I opened the door to the rooftop. Gentle wind caressed my whole body. A smile formed on my lips because of how soothing it is. It's not hot nor cold. It's warm. And I like it.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Tinitignan kung may tao ba rito. Mabuti na lang ay wala. Madalang lang din kasi itong puntahan ng mga estudyante. Hindi kasi ganoon kataasan ang rooftop na ito. Hindi kagaya nang sa isang building na malulula ka talaga.
Naglakad ako patungo sa isang tent na nandito. Sumalampak ako sa semento katapat ng mahabang bangko na narito at pinatong ang ulo ko roon at ginawang unan ang aking braso.
I cannot sleep with the twins lingering around me. They are too loud. Mabuti na lang at may pinagkakaabalahan sila ngayon kaya hindi nila ako napansin na umalis. Hindi na kasi ako nagpaalam dahil alam ko na sasama sila sa akin dito. Dahil gusto rin nila ang tumambay rito dahil nga tahimik din at hindi mainit.
May ilang minuto pa naman bago ang susunod na subject ko kaya rito muna ako. I sometimes sleep here. Or sometimes, in some vacant room. Kapag natatakasan ko iyong kambal. Minsan kapag kasama ko sila, they will let me sleep, yes. But I cannot sleep peacefully because of their nonstop chatter. Kaya iniiwan ko na lang sila at tini-text na lang na matutulog ako kung saan. Hindi ko sinasabi kung nasaan ako.
I looked at the heaven's above. The sky's is so clear. The weather is nice. I closed my eyes and fell asleep.
Pagkadilat ko ng mga mata ay mukha ni Snyle na dinudungaw ako ang unang bumungad sa akin. Agad akong napabangon dahil na rin sa pagkakabigla dahil sa lalaking ito. Iyong mata niyang itim na itim pa ang una kong nakita. Nanaginip pa naman ako ng nakakatakot.
"A-anong ginagawa mo?" namamaos kong tanong. Ginalaw-galaw ko ang aking leeg. Medyo masakit ito. Nangalay sa pagkakadukdok ko.
"Watching you sleep?" inosente niyang sinabi.
Umayos siya ng pagkakaupo. Napansin ko ang nakabukas na dalawang butones nito sa kanyang uniporme kaya medyo lantad ang dibdib niya. His hair was a bit messy even though it's already curly. My brow arched a bit. What did this guy do?
I cleared my throat and my forehead creased. "You're a creep! Bakit mo ako pinapanood matulog?"
"Because you looked cute," sabi niya. Sinimangutan ko siya at mapanghusga na tinignan. He chuckled while looking at me. "I'm just kidding, Mnemosyne."
Iniabot niya sa akin ang isang mineral bottle. Nakasimangot na kinuha ko ito sa kanya at ininuman. I was actually thirsty. Mabuti naman at may dala siya. May silbi rin pala siya.
"Thanks," sabi ko at sinara iyong takip ng mineral bottle at pinatong ito sa may bangko.
"Why are you sleeping here?" kuryosong tanong niya.
"Because it's quiet here. At malakas ang hangin," bigla akong napatayo dahil sa pagkakataranta. "Anong oras na?"
Tumingin siya sa kanyang wrist watch at tiningala ako habang nakakunot ang noo. "2:18PM."
"Sheesh."
Hindi na ako nakapasok sa klase ko! I told myself to wake me up when it's already 2PM. I always do that. Pero napasarap ang tulog ko ngayon kaya hindi ako nagising ng kusa. Hindi ko rin nadala iyong cellphone ko kaya hindi ako natawagan ng kambal. O nakapag-alarm man lang.
Well, I guess I have no choice but to stay here until the class was over. Baka may makakita pa sa akin at isumbong ako na nagka-cutting. Mayayari ako nito kay Mama.
Umupo ako sa bangko at tumingala. The sky. It's so beautiful today. Asul na asul ang kulay. And the clouds are all white. Wala ang araw kaya hindi mainit. Kaya ang sarap tuloy
ng tulog ko dahil hindi kasi sobrang mainit.
BINABASA MO ANG
Heart Won't Forget (Landegre Series #1)
RomantikMnemosyne Escobar never wanted complications. She just wants a simple and peaceful life. Having a loving family, a true friends, good grades and a handsome crush are enough for her. Wala na siyang ibang hiling pa. But an accident happened causing he...