'Mag-outing tayo.' Message ng kaklase kong kauuwi lang galing Canada sa chatbox ng group namin. Inopen ko lang pero hindi ako interested sa outing na yan.

'Wala namang pumupunta eh.' Yeah right. Ang daming plano,natutuloy nga, pero out of 55 students eh 10-13 lang ang pumupunta.

'Sagot ko foods!' Reply ng kaklase kong galing Canada.

At ayun, andaming nagchat na pupunta daw sila kung sa kanya ang foods. Aba aba! Mga mukhang pagkain talaga tong mga to. Mga PG! Hahaha akala mo hindi kayang bumili ng foods samantalang may kanya kanya na kaming trabaho.

'Jeia, seenzone pa more!' Sabi ko nga, dapat akong magreply.

'When is your plan?' Reply ko. Nakakahiya naman sa taga-Canada. Crush ako nian dati eh. Ccvos. Pero totoo yun. Pinapadalhan pa nga niya ako ng kung anu-ano nun firssd year nia sa Canada eh.

'Yun oh.' Reply nia.
'Pupunta ka Jeia?' Reply naman ng isa pa naming kaklase. Dahil sa reply nia, nag log-out na ko. Ayoko siyang makausap. Naiinis ako sa kanya ehh.

Sakto namang paglog-out ko ay ang pagdating ng kapatid kong babae.

"Girl,nakasabay ko sa bus si ano..." She stopped. Hindi niya ata maalala yung pangalan ng nakasabay niya.

"Yung pogi." Tinitigan ko siya dahil nga di nia maalala.
"Yung taga dyan sa Opal street.' Ah. I think kilala ko na kung sino ang tinutukoy niya.
"Ah si Albert!" Sabi niya saka tumalon na parang nanalo sa lotoo. Baliw talaga yun.

"Oh ano naman?" Tinignan nia lang ako nang masama.
"Tinanong niya kung nag-exam ka na ng LET. Tas sabi ko oo. Taoos sabi niya anong result." Adik ba siya? Malamang wala pang result. 40 days pa bago malaman eh.

"Anong sabi mo?"
"Sabi ko wala pa. Tapos sabi niya 'ipagpepray ko sia'." Sabi niya na parang kinikilig. Sinong hindi eh ang gwapo nga naman kasi nung lalaking yun tapos kakausapin nia tong kapatid ko.

"Gusto lang nun na makikain kapag nakapasa ako." Sabi ko kasi naalala kong sinabi niya na hindi pa daw ako nagyayaya tuwing may pa-foods sa bahay.

"Crush mo sia no?"tanong sakin ng kapatid ko. Echosera!
"Nung elem lang. Syempre crush siya ng mga kaklase ko eh." Sabi ko kasi yun naman ang totoo. Pasikat pa nga ako nun kasi kilala ko siya kasi pareho kaming nakatira sa iisang village.

"Ano yun? Nakikisali lang.? Sabay tawa ng kapatid ko at may pahampas hampas pa! Kainis tlaga to. Brutal! Gusto konn sabihing saka gwapo naman talaga yun nuon pa, walang sabit nga hair nun eh. Hahaha pero wag nalang.

"Oo. Dun ka na nga! Nagfefacebook ako eh." Sabi ko kaya umalis din siya after niya akong kulitin nang kulitin na baka hanggang ngayon daw e crush ko pa rin si Albert.

Pero teka, pano nga ba nag-start ang pagkacrush ko sa kanya.

I'll tell you a story.

**FLASHBACK**

"Bakit ang konte po ng mga bahay?" Tanong ko sa nanay ko habang papasok kami sa village na to. Grabe. Nagmukhang hunted ang village sa itsura nia. Nakakatakot.

"Kasi last year lang to inopen." Sagot naman ni nanay. Ang nanay na kasama ko ay lola ko. Nauna na kasi ang parents ko dito kahapon. Nagpaiwan ako kasi madami silang dala nuon at baka hindi nila ako maasikaso sa byahe kaya nanay ko ang sumundo sa akin.

"Ay. Kaya pala nay."
Nakarating kami sa bahay. Malapit lang sa basketball court ang bahay namin tapos sa gilid ng basketball court, may maliit na bahay at katabi nun ay playground. Ang cute.

Kinahapunan, nagpunta kami ng kapatid kong babae sa playground.
Mas bata sa akin ng tatlong taon ang kapatid kong ito.

Habang nakaupo kami sa swing, may nakita akong batang lalaking nagba-bike at ang ganda ng hair. Sumusunod sa galaw niya yung hair niya tapos bagsak na bagsak. Parang sa commercial ng vaseline. Siguro vaseline ang shampoo niya.

Nung malapit na siya, nakita ko na lang yung kapatid kong tatawid dun sa dinadaanan niya. Hindi ko napansin yun kaya tumakbo ako agad papunta duon sa kanila at tinulak ang kapatid ko. Nagpreno naman si vaseline nun.

"Hoy ano ba vaseline! Tignan mo nga dinadaanan mo!"sabi ko sa kanya. Nakasimangot pa ko para mas matakot siya.
"Vaseline?" Tanong niya sabay turo sa sarili niya.
Masama pa rin tingin ko sa kanya at hindi ko siya sinagot.
"Nagpreno na nga di ba?" Sabi pa niya. Pero hindi ko pa rin siya sinagot. Nakatingin lang ako ng masama sa kanya.

"Sorry. Next time kasi bantayan mo kapatid mo." Sabi niya ulit saka siya nagbike ulit.
Tinignan ko lang siya hanggang mawala na siya sa paningin ko.

**end of flashback**

"Huy." Tinignan ko kung sino yung nagsalita sa tabi ko at siya lang pala.
Inirapan ko lang siya. Nandito kasi ako sa court para manuod ng volleyball game ng village namin. And kasama pala sa laro itong mokong na to.

"Daydreaming?" Sabi niya saka siya ngumiti nang nakakaloko.
Hindi ko pa rin siya sinagot. Bakit ba ko kinakausap nitong lalaking to?

Hindi naman niya ako kinakausap dati.
Yung unang beses naming pag-uusap,yun na rin ang huli. Grade 4 kasi ako nung lumipat kami at hanggang matapos ang 6th year ko sa elementary eh hindi ko na ulit siya nakausap.

Yeah right. Pinagyayabang ko pa sa mga kaklase kong ka-village ko siya at nakausap ko na siya. Sa ibang school kasi nag aral ng elementary si Albert. Nakilala sia ng mga kaklase ko nang nagpraktis kami sa Central school kung san nag aaral si Albert. Well, yung praktis na yun ay para sa girl scout escoda ata. Can't remember na eh. Tapos nakita nila siya na nagpapraktice ng volleyball.
Dun na siya sumikat. Echapwera ung mga kaklase kong gwapo rin. Hahahaha

"Hindi mo talaga ako sasagutin?" Sabi ni Albert. Panira talaga to nn moment.
"Bakit? Nanliligaw ka ba?" Sagot ko sa kanya.
Tumawa naman siya after nun saka nia ginulo ang buhok ko.
"Baliw." Sabi niya saka tumayo para magwarm-up. Ako pa ngayon ang baliw?? Ewan ko sa kanya!

--sorry sa typos. Tab lang gamit ko eh.--
Where did I get the name Albert?
Sobrang fan lang ako ni Albert Martinez. :D


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon