Ang Antipatiko Pero Gwapong Stalker Ni Ms. Nerd [ONE-SHOT]

2.4K 94 42
                                    

Ang Antipatiko Pero Gwapong Stalker Ni Ms. Nerd 


"Araayyy!!!!" Sabi ko dahil may nakaapak sakin.


"Ay sorry naman!" Sabi nung lalaking nakaapak sakin.


"Ahh, o-okay lang!" 


Shit, nauutal ako! Ang gwapo kase eh. Na-like at first sight ata ako!


"Eh bat kase di ka natingin sa dinadaanan mo, tsk!" 


Teka? Sinabi ko bang na-like at first sight ako sa kanya? Hindi naman diba! 


At binabawi ko na rin yung sinabi ko, di siya gwapo at di ako na-like at first sight sa kanya!


Syempre joke lang! Pero nakakainis! Ang yabang, ang kapal ng muka, sarap buhusan ng tae. 


Sa sobrang kagwapuhan, wala ng natira sa ugali!


"Wow ha! Ako pa talaga? Eh ikaw nga jan yung nakaapak, hiyang hiya naman ako sayo!" 


"Ewan ko sayo" 


Wow, siya pa talaga may ganang mag walk-out, nahihiya naman ako sa kanya. Whatever, makakain na nga lang sa Canteen, I'm famished na eh.


**

-Canteen-


Andito na ko sa canteen and ang daming tao at lahat sila ay nagkakagulo over something or someone. Sino naman kaya?


Baka may artista? Pero wala naman akong nababalitaang pumasok dito na artista? 


Ah baka may shooting? Pero pag may mga nagshoshoot dito sinasabihan naman mga students na wag maging ganon kagulo.


Ay nako! Bat ko ba yung pinoproblema? Pake ko dun.


Don't get me wrong ha, hindi ako bitter, sadyang di ako mahilig mag-aksaya ng panahon sa mga walang kwentang bagay!


Pero, mukang pamilyar yung pinagkakaguluhan nila.


Shit.


Yun yung lalaking nakaapak sakin ah? Don't tell me sikat siya?


Well, gwapo naman siya kaya di na ko magtataka, pero hindi naman nila alam kung gaano kasama ugali niya!


Whatever again. Makakain na nga lang!


By the way, I'm Millicent Smith, 18 years old, 2nd year college, I'm a nerd, and I'm proud of it. At wala akong pake sa iba kung ayaw nila sakin!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Antipatiko Pero Gwapong Stalker Ni Ms. Nerd [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon