Bad #60

38.8K 845 15
                                    

-BAD #60-








"He-hey" Nauutal at mukang gulat na sagot ni Wade sa'kin. I also didn't expect na makakaya kong kumalma ngayon at magkaharap na kami.








"A-anong ginagawa mo dito?" Nauutal niya pang tanong ulit habang binubuksan ang gate. Napangiti ako. Hindi ko din naman alam bakit ako nandito. Ilang beses na ko nagpabalik balik dito pero ngayon lang ako nagkalas loob na magpakita.







"Dumadamaw lang. Galing kasi ako sa OB." Kaswal na sagot ko sa kaniya. Napatango naman siya. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi na nandito ako. Para kasing naguguluhan na natatae ang mukha niya.







"Ohh. How's your baby." Napangisi ako nang sabihin niyang your na parang sa'kin lang ang baby na to. Gusto ko siyang batukan at sabihin na sayo din to gago! But not yet. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya. Ayoko naman na magkaayos lang kami dahil anak niya din ang dinadala ko.







"He's healthy. Magkabuwanan nga kami ni Primrose eh. Nakakatuwa baka daw magkabirthday pa ang mga baby namin." Masayang sabi ko at hinaplos haplos ang tiyan ko.








"So... You want anything? Coffee, juice? Water? Gutom ka ba? I'll cook something." Pumunta siya ng kusina at gusto kong matawa kasi tuliro siya para siyang wala sa sarili. Pinigilan ko ang sarili ko at sinundan na lang siya.








"Wag ka na magluto. I'm not very hungry. Kahit juice na lang." I smiled at him and he nodded. Habang nagtitimpla siya ng juice at naglibot ako sa sala. Walang pinagbago ang mansion niya. Ganon na ganon pa rin. I wonder if my things are still here.








"Walang pinagbago ang bahay mo ah. Hindi ka ba nagreredecorate?" Tanong ko sa kaniya at nakita ko siyang ngumuso lang habang naglalakad papunta sa center table at dala dala ang tray na may juice at sandwich.








"I don't have time and i also don't want to change things around here." Mariin ba sagot niya. Umupo na lang ako sa couch.








"Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya at kinuha ang isang baso ng juice. Umupo siya sa kabilang dulo ng couch na inuupuan ko at bumuntong hininga.







"Because i'm scared." Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Siya takot? Alam niya ba matakot?



"Scared of what?"


"Losing you.. I dont want to change a single thing here because i see you everywhere i look; Sa kitchen, sa kwarto, sa hagdan, sa garden.. I don't want to lose that memory of you being here."







Napatunganga ako sa kaniya. Seryoso ang ekspresyon niya pero bakas ang pangungulila at lungkot. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. He was waiting for me the whole time i'm gone. Alam ko yon dahil sinasabi ni Ryan sa'kin ang bawat kilos ni Wade. Hindi ko man hinihiling ay nagpapasalamat ako at sinasabi niya sa'kin. Napalunok ako. Sasagot sana ako pero natigil ako dahil tumunog ang phone ko. Umismid siya at sinagot ko naman kaagad ang phone ko.







"Hello?"


"Hello anak? I'm just checking on you. Kamusta ang check up mo?" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Mommy.


"Ok naman po Ma. Healthy padin naman po si baby." Tumingin ako sa tiyan ko at hinaplos haplos ito.


"Ganon ba. Pauwi na ko anong gusto mong dinner?" Tanong pa ni Mommy. Napaisip ako at napatingin kay Wade. Naka tingin lang siya sa sandwich at mukang malalim ang iniisip.


"Kahit ano po Ma. Basta ba kayo ang magluluto." Biro ko kay Mommy. Narinig ko siyang tumawa.


"Haha! Osiya. Surprise na lang kung anong ulam. Sige na anak at tapos na ang rounds ng Daddy mo. Pauwi na kami." I smiled. Napaka sweet nilang mga magulang. Hindi man sila ang kinalakihan kong magulang napaka maaruga nila sa'kin at damang dama ko ang pagmamahal nila. I still missed the parents i'm with before mommy and Daddy found me. Nagpapasalamat ako sa pag papalaki nila sakin simula nakita nila ako. Nagpaalam na ko kay mommy at tinago ulit sa bag ko ang phone ko.







Napabuntong hininga ako. Naalala ko nanaman tuloy ang kasalanan ni Wade sa'kin. Alam niyang hinahanap ako nila Mommy, alam niyang ako si Kaith, alam niya lahat pero hindi niya sinasabi sa'kin. Tinatago niya pa ako sa kanila. Iyon ang hindi ko maintindihan. Napayuko ako at huminga ng malalim.







"Bakit hindi mo sinabi sa'kin, Wade?" Hindi man ditelyado ang tanong ko, alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.







"I... I was scared.."


"Scared of what? Bakit ka ba natatakot? Ang pagkakaalam ko wala kang kinatatakutan. Pumapatay ka ng tao, gumagawa ka ng krime , you're an underground bidder for Pete's sake!" I snapped. Hindi ko alam bakit pero hindi na ko nakapag timpi.








"I'm scared of one thing.. And that is losing you. Oo kasing sama ako ni Yckos at ni Lucas pero tulad nila may kinakatakutan din ako. I have no weakness before i met you. I dont care about anything. I'm a bad man. But when you came... You became my strength and also my weakness. I love you Ema." Lumapit tumayo siya at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.







"Forgive me please...i still love you and i would walk on water just to be with you. I need you Ema. I need my life back. I'm nothing without you." Tumulo ang luha niya at umiyak siya ng umiyak sa kandungan ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.







Oo nagalit ako dahil sa ginawa niya pero hindi naman ako Diyos para hindi magpatawad. I'm not heartless. May puso ako at alam kong tumitibok pa rin iyon para kay Wade. I sighed. I cupped his face with my hands and made him look at me. Tulo na ang uhog niya at basang basa na ang pisngi niya sa kakaiyak. Natawa ako at pinunasan ang luha niya.







"Tumahan ka nga jan! Para kang bata ehh." Biro ko sa kaniya pero ako naman yung naiyak.







"I forgive you. But give me more time.."

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon