Chapter 3 : The Revelation.

35 5 0
                                    

After the all Mary Grace couldn't erase the face of the mysterious guy on her mind kasi akala niya Foreigner ito.

"Shit..!, di ko siya makalimutan"

bulong niya sa kaniyang sarili.

Kinaumagahan ay nagtatatalak na naman si Aleng Nena dahil sa tanghali na naman na gising si Mary Rose.

"Roooooooooose!!!"

galit na galit na sigaw ni Aleng Nena.

Nagulat at na gising sa mahimbing na pagkakatulog si Mary Rose.

"Nay!, nandiyan na po."

sagot naman ni Mary Rose habang nagkakamot ng ulo.

Mistulang isang Zombie si Mary Rose dahil sa malalaking eye Bags nito. Napalingon sa orasan si Mary Rose at nagulat sa kaniyang nakita quarter to 7 na at nasa kanilang tahanan parin siya. Agad na pumasok sa kaniyang silid si Mary Rose upang magpalit na ng damit .

Pagkalabas niya sa kanilang tahanan ay agad na pumara ng Tricycle at dali-daling sumakay at sinabi kung saan ang kaniyang tungo.

"kuya, sa may paradahan lang po ng mga jeep."

sabi ni Mary Rose.

"Sige.."

sagot naman ng tricycle driver.

Pagkababa ng Tricycle ay agad naghanap ng sasakyan na papunta sa Don Pedro College si mary Rose. Sa hindi inaasahan ay nakita ni Mary Rose ang lalaking nakabunggo sa kaniya. Pagkababa ng jeep ay nagtatatakbo siya dahil halos matatapos na ang kanilang unang klase ng siya ay makarating.

"Sorry, I'm Late.!"

sabi ni Mary Rose.

Nagulat siya ng makita niyang nagkakagulo ang kanilang Silid- aralan dahil sa hindi pumasok ang kanilang Prof. laking pasasalamat niya ng malaman niya ito.

"PSSSSSSSSttt?!!"

sitsit ng isang lalaki.

Lumingon naman agad si Mary Rose at na gulat ng makita niya kung sino ang tumawag sa kaniya, Si Renz Marciano.

"Ba-bakit??"

tanong ni Mary Rose habang namumula ang mga pisngi.

"Pwede bang umalis ka diyan sa may pintuan.?!"

galit na pagsasalita ni Renz Kay Mary Rose.

Nagulat siya ng makita niyang tinititigan ni Renz ang isang babae na maliit,maputi,mahaba ang buhok at matangos ang ilong.

"Renz, Di ba yan si Raechelle Aesop?"

tanong ni Mary Rose kay Renz.

"Oo, bakit. Interisado ka ba sa kaniya?!"

sagot ni Renz ng may halong pang-iinis

"wla,bakit?" sagot ni Rose kay Renz. "Eh,sa'kin interisado ka ba?" tanong niya kay Rose. "O-wala,bakit?" sagot niya ng pabulol. "O,siya siya lumayas ka sa harapan ko." sabi ni Renz sa kaniya. animo binagsakan ng langit at lupa ang kaniyang pagkatao matapos siyang bastusin ng kaniyang minamahal sa harap ng napakaraming mag-aaral sa loob ng kanilang silid. sa kaniyang paniniwala na nagbago na ang kaniyang iniibig ay pilit niya itong iniiwasan ngunit ang ndi niya alam ay pinalabas lang ng magkakaibigan ang lahat dahil tinitingnan nila kung magseselos siya. "Buwiset,Buwiset", pauli-ulit na sinasambit ni Rose hanggang makabunggo niyang muli ang taong nagpatibok ng kaniyang puso.

"Ano ba?"sabi niya sa lalaki,"Sor-sorry,"paputol-putol na sagot ng lalaki. "ikaw na naman?"sabay na pagsigaw ng dalawa. "Destiny ang tawag diyan" ang sabi ng kaibigan ni Rose. Matapos ang muling pagkikita ay lalong napalagay sa isa't isa ang dalawa. "Sa wakas nakita na rin kita!" sabi ni Ken Ruzzel Jimenez. "Bakit , Ken!" sabi ni Rose ng may ngiti sa mukha. "Rose may ibibigay ako sa'yo" sabi ni Ken agaw eksena naman agad si Rose at sinabing "ang bilis mo naman,ngayon nga lang ulit tayo nagkita tapos mamadaliin mo pa akong magpakasal sa iyo."Ahh,hindi naman ganoon.. pero kung gusto mo Next year na lang..." sagot naman ni Ken "Eh kung hindi mo ako papakasalan eh anong ibibigay mo sa akin" tanong muli ni Rose. "tungkol doon, eto nga pala ung ID mo. naiwan mo kasi yan nung nagkabanggaan tayo eh." sagot naman ni Ken. "Ah ganon ba, kung yan yung ID ko eh kanino to?". pagkatingin niya sa mukha ng kaniyang ID na suot ay nagulat siya dahil ang may-ari ng ID na iyon ay sa kapatid niyang namatay noong nakaraang taon. "Thank you!" sabi naman ni Rose.

Agad ding umalis si Mary Rose dahil magsisimula na ang kanilang susunod na klase.
Dahil sa nakita siya ng mga tsismosang mga kaklase niya lahat ay nag-aapura sa pagtatanong tungkol Kay Ken... Matapos ang pagdumog sa kaniya ng mga kaklase niya ay  biglang bumabang Anghel sa langit dahil nagdismiss ng klase ang kanilang professor. Agad na kinuha ni Rose ang kaniyang telepono at balak pa sanang tawagan si Ken ngunit na alala niyang  hindi niya nakuha ang number nito. Tumunog any  CP niya at number lang  nagdadalawang isip si Rose kung sasagutin niya o Hindi... Mas pinili niya na sagutin na lamang  Ito........     "Hello" sagot niya.. " Ken po ito "..." Ui Ken san mo nakuha no. Ko??".." Ah
. dun sa ID mo.. "Ahhhh."..." Pwede ka bang pumunta d2 sa canteen. Libre kita ng lunch..."cge..."

Matapos ang muling pagkikita ay nagpapalagayan muna sila ng loob. "Rose may BF ka na ba?" tanong ni Ken. "Wala ayy Meron ...... Wala pala!?" sagot ni Rose.  "May manliligaw ka ba??" tanong ni Ken "Hay naku Ken ikain mo na lang iyan....!" sabi ni Rose. "Seg WAy" pabulong na sabi ni Ken.........

 After a Few minutes dumating na si Renz at kinausap si Ken, lumipat ng pwesto ang dalawang lalaki at pinakiusapang kung maaari ay maghintay muna siya sa kanilang dalawa. "May gusto ka ba kay Rose??!!" tanong ni Renz kay Ken.., "Oo,,.. bakit kayo BA!!!??" may diing sagot ni Ken kay Renz..... Hindi kaagad nakasagot si Renz dahil na bigla ito sa sagot ni Ken. Nag-usap muli silang dalawa at nagkasundong  "MAY THE BEST MAN WIN"..

 ----> "I had rather hear my dog bark at a crow, than a man swear he loves me." 

     (Willam Shakespear)  


Than you for reading and supporting my Story... May I wished that all of the positive thing in the world may be at your hearts... Happy REading..

Follow my Chapter 4: The Courtship ....

Kim Zyron Deblois 

Writer of The Mysterious Guy.




















The Mysterious OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon