March 25th.
Last Day Of School. :)
Ashleen's POV
Halos hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko ngayong araw na ito :) Tapos na. Makakabalik na ako sa San Juan sa susunod na pasukan :)
Hindi ko alam na ganito lang pala magiging kabilis ang panahon.
Parang kailan lang noong magulong magulo pa ang lahat.
Pero ngayon.. Kaunting kaunti nalang maplaplantsa ko na lahat ng GULO! =)
Hayy.
HALF-DAY lang kami ngayon. At casual lang ang mga suot namin. =') Nagkaroon lang ng party bago mag school year end. :)
Masaya naman. Kahit papaano, nagkaroon pa rin naman ako ng mga bagong kaibigan pero wala pa ring tatalo sa mga kaibigan ko sa San Juan. Lalo na si Grace. :)
Mamaya. Bago ako umuwi, dadaan muna ako sa Grandmall. Bibili akong sim. Hihi. Matagal tagal rin akong nag deactivate sa facebook. Hayy. Parang back to normal na ang lahat. :)
Kumusta na kaya sila nuh? Masaya na kaya sila? Hinihintay pa rin kaya nila ako? O naaaalala? Namimiss? Hindi na siguro. Hindi naman na nila ako nakuhang bisitahin e. Kung sa bagay... Bakit nga anman nila gagawin pa yun.
Hayy. :(
Nang may biglang nanggulat sa likod ko.
Jake: HOY!
Ashleen: HAHA! Ikaw pala!
Jake: So pano ba yan? Last day na ng school?
Ashleen: HAHAHA. Oo nga e. :) O.. Last day ko na rin sa school na ito.. Mag goodbye ka na!
Jake: HAHA. Mamaya na. Mamimiss kita agad niyan e.
Ngumiti lang ako sa kanya. Kakailang e.
Si Jake nga po pala. :) Kaibigan ko. :) Para siyang leader ng F4..kapag nakikita nang naglalakad sa gitna ng daan, puro tilian na. Ewan.
Ang dami ring nagtataka kung bakit hindi ko siya KAILANMAN nagustuhan.
Halos pasukin na nga ng langaw mga bunganga nila nung nalaman nilang niligawan ako ni Jake pero mas lalong lumuwa yung mga mata nila nung nalaman nilang hindi ko siya sinagot.
Kaso..ganun talaga. Ganun talaga kapag may mahal kang isang tao. Kapag sa kanya lang talaga puso mo. Kapag nangako ka sa isang tao at sa sarili mo..
Mahal ko si Mark Justin Gemeniano.
Siya pa rin. Walang naging iba at walang magiging iba.
Pathetic me, ey?
Jake: So pano ba yan? Babalikan mo na si.. Mark mo?
Tumango nalang ako. Ang totoo niyan kasi, hindi ko alam kung may babalikan pa ko. Pero UMAASA ako syempre. Nangako siya e. db?
Jake: Napakasuwerte niya.
Ashleen: Mas suwerte ako sa kanya.
Jake: :) SIGE. Ingat ka. O sige, uuwi ka na ba?
Ashleen: Oo. Sige Jake.. Salamat sa lahat ah! Una na ako :) Kapag naisipan mong bumisita... Binigay ko na yung address namin sa San Juan.
Jake: sige.. Salamat din, Ash! Goodluck sa Senior Year.
Nangiti ako. Naalala ko kasi.. Parang sayang yung THIRD YEAR life ko. :( Hay.
Ashleen: Sige..
Paalis na ako pero bigla akong yinakap ni Jake. Nabigla ako.
Jake: Mamimiss kita.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Teen FictionLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?