Isang nakakabinging katahimikan.
Walang ni isang sumubok na magsalita. Pareho silang nakatayo at nakaharap sa isa't isa. Parehong pinapakiramdamam ang bawat isa. Sa sobrang tahimik, kahit ang konting kaluskos sa loob ng labolatory naririnig nila.
Hanggang sa hindi na natiis ni Yuki at sya na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"M-may ir-request sana ako sayo" mahina nitong sabi pero sapat na para marinig ng kausap.
Tumingin ng deretso ang kaibigan sa kanya. Sa isang iglap, nakaramdam sya ng konsensya sa gagawin. Gusto nyang hwag ng ituloy, pero andito na. Nasimulan na sya, magkaharap na sila at nakikinig na ito sa kanya.
Bakas sa mukha ni Kiara na naguguluhan ito.
"Ano yun?"
Parang nagslow mo sa paningin ni Kiara ang sumunod na ginawa ni Yuki. Parang nage-echo ang mahinang pag iyak nito sa kanya. Halata ang pagkagulat sa mukha nito.
Bakit? Bakit nakaluhod sa harapan nya ang kaibigan?
"P-please ... Wala kang gusto kay Mark diba? Wala kang feelings sa kanya diba? Hindi mo sya gusto diba?" Sunod sunod na tanong nito.
Gulat lang ang makikita mo sa mata ni Kiara. Hindi nya alam ang sasabihin. Hindi nya alam ang isasagot. Hindi nya alam ang gagawin.
Tanging nakatayo lang ang naggawa nya habang umiiyak sa harapan nya ang kaibigan.
"Kiara, diba wala kang gusto?!" Nabalik sa realidad ang dalaga.
Umiling iling sya habang pinipigilan ang luhang gustong lumabas sa mata nya.
"T-talaga? Ibig sabihin kapag umamin sya sayo, tatanggihan mo? Ganun ba?"
Tumayo na si Yuki at hinawakan ang magkabilang balikat ng kaibigan at inalog alog ito.
Wala sa sariling tumango ang dalaga. Napangiti si Yuki at agad na niyakap ang kaibigan habang umiiyak. Hinayaang umiyak ni Kiara ang kaibigan sa balikat nya, kahit na sya dapat ang umiiyak ngayon.
Tama nga ang mga iniisip nya, hindi pwedeng magkagusto sya kay Mark.
~
"Yun lang? ganun ang nangyari? E asan sila ngayon?" sunod sunod na tanong ni Blake.
"Si Mark masakit DAW ang ngipin ng gagu. Si Yuki nasira DAW ang sapatos. Si Kiara nahulog DAW sa hagdan." Sagot ni Topher.
Hindi na umimik si Jared sa kwento ng mga kaibigan. Alam ng mga ito ang nangyari dahil nakikinig sila ng mga oras na yun.
"Pero guys, sure ba kayong okay lang si Kiara? Malay nyo nahulog talaga sya sa hagdan, diba?" Tracy.
"TING!" napatingin ang lahat kay Argel ng magsalita ito.
"May naisip ako!"
"Ano?" chorus na sagot ng lahat.
"Movie Marathon. Kanila Kiara. Mamayang gabi." Ngiting tagumpay nitong sabi na gada sinangayunan ng lahat.
~
Jaxon's POV
Time check: 7:30 pm
"Salamat dahil andyan ka habang wala pa sila." Walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa napakalaking sign ng 7/eleven na umiilaw ilaw pa.
Lokong mga yun, 6:00 ang usapan maga-alas otso na mga wala pa. Dyahe.
Bumili lang ako ng pagkain sa loob at saka umupo na sa labas. Hays, kung hindi lang talaga para sa mga kaibigan ko hindi ako sasama. Edi sana tulog ako ngayon. Tsk.