Chapter 1 - Summer Vacation

22 0 0
                                    

Eto na at papunta na kami sa airport.

Ang suot ko ay flowery dress na kulay peach na medyo mahaba ang manggas tapos doll shoes.

Simple outfit lang.

Mamaya pang 9:00pm ang flight namin kaya eto naghihintay lang kami ni mama.

Naghahanap ako ng free wifi kaso puro may password kaya picture picture and soundtrip nalang muna ako.

Medyo boring dahil ang tagal pa ng flight namin, ang aga namin nakarating dito.

Makalipas ang ilang oras ay flight na namin! :)))))) yeah

After ilang buwan, ngayon nalang ulit ako nakasakay ng eroplano. Hahaha.

Philippine Airlines yung sinakyan namin.

3 hours and 30minutes yung byahe papuntang Singapore.

Soundtrip, laro ng Temple Run hanggang sa nakatulog ako.

Medyo sumakit yung batok ko kasi di maayos yung pagkatulog ko, bitin na rin.

Maya maya ay nakarating na kami sa Singapore. 

Yeah!!

Ang sarap ng feeling na nakabalik ulit ako dito. :)

Medyo nakakasawa na kasi parati kami dito pero okay na rin sa akin kaysa naman buong summer vacation ay nasa bahay lang, kain tulog internet. 

Mas boring yun diba?

Sinalubong kami ni papa sa Changi Airport (name ng airport sa Singapore). 

Buti nalang may pila ng taxi dito kaya di kami nahihirapan sa byahe papuntang bahay.

"Uncle, to Choa Chu Kang." sabi ni papa

Sa passenger's seat ako umupo. 

By the way, magkabaliktad pala yung driver at passenger's seat.

Di kagaya jan sa Pilipinas na ang driver ay nasa left side.

Dito, right side ang driver.

Tapos "uncle" ang tawag sa matandang lalake. Sign na rin ng paggalang. :)

Medyo mahaba ang byahe kasi malayo ang bahay namin sa airport.

HDV ang tawag sa mga bahay dito. Di ko alam meaning ng HDV eh. Sorry. Haha.

Parang apartment siya. Puro buildings dito at maganda talaga ang place. Malinis at tahimik.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay.

$40 ang binayad ni papa. Doble kasi ang bayad kapag madaling araw.

Pag dating sa bahay, pahinga then konting kain at tulog na. May lakad pa yata bukas. :))

"Thank God at nakarating kami dito ng maayos at mapayapa."

A Day With The Person I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon