Tao Lang Ako

58 0 0
                                    

Palagi naman akong napaliligiran ng mga tao. Palagi din naman akong sumama sa mga kaedad ko. Kaya lang, sila 'yung mga taong hindi ko maituturing na close sa akin. Hindi sila 'yung mga taong masasabi kong kaibigan ko. Hanggang ngiti at "kumusta?" ang batian nmin sa tuwng magkikita-kita. Hanggang doon lang at hindi lumalagpas ng dalawang minuto 'yun. Lumalapit naman ako sa kanila, tumatabi, nagtatanong-tanong din pero kung ano ang itinanong ko, 'yun lang din ang sagot nila. Hindi naman ako snob na tao, hindi rin naman ako pangit. Mabait naman ako, hindi taklesa at hindi palengkera. Pero bakit gano'n ang mga tao pagdating sa akin? Parang balewala...

Kaya naman, natuto na rin akong mag-isa. Mag-isa kumakain, namamasyal, nagpapalipas ng oras habang sila magkakasamang nagkukwentuhan at gumagawa. Natuto tuloy akong ipakita sa lahat na okay lang ako, na hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao, na kaya ko ang sarili ko kahit mag-isa lang ako. "yan ang itinuro nila sa akin.

May isang pagkakataon na kailangan kong sumama sa kanila ksi may required duty kami. Nag-aaos kami ng mga gamit. May buhat akong kahon na medyo may kabigatan pero parang walang nakapapansin na kailangan ko ng tulong. Sa paglipas ng mga minuto, naroon ako,nakatayo sa isang banda dahil wala nang maupuan pero wala man lang nag-offer na "O, dito ka na umupo". At para akong tanga na nando'n sa lugar na 'yon at nagsisisi kung bakit sumama pa ako kahit na alam kong gano'n ang mangyayari.

Pero may isang lalaki na bumati pagdaan niya sa harapan ko. Tinanong niya ako kung pwede ko raw ba siyang tumulong. Napa-oo ako kasi wala naman talaga akong ginagawa. Kinuha ko lang ang gamit ko at pagharap ko ulit sa kanya, nakita ko siya na may kausap na babae. May nangyari ata, umiiyak kasi 'yung babae. Nababasa ko ang bibig niya na sinasabing " Okay lang 'yun. Andito ako..." at niyakap niya 'yung babae. Parang na-paralyzed ako sa nakita at naramdaman ko nang makita ko sila. Naiingit ako sa babae, gusto ko ring maramdaman na may nag-aalala sa akin. Tumalikod na lang ako habang pinipigil ang pagluha ko. Nasassktan ko. Pakiramdam ko, hindi talaga ako bagay sa luagr na 'yon. Oo, mukha sigurong kaya ko ang sarili ko pero kailangan ko rin taong makaka-appreciate sa'kin.

Sa layo nang narating ng isip ko, hindi ko napansin na may tumatawag sa akin. Hanggang sa may humawak sa braso ko at sinabing "Tara na..." Lumingon ako at naramdamang umiiyak na pala ako. Akala ko kaya kong pigilin. Magkatinginan kami nang mga sandaling 'yon. Nababasa kaya niyta ang nararamdaman ko? Nararamdaman kaya niya na nasasaktan ako? Naghihitay ako kung may gagawin o sasabihin ba siya. Walang ekspresyon ang mga mata niya. Tumalikod lang siya at naiwan na naman ako. Sa pagtalikod niya, naiyak ako lalo. Wala akong ibang naisip gawin akundi ang umalis na sa lugar na 'yon. Ang bigat ng mga paa ko sa paghakbang pero mas mabiagt ang nararamdaman ko. Sumisigaw ang isip ko: "Nasasaktan ako!"

Tapos may sumigaw,  "Teka lang!" Hindi ako lumingon, tuloy pa rin ako sa paglalakad. Naramdaman kong tumatakbo siya papalapit sa akin at bigla akong hinatak paharap sa kanya. Bakas pa rin sa mukha ko ang pag-iyak. "Bakit ka umalis? Kumuha lang ako ng panyo para punasan ang luha mo..." At pinunasan nga niya ng mga luha ko pagkatapos niyakap ako. Hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon at sasabihing " Hindi mo kailangan ipakita na malakas ka palagi, na ayos ka lang kahit nasasaktan ka na. Hindi mo kailangang sabihin na okay ka lang kahit hindi mo na kaya. Kasi hindi naman lahat sa paligid mo ang iisipin nag-iinarte ka lang. Meron pa ring iilan ang mag-aalala sa'yo at nag-aalala sa'yo"

Tao Lang Din AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon