years old ...

Ahh oo nga pala

Nice to meet you all"

nag tawanan naman yung mga kaklase ko, tse! Kornee ni bhest korneeeeeee haha joke lang!

=_______________= 

Akala ko tapos na sya sa speech nya pero di pa pala, may sinabi syang ikinagulat ko at dahilan para mag sigawan ang mga kaklase ko sa classroom.

Tiningnan nya ako sa mata, at ngumiti sya ng pagkalawaklawak

"Classmates, Ma'am, nakikita nyo ba ung lalake ay este babaeng yun sa likod? yung naka a white T-shirt, maong pants, vans shoes at cap"

Teka ako yun ahh!!! >////<

Peste talaga naman oh! Kinumpleto yung pandiscribe sakin ng lokong to =___________=

Tiningnan naman nila akong lahat, ako naman si MUKHANG EWAN ay nag blush >/////<

Di ko alam pero kinikilig ako, sobra.

"Ang babaeng yan ay magnanakaw!.......

Nagulat naman ako dun sa sinabi nya, sa pag kakaalam ko ehh wala naman akong kinuha sakanya

Nakakainis! Lahat sila nakatingin sakin! Di lang basta bastang tingin, yung tingin nila is yung sinasabi nilang DUH-MAGNANAKAW-PALA-YAN-EWWW

Hmmmp nanliliit na ako dito, kainis ka Jaeki patay ka talaga sakin mamaya!

"kinuha nya yung pinaka importanteng parte sakin...

kasi kinuha nya ang puso ko"

Nag "AYIEEEEEEEEEE"

Scrapbook (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon