Chapter 6

1.1K 25 24
                                    

Matilda

Carline's pov

Naiwan akong nakatanga sa harap ng desk ko nang punasok ako ng school. Hindi rin kasi okay yung pakiramdam ko sa nangyari sa bahay.

"Oh Carline ang tahimik mo. May problema ba?" Tanong ni Lyana. Bumaling na din ang dalawa sa akin. Hindi ko naman masabi ang problema ko dahil alam kong maguguluhan lang sila.

"Wala.. hindi lang ako makamove on sa binabasa ko story sa wattpad. Kaya heto namumugto yung mata ko." Suminghot ako at bahagyang ngumiti.

Inaaway ka pa ba ni Arjohn?" Baling ni Xandria. Mukhang hindi pa talaga sila nakakarecover mula sa amin. Umiling naman ako sa kanya. "Ano ba yan? Naiiyak ako tagos sa puso kasi yunv linya ng mga karakter."

Napabuntong hininga na lang sila sa aking tabi. Doon naman ay biglang pumasok din ang buong barkada ng Outlaws. Oo medyo kilala ko na sila sa pangalan. Nakita yung huking pumasok sa kanila pero uniwas din ito bg tingin. Pumasok na din yung prof namin sa H.E 01 subject namin.

Wala akong choice kung ganito. Nagsimula ang lecture ni Ma'am pero ako lutang pa din ang utak ko. Grrr! Dapat hindi ako maapektuhan ng mga ganoong pangyayari. Hindi naman kasi kami talagang mag-asawa.

"Oh mukhang may iniisip ka diyan ah." Tapik ni Xandria sa likod ko habang naglalakad kami sa hallway."May problema ka ba?"

Umiling lang ako at pumunta sa school quandrangle. Nakikita kong maraming mga estudyante na vacant hours sila. Dapat kalimutan ko ying nangyari hindi dapat masyadong iniisip ang mga ganoon.

"Hey Miss Carline bakit nandito ka nag-iisa?" May nagtanong sa akin. Tumingala ako dahil nakaupo ako sa isa sa mga benches.

"Uh eh.. wala naman pahangin lang." Palusot ko. Si Steven pala isa sa mga barkada ng Outlaws.

"Naku wala lang din maiba lang ng lugar. Hahaha!"

Steven's Pov

"Ikaw ha. Bakit ka nga naririto? Bakit hindi mo kasama mga barkada mo?" Pangungulit ni Ms. Carline.

"Nagsawa sa kagwapuhan ko kaya lumayo ako." Nabigla na lang ako ng binatukan niya ako. Mashaket yun ah!

"Loko-loko! Susumbung kita kay Timonthy. Hahaha!" Sa wakas nakita ko din siyang ngumiti. Simula kasi ng unang klase nito ay kita ko nang malungkot ito. Hindi ko naman matanong si boss dahil baka madale na naman ako. One of a kind ang gwapo kong mukha noh!

"Oh my G!!!!" Isang sigaw ang umagaw sa atensyon namin. Napatingin kami sa gawi ng gym. Nagsitakbuhan din ang iilang estudyante papunta doon.

Nakita kong tumakbo na din si Ms. Carline kaya sinundan ko na. Mahirap mawala ito sa paningin ko yari ako kay boss.

Ayun kitang-kita namin na naglalaro sina Kiefer, Prince, Zac at Adam ng basketball. Mabuti na lang talaga malakas ang karisma ng mga lokong to sa babae. Lalo pang lumakas ang tilian nang maghubad ang mga ito ng uniporme. Lumingon naman ako sa bandang opisina ng Dean's office. Kumusta kaya sila?

After class namin sa H.E 01...

"Oy mga dre ano na plano niyo?" Tanong ni Seth tungkol doon sa plano. "Paano natin gagawin yung nang hindi napapansin nila?"

"Hoy tandang Seth wag kang maingay nga! Hindi ako makapagconcentrate." angil ni Adam. Kailangan namin ma-install yung cctv camera sa lahat ng private rooms ng school. Isa pa ay para magkaroon kami ng access sa bawat room.

"Guys meron nakapasok na outsider." sabi ni Price habang nakaturo ito sa isang laptop na gamit namin. Kuha iyon sa main gate ng school patungo sa guidance office at diretso ng Dean's office.

Married to a Mafia HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon