🎀🌸🍀It might take awhile before I post the next update. Parang wala naman kasing may nagbabasa ng story ko. Walang gaanong likes at comments kaya medyo nakakatamad ding mag update.✌🌼🌷
Audrey's POV
Nakilala ko ang bagong katulong at mabait naman si Gina. May isa itong anak sa probinsiya nila at hiwalay na ito sa asawa. Mabuti at mayroon na naman kaming bagong kasama sa bahay.
Niyaya ako ni Mae na sumabay ng kumain sa kanila ni Roland at Blake sa pool side. I think mag swimming din sila kaya nakahanda na ang mga gamit nila. Magkatabi kami ni Blake sa upuan. Dito kami ngayon nakaupo sa ilalim ng palm tree sa pool side area facing Noah's room. I could see him looking straight at us while he was on the verandah. Blake is trying to be so clingy. Masyado itong dumidikit sa akin. "Audrey, nilalamig ka ba? Let me put on this towel around you." Nilalagay na niya ang towel sa likod ko and he's even near me.
Narinig kung sumisigaw si Roland. "Blake, halika na dito. Masarap ang tubig." Yaya niya kay Blake.
"Si Audrey kasi ayaw akong samahan." Sabi naman ni Blake. Ano bang nangyayari dito kay Blake at masyado namang PDA. Hindi ko na lang ito pinapansin at nanonood ako kay Mae at Roland.
Nandoon pa rin sa verandah niya si Noah. Medyo tinatapunan na ako nito ng galit na tingin. Na remember ko noong nakaraang nag swimming kami at galit na galit ito. Hindi daw nababagay sa akin ang suot kong two piece. Kaya ayaw ko ding mag swimming at alam kong iniisip nito na hindi ako nababagay sa kanila.
Naputol ang pag iisip ko ng marinig kong nagtanong si Blake. "Ayaw mo talagang mag swimming? Samahan mo naman kasi ako." Yaya pa nito sa akin. Habang hinahawakan ang kamay ko at hinihila na ako.
"Kayo na lang kasi." Ngiti ko pa. "At papanoorin ko na lang kayo." Sabi ko sa kanya.
"Kuya Noah. Halika na kasi at samahan mo kaming maligo dito." Sigaw ni Mae sa Kuya niya. Medyo palubog na ang araw. Akala ko ba masakit ang ulo ni Noah. Bakit hindi na lang ito natulog at magpahinga. Nakita kong bigla na lang itong nawala sa verandah. Papunta ng pool at may dala dalang bote ng beer. Nilapag ito sa mesa kung saan ako nakaupo at nagsimula na itong uminom.
Hinahawakan pa rin ni Blake ang isa kong kamay. "Halika na kasi Audrey. Come on, samahan mo naman ako ulit." Dagdag nito.
"Ang kulit. Ok lang ako dito." Sabi ko sa kanyang tumatawa. Hinawi nito ang buhok ko na nilipad ng hangin papunta sa mukha ko. "Thanks" Sabi ko.
Nakita kong tahimik lang na umiinom si Noah katabi namin. "Since ayaw mo namang sumama. Mauna na akong mag swimming. Nandiyan naman si Kuya Noah na kasama mo." Paalam nito at lumukso na ng tubig.
Tahimik lang kami ni Noah na nakaupo dito sa gilid ng pool. Walang may unang gustong mag salita. Ayaw ko din itong kausapin at nakakunot ang mukha. Tumikhim ito bago nagtungga na naman ng alak. "Are you supposed to flirt with any guy that you like?" Bulong nitong pagalit sa akin.
"Noah, hindi totoo yan. Nasanay na ako kay Blake at medyo ilang taon na rin kaming magkaibigan at magkaklase." Sabi ko pa dito na hinihinaan din ang boses.
"Habang nandito ka sa amin sumunod ka sa mga patakaran dito sa bahay. Ayoko ng malalandi na babae. Yun ang pinakaayaw ko." Sabi pa nitong hindi na maipinta ang mukha. Nagtitimpi ito habang nagsasalita.
"Noah, hindi ako nakikipaglandian. Kung yun ang opinyon mo, wala na akong may magawa doon. Bakit pala na umiinom ka na naman? Sinabi mo kanina masakit ang ulo mo." Sabi kong mahinahon ang boses.
"Nawala na ang sakit ng ulo ko. Bakit ikaw hindi ka sumama sa kanila doong mag swimming?" Tanong pa nito sa akin. Medyo hindi na gaanong galit ito. Nakatingin ito sa akin ng seryoso.
Bumuntong hininga muna ako. "Papayagan mo naman kaya akong makipag swimming sa kanila? The last time na nag two piece ako..." Naputol ang sasabihin ko at medyo nahiya kay Noah dahil naalala ko ang mga pangyayari. "Ayaw mo akong mag two piece at hindi nababagay sa akin." Sabi ko pa.
"Bakit, gusto mo bang binabalandra ang katawan mo sa mga lalake? Yun ba ang gusto mong gawin. Napaka bata mo pa para mag damit ka ng ganyan." Sabi pa nito sa akin.
"Ganon ba ang tingin mo sa akin? Bata? Pareho lang kami ng edad ni Mae, bakit ako lang ang pinapakialaman mo?" Medyo pikon ko nang sabi dito.
"Alam kong di ka na bata. Kailangan ko pa bang i explain kong bakit?" Tanong nitong pilyo sa akin.
"Noah, pwede ba? Baka may makarinig sayo?" Sabi ko pang pabulong sa kanya.
Natahimik kaming bigla. Ako naaalala ko ang mga pangyayari at mga halik ni Noah. Parang gusto ko na lang na palaging niyayakap ng mga bisig nito. That is the most intimate feeling I experienced with another man. Sa kanya parang wala lang yun, pero ako ginising nito ang sistema ko. Hoping that one day, mapansin din ako ni Noah. Pero I know na hindi na mangyayari yun. Kung hindi galit, inis ang nararamdaman nito sa akin.
Umahon si Mae sa pool at pumunta sa amin ni Noah. "Kuya ang tahimik niyo naman ni Audrey. Are you ok friend? Tuloy ba ang date niyo ni Blake this Sunday?" Tanong ni Mae sa akin.
"Sinabi ko ng hindi siya aalis sa linggo na ito. Kailangan kong ipalinis ang condo ko sa Linggo." Sabi ni Noah kay Mae.
"Kuya day off ng kaibigan ko sa Linggo. O sige ganito na lang. Sa condo mo na lang kami magkita. Doon na lang kami mag hang out. Pero hindi na date yun at isasama ko rin si Conrad. Matagal na rin kasi yung isa na yun na gustong makita si Audrey. May the best man win kumbaga." Sabi pa ni Mae na napahagikhik. "Ok lang ba yung plano ko Kuya?"
"Bahala ka na nga Mae. Siguraduhin mo lang na mag behave kayong lahat doon." Sabi pa ni Noah na napahalukipkip.
"Thanks Kuya!" Sabi ni Mae sabay yakap sa Kuya niya. Ewan ko pero feeling ko ayaw naman ni Noah na nandoon kami sa condo niya sa linggo. Bahala na nga. Wala naman akong may magagawa kung galit pa rin ito.
🌺🌼🌸Thanks for your upcoming votes and comments.🌼🍀🌸
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
De TodoTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...