Unang Yugto

63 1 0
                                    

Ang kwentong ito ay naglalaman ng maselan na mga pangyayari. Ako po ay nakiki-usap na kung wala pa po tayo sa tamang edad na dise anyos at pataas, ay atin pong lisanin ang librong ito. Maraming Salamat po,

* * *

"Ano ho?!" Napahinto si Clark sa rebelasyong kanyang narinig. Hindi pa man niya naibababa ang kanyang telepono, ay nabitawan niya ito at nalaglag sa sahig.

"Si tito Alec? Wala na siya?" Sabi niya, at tila ba hindi maigalaw ang katawan. Ang kanyang tiyuhin ay isang masunurin at matapat na alagad ng batas. Napamahal na dito si Clark. Inaakala niya na kakayanin ng tiyuhin ang mapanganib na trabaho dahil malakas ito.

Ngunit, ang kinakatakot niya at ang buong angkan nila ay nagkatotoo. Napatay si Alec ng sila ay lumusob sa malaking pugad ng mga nagbebenta ng droga. Sa trenta na pulis na lumusob, ay isa lamang ang nakaligtas upang upang maisalaysay ang buong kwento.

* * *

Ilang lingo ang nakalipas ay nailibing na rin sa wakas, ang mga labi ng mga nasawi. Tila ba ang langit ay nakikidalamhati sa mga nasawi. Tumingin si Clark sa taas, at dagliang pinanuod ang mga munting patak ng ulan na dumadampi sa mga pisngi niya.

Ang mga nasawi ay binigyang parangal bilang mga bayani. Ang mga bayaning ito rin ang dahilan, kung bakit mas napabilis ang aksyon ng pulisya para bigyang hustisya ang mga may sala.

"Ma? Asan si Tita?" Lumingon si Clark sa likod niya upang tanungin ang kanyang Ina, na nakahawak ng itim na payong.

Itinuro ng kanyang ina kung saan naroroon si Sarah, ang kanyang nakababatang kapatid. "Andun siya. Magpapaalam ka ba?" Tugon niya. Ngunit, tila ba sinasabi ng tono ng kanyang boses na wag muna abalahin si Sarah.

"Opo." Sabi ni Clark, at ibinukas ang sariling payong, bago nagtungo sa kinaroroonan ng tita. Wala nang mga tao ang natitira, maliban sa kanyang ina, si Clark, at si Sarah.

Walang dalang panharang sa ulan ang kanyang tita, at siya ay tumabi rito sa paghahangad na payungan ang  kanyang tita.

Siya ay lumingon muli sa kanyang likuran at tumango sa ina. Ang ina naman ay tumango rin, at dagliang umalis. Walang salita ang lumabas sa kanyang mga bibig, habang ang ingay ng ulan at mga paghibik ni Sarah na lamang ang tanging mga tunog sa tainga niya.

Si Sarah ay nakatatanda ng siyam na taon sa dise syeteng si Clark. Ngunit, tila ba siya ay bente dos lamang sa hitsura. Mga ilang matagal pang minuto silang nakatayo lamang sa sementeryo.

"Ihahatid ko na po kayo Tita." Tugon ni Clark, at malumanay na inakbayan ang naghihinagpis na si Sarah para suportahan sa daan, bago nagtungo sa kanyang sasakyan.

* * *

Kumaway si Clark sa loob ng kanyang sasakyan, at ngumiti naman si Sarah bago nagtungo sa loob ng kanilang mansyon. Ngunit, malinaw na pilit na ngiti lamang ang mga ito, dahil naghihinagpis pa lamang ang kanyang maalindog na tita.

Si Clark naman ay nagtungo na para umuwi sa bahay nila.

* * *

"Anak? Anjan ka na pala. Bilis, maligo at magbihis ka na. Magkakasakit ka niyan." Sabi ng kanyang ina, at binigyan ng tuwalya ang basang basang anak.

"Salamat Ma. Si Pa. Wala pa ba?" Tanong niya.

"Wala pa. Baka bukas na ang uwi niya. Malakas at delikado ang ulan ngayon. Tumawag siya, kanina pa." Sabi ng Ina, bago nagtungo sa kusina upang maghanda ng hapunan nila.

* * *

Kinabukasan. . .

"Clark? Pwede bang dumalaw ka muna kay Tita Sarah mo at iabot mo itong mga prutas na ito? Hay, naku. Nag-aalala talaga ako sa kapatid kong iyon. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Nag-aalala din ako kay Mark. Baby palang eh, nawalan na ng ama." Umiiling na tugon ng Ina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kanino Ba Dapat Umibig?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon