Nasa rooftop parin silang dalawa. Nakatalikod si Gino pero hindi naman siya natutulog. Si Stella naman ay pinapanood ang paglunog ng araw. Di na sila pumasok sa lahat ng subjects.
"Alam mo ba..." panimula ni Gino.
Napatingin sa kaniya ang dalaga. Tss...di naman pala natutulog! Binalik niya ang tingin niya sa malayo. Naghihintay nalang din kasi siya ng sundo pero ang kaso, mukhang walang darating.
"Ayoko talaga sa school." dugtong ni Gino. Parsng bagong gising ang boses niya dahil normal na nababasag dahil sa pagbibinata.
"Bakit naman?" tanong ni Stella.
"Nakakaantok eh. Walang kwentang classmates, Nakakaasar na mga teacher at hindi maintindihang mga lessons."
"Hindi ka lang marunong mag-appreciate. Mahalaga kaya ang school. Hindi naman lahat ng classmates mo ay walang kwenta, onti lang din naman ang mga nakakaasar na teachers...at tsaka hindi naman palaging hindi maintindihan ang mga lessons kaya nga itinuturo sayo para maintindihan mo." salungat niya sa mga sinabi ng binata sa kaniya.
Umupo bigla si Gino. "Para kang nanay ko!"
"Ikaw na nga ang pinapayuhan ganyan pa ang iaasal mo? Di ba pwedeng mag-thank you ka nalang? Buti nga pinapansin pa kita eh." sabay irap niya.
"Tssk..Oy!" unti-unting lumalapit si Gino sa kinauupuan ni Stella.
"Oh, ano? May mali ba sa paliwanag ko?" palayo naman siya ng palayo sa binata na lumalapit sa kaniya.Hindi niya maipaliwanag kung bakit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso niya na parang nakikipag-unahan sa karera.
Sinandal ni Gino ang ulo niya sa balikat ni Stella na bigla nalang naging bato sa kinauupuan niya. Nararamdaman niya na parang may mga paru-paro na nagsiliparan sa tiyan niya paglapat ng buhok ni Gino sa balikat niya. Ang pakiramdam na ito ay talagang bago sa kaniya.
"A-ano ba Gino?!" nauutal niyang tanong. Kung anu-ano na ang mga bagay na pumapasok sa isipan niya at hindi siya mapakali. Pero in some way, naging kumportable ang pakiramdam niya. It's the first time.
"Una ka." sabi ni Gino.
Napalunok naman ang dalaga. "A-anong sinasabi mo diyan?" Gusto niyang tignan si Gino pero hindi niya magawa. Nararamdaman niya ang buhok nito na na nakalapat sa kaniyang balikat ay naghahatid ng kaunting kiliti sa kaniya. Naaamoy niya rin sa topless nitong katawan ang panglalaki nitong pabango. Opium. Katulad ng pabango ng kuya niyang si Avel. Nararamdaman niya rin ang kiliti ng pisngi ni Gino na nakasandal sa balikat niya at ang braso nito na paminsan minsan ay bumubundol sa kaniyang braso. Nag-init ng husto ang kaniyang mukha.
"Sabi ko...ikaw ang unang nagsabi sakin non."
Napapikit si Stella sa bagay na gusto niyang pigilan. "Te-teka nga! Nakakailang ka eh baka pwedeng-"
Bigla nalang pinatong ni Gino ang ulo niya sa lap ni Stella. Nanginig ang laman niya at lalong nag-init ang mukha niya. Hindi na niya alam kung anong gagawin niya.
"Naman!" Napasigaw si Stella at tinulak niya agad si Gino na gumulong sa sahig.
"Ano bang klaseng tao ka?!" Pinahid niya ng kamay niya ang kaniyang mukha para sana maibsan ang pamumula niya pero wala naman itong naidulot. "Bakit ba palagi nalang siyang tulog!"
Pinipigilan naman ni Gino ang pagtawa niya saka bumangon ulit. Mayroon ng mga dumi na napadikit sa kaniyang katawan.
"Oh, ano na naman?'' Lumayo na siya ng tuluyan sa binata dahil naiilang na siya sa mga ginawa nito na talagang bago sa kaniya.
Pansin na pansin naman ni Gino ang pamumula ng pisngi ng dalaga na parang sariwang kamatis pati narin ang tibok ng puso nito na napakabilis ay naramdaman niya rin.

BINABASA MO ANG
A Silent Kiss ✔️
RomanceFor Stella, everything seems so normal. Normal na pamilya, normal na mga kaibigan, normal na pag-aaral at normal na buhay but little did she knew, iba pala ang realidad na alam niya sa tunay na realidad na pinagdadaanan ng normal na mga tao.