Epilogue

119K 3K 534
                                    

This story is dedicated to all the single moms out there, to the women who were called by their imperfections and weaknesses, to all who suffered from traumatic relationships.

I just want to reassure you that when you put your hope in the Lord, the victory over all circumstances is always yours.

Never stop praying.

***

EPILOGUE

NAGBUBUTONES si Red ng school uniform niya habang pababa ng hagdanan. Nasa hagdan pa lang siya ay dinig niya na ang tawanan ng triplets na mga pamangkin niya.

Pagkakita niya sa sala ay nagtatakbuhan sina Cedrick, Claude, at Cereese nang paikot-ikot sa sofa habang hinahabol ng Kuya Matthew niya.

Ang bilis lumaki ng mga pamangkin niya. Magsi-six years old na ang mga ito sa taong iyon.

"Bang! Bang!" tinapat ni Cedrick—na naka-blue shirt, ang laruang baril nito na nakatutok sa Kuya niya na nagpapangap na monster siguro.

Si Claude—na naka-green shirt naman ay kinuha ang laruang rifle nito at bumaril din kunwari.

Color coding ang damit ng dalawang lalaki sa triplets para hindi malito ang Ate Frances niya.

"Argh!" umarteng nasaktan ang Kuya Matthew niya at lumagapak ito sa carpet. "I'm gonna die!"

"We killed the monster!" Claude cheered.

Napasimangot si Cereese at yumakap sa leeg ng ama nito. "Daddy, don't die!" iyak nito bigla.

Biglang umupo ng maayos ang kapatid niya at niyakap si Cereese.

"No. I'm not going to die, sweetheart. Laro lang 'to. Don't cry..." alo nito sa bunso.

Lumapit na rin sina Cedrick at Claude kay Kuya Matthew.

Binitiwan nito ang mga laruan at saka kumandong sa huli.

"Daddy, let's play again!"

"Soldier-soldier naman, Daddy!"

"Ayaw ko soldier-soldier," angal ni Cereese. "Bahay-bahayan, please?"

Napasimangot sina Cedrick at Claude. Tatawa-tawa lang si Kuya Matthew. "Bahay-bahayan it is!"

Pumalakpak si Cereese na lagi namang nasusunod dahil nag-iisang babae sa triplets. Umangal sina Cedrick.

"Daddy, pang-girl iyon!"

"Oo nga! Soldier-soldier na lang, Daddy!"

"Eh, gusto ko bahay-bahayan! Kanina pa tayo pang-boys na laro, eh!" apila ni Cereese.

Napatingin sa kanya ang Kuya Matthew niya na parang naghihingi ng tulong kung anong dapat laruin ng mga ito.

Natawa siya. "Don't look at me, Kuya," napapiyok pa siya.

Ugh. He hates growing up. Palaki nang palaki ang boses niya.

Now that he's eighteen, tinutubuan na rin siya ng bigote at balbas that's why he needs to shave every day.

Hassle.

Nag-aaway pa rin ang tatlo nang lumabas si Cyla mula sa kusina. Naka-uniform na rin. Sabay silang papasok sa school.

He's in grade 12 while Cyla is in Grade 6. Hinahatid niya muna ito sa grade school department bago siya pumasok.

"Hala, Daddy Matthew, ang gulo ng sala!" bulalas ni Cyla. "Nako, lagot ka po kay Mama!"

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon