Dear NASH,
Naaalala mo pa ba nung una kitang nakita? Nakita kita noon sa tapat ng room namin. Nagpapapansin. Para ka ngang tanga noon eh. Pero yun yung araw na nabihag mo ang puso ko. Palagi ka ng nakatambay saq tapat ng bintana na kung saan ay nakaupo ako. Lagi ka ngang nakatingin sa loob ng room namin. Sabi ko, “siguro si ellaine lang ang tinitignan nya” Hindi naman kasi ako nag-a-assume. Mas maganda naman kasi talaga si ellaine kay’sa sa’akin eh. Nung lumabas ako ng room sabi mo pa nga “ate, san ka pupunta?” sabi ko, “sa canteen po.” Masaya na ako nun’ kasi tinanong mo ako. Kahit si ellaine naman talaga ang dapat tatanungin mo. Naaalala ko din nung “BATTLE OF THE BANDS”nung nakita mo akong may nabangga’ng babae tapos tinawanan mo ako. Sabi mo pa “tingin-tingin din kasi sa dinadaanan pag may time.” Naasar ako sa’yo nun. Pero lumapit ka sa akin dahil wala akong kasama. Tapos hiningi mo ang number ko. Tinanong mo pa kung ayos lang ba ako. Ayos na ayos lang ako. Ikaw kasi yung nagtanong. Pumasok na ako sa loob ng school gymnasium kasi nga manonood ako ng battle of the bands, eh sobrang daming tao, at napahiwalay ako sa mga kakalse ko, lumabas nalang ako ng gym at umupo sa grass land (a/n : yung parang sa park. Gets?) ng mag-isa. Nagulat nalang ako kasi pagkatalikod ko, andun ka pala. Nakipag-kwentuhan ka sakin nun. Kinuwento mo sa’kin yung highschool happy and worst moments mo, Kung gaanokakaloko sa room. Kung ano ang attitude mo. Napalabas moyung BIG SMILE ko noon. Ang gaan ng loob ko sa’yo. Nilibre mo pa ako nun sa cafeteria at ipinakilala sa mga classmates mo na new friend mo ako. Ang saya ko nung araw na yun. Sabi ko sana mag-freeze nalang yung time, yung tayong dalawa lang. Kinabukasan nga nun na lagi mo na akong ikinakamusta, binibisita sa room at inaasar, tapos tinanong mo ako noon na “PWEDE BA MANLIGAW?” um-oo ako at alam mo ba, ang saya ko nung araw na iyon. Sabi ko sa sarili ko “KAILANGAN KO MAGPAKA-HARD TO GET.” Pero sabi din ng mga classmates ko na third year palang daw ako at ikaw ay graduating na. Pano ko daw mababantayan kung may babae ka or iba o kung sino man ang ka-text mo.Sabi ko sa kanila. “MAY TIWALA AKO SAYO” nung dumaan ang mahigit isang buwan ay sinagot na kita. Niyakap mo ako noon at sinabi mo sa’akin na MAHAL mo ako. Ipinagsigawan mo pa noon sa classroom nyo na tayo na. Ipinakilala mo din ako sa Adviser mo na parang second mom mo na din at sa teacher mo sa CAT. Masaya ako nun kasi ipinagmamalaki mo ako sa iba at parang PRINSESA mo ako tratuhin. Hinahatid-sundo mo pa nga ako eh. Ibinigay mo din sa’kin ang e-mail at password mo sa facebook kasi sabi mo may tiwala ka sa’kin. Binuksan ko ang FB account mo. Ang dami kong nabasa sa inbox mo na nakakainis. Nabasa ko dun na may sinasabihan ka ng “I MISS YOU”, “ILOVE YOU”, “CRUSH DIN NAMAN KITA EH”, “MAHAL MO BA TALAGA AKO’’, “TAYO NA BA TALAGA” at Take note. MAGKAKAIBANG BABAE PA TALAGA HUH ! kinukuha mo pa yung number nung iba. Tinawagan kita at sabi ko. “ANONG KLASENG TIWALA PA BA ANG AASAHAN KO SAYO? ONE WEEK PALANG TAYO PERO GANYAN AGAD NABABASA KO. NAHIHIYA NAMAN AKO SA KANILA. NAHIYA NA SI DANIEL PADILLA SAYO’. ANG POGI MO AKSI EH.GUSTO MO SIRAIN KO KA-POGI-AN MO? KASI AKO MAHAL KITA KAHIT PUMANGIT KA EH. EH SILA?MAHAL KA KASI MAY ITSURA KA. PANG-DISPLAY KA LANG NILA. AKO?? BAKA PANG-DISPLAY MO LANG DIN AKO???? SIGE BYE . ! WAG KNA MAG-ISIP. SASABOG LANG UTAK MO”. Kinabukasan nga niyakap mo ako habang umiiyak at humihingi ng sorry. Kasi na-realize mo na mahal mahal kita. Nung feb.14 nga binigyan mko ng rose. Alam mo expected ko nun sosorpresahin mko or papatayin sa tuwa. Hindi eh, Napunta sa disappointment yung expectation ko. At ramdam ko na din nun na nanlalamig kna . kinagabihan, nag-gm at nag-thankyou ako sa mga nag-effort na pumunta sa’amin para mang-harana, bigyan ako ng flowers, teddy bears at kung anu-ano pang mga gifts. sabi ko, buti pa sila nag-effort ng todo-todo para mapansin ko, eh yung boyfriend ko nga less effort eh. nakakainis lang ! Tapos kinabukasan (feb.15) hindi mo ako pinapansin, hindi tini-text at kinakausap. Pumunta ako nun sa bhay ng kaklase ko kasi gagawa kaming props para sa stage play namin tapos tinext mo ako at tinatanong mo kung nasaan ako. nireplyan naman kita at isinabi sayo kung nasaan ako, Hindi ko namn inaakala na pupunta ka kung nasaan ako. kumatok ka at ang lumabas ay AKO. Nagpakita ka sa'akin ng lasing. Nasigawan kita kasi sabi ko sayo noon na huwag kang magpapakita sa'akin ng lasing, tinext ko ng tinext mga kaklase mo at tinawqagan ng tinawagan para sunduin ka tapos nung naiinis na ako sayo at pinipilit na pauwiin ka, bigla mo akong hinalikan at hinawakan mo ng mahigpit ang dalawang kamay ko dahilan para hindi ako makawala at makapalag . Nasampal at nasipa pa nga kita kasi hindi na tama yung ginawa mo sa'kin nun. sinabi este nasigawan kita noon na "BREAK NA TAYO" . Masakit man sa'kin para na rin matauhan ka. Lasing ka man, nakainom o ano, kung may respeto ka sa babae, hinding hindi mo gagawin yun. Hindi ako nagpa-ramdam sayo ng isang linggo pero kinukulit mo ako, hingi ka ng hingi ng sorry. kinukulit mo din ako sa personal., di katagalan, nagka-ayos na namn tayo. at dahil graduating ka, super bc ka. nawalan kna ng time sa'kin. Naiiintindihan ko naman yun dahil para din naman yun sa future . Dumating na naman yung time na nag-away tayo dahil nag-selos ka. kahit anong explain ko sayo. hindi ka naniniwala. Nasa sa'yo naman yun kung maniniwala ka o hindi eh. hindi ko naman kailangan ipagpilitan yung sariliko kung ayaw mo. Tapos malaman-laman ko9 lang an tinutulungan ka pala ni ellaine para magkaayos tayo. Nagtapat nga si ellaine sa'kin non eh. sabi nya sakin "tony, tatapatin na kita ha. sabi sakin ni Nash na mahal nya ako at mahal nya ako kaysa sayo. Ako na ang mahal nya simula sa umpisa. pero bhes. ni-reject ko siya" ikinagalit ko yun ng sobra. nasabi ko nalang kay ellaine habang umiiyak, "WAG MKO MATAWAG-TAWAG NA BHES! AT isa pa pala. HINDI KO KAILNGAN NG TULONG MO, MAS NAKAKAGULO KA LANG" hanggang kianusap na din ako ng roommate ko na tropa mo at sinabi sakin na may nililigawan ka daw na iba na ka-tropa nyo din. Nagpadaan ka pa nga ng gm sakin na "happy monthsary #04" ansakit nun'. Kinuwento sakin ni rose (tropa mo na roommate ko) na kung ano ka at ano mga ginagawa mo kapag nakatalikod ako. LANGYA!! Gusto kong katayin yung cassandra mo. All this time nagmumukha nga lang akong TANGA. Nung bandang 2pm sa tapat ng room nyo. ang sarap ng hangin kaya lumabas ako ng room namin. Nakita kita noon. nakaupo sa may bench. may katabing babae. Magka-holding hands kayo at nakahiga ka sa balikat nya. tinext kita nun at sabi "Ang Ganda ng view sa labas ha" nagreply ka "oo nga eh. Ang bango nya, ang lambot ng kamay at mas maganda sayo. at oo nga pala. BREAK NA TAYO" . napa-upo nalang ako sa upuan ko at niyakap ang bag ko at di mapigilang umiyak . ang sakit nun. SOBRA. lahat ng classmates ko kini-comfort ako. binibigyan nila ako ng advise. pati Adviser ko kinomfort din ako, alam mo. ngayon. natuto na ako. DAPAT HINDI NAGPAPANIWALA SA TULAD MO. MAGALING LANG SA UMPISA. KALA MO NAMAN MAUUBUSAN KA?? napagsasabay mo nga eh. tss. bakit ko sinulat to.?? para ma-realize mo kung gano ka ka-GWAPO para MANLOKO !!
tony
==
sorry guys. nadala lang ng isinulat ko.
hope you enjoy it at may natutunan ang bawat isa. Nangyari na po yan in real life. :) pero hindi sakin' . one of my super duper bestfriend.
pasensya na din po sa mga mali. D'x soreeeh ..
VOTE......COMMENT.....SUGGEST.....QUESTION.....
:) mwaaah :**
BINABASA MO ANG
Sulat
Short StoryAng mga babae, Abstract yan. hindi mo man maintindihan. MAGANDA PA DIN. >dapat nilalapitan, hindi pinapalapit >dapat nililibre, hindi pineperahan >dapat Sineseryoso, hindi niloloko >dapat pinapasaya, hindi pinapaasa >dapat inaalagaan, hindi pinapaba...