choices

10 2 0
                                    

* * *

"Bawat desisyon ay may kaakibat na responsibilidad.


Nasa iyo na kung paano mo ito haharapin."


Isa ka ba sa mga bayaning kaibigan na katulad ko?

Kaibigang walang ginawa kundi unahin ang kapakanan nya at kalimutan ang pansariling kagustuhan?

Hindi ko kasalanan ang mapabilang sa listahan ng mga dakilang kaibigan na saksakan ng katangahan.

Pero paalala lang
HINDI AKO DUWAG!

Napasobra lang ang aking KAALAMAN at masyadong PINANGUNAHAN ang KAPALARAN. BAKIT?


We've been bestfriends for almost 6 years. At kahit 7 years ang age gap namin ay nagkakaintindihan kami.

Sino ba namang hindi mapapalagay ang loob sa taong puro kabutihan lang ang binibigay sayo at walang hinihingi na kahit anong kapalit. Yung taong kasa kasama mo halos araw araw. Yung taong pipilit sayong pumasok sa mga panahong tinatamad ka, ipapasyal at lilibangin ka sa panahong malungkot ka. Yung taong ipagtatanggol ka sa taong babastos sayo.

'Wag mong kakalimutan magdala ng payong baka umulan.' , ' Ingat ka palagi.' , 'Kahit pangit ka miss na kita.' , 'Magaaral ka nang mabuti. Ipangako mong makakapagtapos ka."

Mga linyang kadalasang nanggagaling sa kanya.

Lahat ng problema at saloobin nya tungkol sa buhay at pag-ibig nya ay sinasabi nya sakin. Open sya sakin syempre at Lahat naman ng pangyayare sa buhay ko ay sinasabi ko din sa kanya pwera sa isang bagay.

Natatakot akong sabihing MAHAL KO SYA dahil may mahal na syang iba at ako LANG naman ay KAIBIGAN nya.

Alam mo yung salitang COMMON SENSE? Yun yung mahalaga sa isang tao pero nakakasama din pag sobra sobra. Ika nga nila lahat ng sobra minsan nakakasama.

Alam mo nang may jowa na eeksena kapa? Common sense nga diba.Yun bang alam ko na ang ending kaya natatakot na kong simulan. Nasobrahan na ko sa common sense.

Kaya ito ako ngayon nagpapakabayani at tumatayong tunay na bestfriend para sa kanya.

Sa mga araw na nag-aaway sila ng pinakamamahal daw nya pati sarili ko pinaplastic ko na. Pinaniniwala ko ang sarili ko na nalulungkot ako dahil malungkot ang bestfriend ko pero sa kaibuturan ng puso ko ay nagbubunyi ang mga dugo sa loob nito dahil tumataas ang tyansa na maghiwalay sila.

'Tiwala lang bestfriend. Magkakaayos din kayo.' ang palagi kong banat na ginagamit kong pampayo sa kanya pero yun utak mo bumabaliktad sa tinutulak ng dila mo.

Yung mga panahon na nagtatyaga akong makasama ang taong dahilan kung bakit ako nasasaktan upang makasama ko lamang ang aking minamahal na kaibigan. Kahit na third wheel lang ako okay lang ang mahalaga ay nakakasama ko sya kahit na ako pa ang sabit sa kanilang dalawa.

Yung nagmumuka akong tanga pero alam ko naman sa sarili ko na wala silang kasalanang dalawa. Pero wala din naman akong kasalanan diba?

Nasasaktan ako sa panahon kinakailangan ko kunin ang loob ng minamahal nya. Para di sya magseselos sa friendship namin diba. Meron kasing iba na nagkakasira ang magkaibigan dahil sa selos nang mga minahal nila.Ang sakit talaga na kahit matagal na kayong magkaibigan mas magiging matimbang yun taong mahal nila na saglit palang nilang kilala.

Sa panahong hihingin nya ang tulong ko upang isulat ko ang mensahe na gusto nyang ipaabot dahil sa 'Sige na bes pangit sulat ko eh' na palagi nyang linya.

Iyak nalang ang ginagawa ko sa tuwing hihingin nya ang tulong ko sa mga pagpaplano sa kung paano nya pasasayahin ang taong mahal nya sa mahahalagang araw ng mga buhay nila.

Ipapakita kong masaya ako para sa kanila pero ang totoo ay parang pinupukpok ng martilyo ang puso ko hanggang sa ito'y magkadurog durog dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Minsan aabot pa sa pagistambay sa mga social accounts nila at ilalike ko pa ang mga larawan na magkasama sila. Aba syempre kung masaya ako para sa kanila dapat may pruweba.

Hindi talagang maiiwasan na tubuan ka ng insecurities sa katawan. Natural na maramdaman ng isang taong nasasaktan.

Minsan sinasabi ko nalang na 'Iintayin ko nalang na maging single sya.' pero at the end of the day bestfriend ka lang nya.

Ang pakunswelo nalang sa mga dakilang bestfriend na tulad ko ay sa twing napapagkamalan nang KAMI sa sobrang close at sanggang dikit namin. How i wish!

Kasalanan ko ba na minahal ko sya kahit alam kong may mahal na syang iba?

Kasalanan ba kung kahit nasasaktan ako ay patuloy padin ako sa pagiging kaibigan nya?

Sila man ang palaging center of attraction sa kwento at ang mga tulad ko ay di hamak na isang kontra bida pero lahat naman may karapatang magmahal diba?

Kaya minabuti ko nalang na wag nalang sabihin sa kanya kesa naman lumayo sya diba.

"Katulad ng pinangako ko. Graduate na ko."

Pinaghalong lungkot at pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon.

Dahil kahit natupad ko ang aking pangako na magiging maayos ang buhay ko ay masakit na hindi sa personal nyang mukha ko masasabi ang mga salita na gusto kong sabihin kundi sa mga malalaking letra ng pangalan nya na nakaukit sa malamig na semento na ito.

Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap at mapaniwalaan na kahit sa pagkakataong ito ay sinundan nya padin ang minamahal nya at iniwan nya akong nagiisa at daladala ang kalungkutan ng kanyang paglisan.

Ngunit sa kanyang pagalis alam kong dala nya ang mga alaala namin. Katulad ng alaalang nakatatak sa aking isipan. Ang mga ngiti at presensya nya pati nadin Ang pagaalaga at respeto nya ay nakasulib sa aking puso. Ang kanyang mga ngiting umaakay sa akin sa liwanag at kabutihan.

Natakot akong mawala ka pero di ko akalain na ang mas pagsisisihan ko ay bakit hindi ko sinubukan na ipaalam sayo.

Wala na akong pagkakataong sabihin na...

"MAHAL KITA AKING KAIBIGAN"

Pero ito ako ngayon..

Gumagawa ng paraan upang kung nasaan ka man.

Ikaw ay aking muling masulyapan at masilayan.

iloveyoubestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon