Six Saturdays with You: One Shot

32 1 0
                                    

Unang sabado ng paglabas nya nang hilingin nya ng magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa nya eksaktong kaaarawan. Pumunta ako sa mga malalapit namin na kaibigan upang sabihin na pumunta sila sa kaarawan ng aking girlfriend at wag kalimutan na batiin ito ng "Happy Birthday Trish!". Kailangan di niya malimutan ang ang araw na ito. Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Nang buksan nya ang mga regalo nya ay tuwang tuwa sya dahil nakatanggap sya ng madaming gamit, mga accesories at higit sa lahat ang bigay ko sa kanyang kwintas na may pangalan nyang Trish ito ang pinakanaging paborito nya. Sa kaniyang pagtuntong ng 21 years old. Kahit di pa totoo. Kahit di pa talaga nya kaarawan.

Ikalawang sabado ng pumunta kami ng Mall upang mapasaya sya. Habang nakikita ko na masaya sya, mas doble ang saya na nadarama ko. At nalulungkot dahil baka ito na ang huling totoong ngiti na masilayan ko mula sa kanya.

Dalawang araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko syang dinalaw. Unti-unti na syang nanghihina. Bihira na syang ngumiti. Unti-unti na namang nalalagas ang kanyang buhok. Subalit pinipilit pa rin nyang maging malakas bagamat talagang di na kaya ng kanyang paa na tumayo kahit sandali lang. Nakikita ko ang labis na paghihirap na kanyang dinanas.

Tuluyan na syang nakalbo pagsapit ng ikatlong sabado. Pumunta ako sa bahay nila upang sorpresahin sya. Kitang kita ko sa mga mata nya ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Mabilis na pagkapawi ng lakas ang aking girlfriend pagsapit ng ikaapat na sabado. Andito kami sa labas ng bahay nila upang panoodin ang mga lumilipad na eroplano, na sa twing may dumadaan ay tinitignan nya ito at pag nawala na ay titingin sya sakin at ngingiti ng malungkot. Parang tinutusok ng milyong milyong karayom ang aking puso pag nakikita ko syang nahihirapan at nasasaktan.

Huling sabado ng Marso ang ikalimang sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Marso ang pagpanaw ni Trish. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kanyang huling hininga. Namatay sya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang nya ang aking pagdating. Di na kami nakapag-usap dahil pagpasok ko pa lang ng pintuan ay pinakawalan na nya ang sunod-sunod na matinding sigaw ang matinding sakit na nararanasan nya na kahit sino ay di nais danasin.
"Sige na, Trish. Salamat sa apat taon na tiniis mo upang magkasama tayo na kahit gusto mo ng magpahinga ay di mo magawa dahil iniisip mo ko. Mahal na mahal kita at hindi magbabago yon. I Love You Trish. Paalam" Ayan yung huli kong sinabi sa kanya at pagkatapos ay matinding iyak ang nilabas ko dahil na rin sa matinding sakit ng puso ko.

Ikaanim na sabado ang libing ni Trish. Huling sabado na masisilayan sya ng mga nagmamahal. Payapa na syang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Magiging masaya dahil wala na sya nararamdan. Habang kaming mga naiwan ay paglalaban at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot ng pagwala nya.

WAKAS . . .

--
Follow me on twitter and instagram: @caryl_trinidad

Six Saturdays with YOU. ♡(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon