"kailangan mo ba talagang umalis?", tanong ko.
"sorry, ito kasi ang plano para sa akin ng mga magulang ko", malungkot niyang tugon.
"no, hindi mo kailangang magsorry", pinilit kong wag umiyak.
"babalik naman ako eh, hihintayin mo ko diba? ", sagot niya.
"oo hihintayin kita, nangako kasi akong ikaw na ang huling lalaki na mamahalin ko".
Tandang-tanda ko pa ang mga huling pag-uusapan namin ni Khiel.
Ang mga sandaling napagmamasdan ko pa ang maamo niyang mukha bago siya umalis para mag-aral ng medisina sa Amerika.
Pinipigilan kong huwag pumatak ang mga luha ko habang kaharap ko pa siya, gusto kong huwag siyang mag-alala sa'kin para makapagfocus siya sa pag-aaral.
Nangako naman siyang babalik siya.
Diba?
At sinabi kong hihintayin ko siya.
Handa na naming ipaglaban ang bawal na pag-ibig na meron kami, ano pa man ang mangyari.
Basta ako, hihintayin ko siya....
Kase siya na ang forever ko.
BINABASA MO ANG
Yesterday's Promise
Non-FictionNormal lang na magkagusto ang isang lalaki sa isang babae, at ang babae sa isang lalaki. Pero paano kung ang isang lalaki ay magkagusto sa kapwa niya lalaki? At ang babae sa kapwa niya babae? Normal lang ba yun? Kung ako ang tatanungin, OO. Maybe sa...