Audrey's POV
Sunday ngayon at sinabi na ni Noah na sasabay na ako sa kanya papunta ng condo niya mga alas diyes ng umaga. Kaya ready na ako alas 9:30 ng umaga pa lang naghihintay na ako sa kanya sa sala. Sasabay naman si Mae kay Roland.
Nakita ko itong bumaba ng hagdanan at ang gwapo gwapo niya. Napakalayo ng itsura naming dalawa. Ako naka pants at naka tennis lang. Hopefully makatapos ako ng maaga. May dala akong backpack pampalit ng damit ko pagkatapos maglinis. Nagtama sandali ang aming mga mata. Ako na ang unang umiwas dito at baka makita ni Noah ang paghanga sa aking mga mata.
"Good morning. Let's go." Bati pa nito sa akin. Ang tangkad nito sa akin. Sumusunod lang ako sa likod nito."Let me carry your backpack for you." Offer nito sa akin.
"I'm ok Noah. Salamat." Maiksi kong sagot. Tahimik itong pumunta ng sasakyan at binuksan ang pintuan kung saan ako uupo. He is such a gentleman. Kung hindi lang ito suplado, he is an ideal perfect man kahit saan mo anggulong tingnan. Napakalayo naming dalawang tingnan. Kaya eto ako, nangangarap na sana mkatagpo ako ng lalaking katulad ni Noah. Yung ipagkakaiba lang nito sa kanya, lalaking pareho kami ng antas ng pamumuhay. Magtulungan na lang kami sa pag provide ng needs ng pamilya namin.
"I think it's time for brunch. We will go ahead and dropby for lunch. Kung okay lang sayo." Tanong nitong nakahalukipkip.
"Wala namang problema as long na may oras pa akong maglinis sa condo mo. Anyway maaga pa naman." Sagot ko pa dito.
Tumikhim ito. "Actually don't clean the condo today. It's your day off. Nalinis na pala iyon ni Aling Ana noong Wednesday. So don't worry about it." Sabi pa nitong nakatingin na sa akin ng seryoso.
Nandito pa rin kami sa loob ng sasakyan ni Noah. "Ganon ba? Eh di dito mo na lang ako sa mall iiwan. Baka may pupuntahan ka pa. Magtatanong na lang ako kung paano pumunta sa condo mo." Sabi kong tumingin sa kanya. Bakit pa ako sasama sa kanya? Nakakahiya naman pag sasama sama pa ako sa kanya.
He turned his head and look at me. "You're not going anywhere without me. Bakit may date ka ba?" Tanong nitong nakakunot na ang noo.
Napatingin ako dito ng seryoso. "I don't have any friends except Mae and her friends. Iniisip ko lang baka naabala kita or may pupuntahan ka." Sabi ko pa sa kanya.
"Parang tinutulak mo naman ako to go back to what I love to do before. Screwing up women and just have sex with them. Do you want me to do that?" Tanong nito na biglang nagdulot ng hindi ko maipaliwanag na pagseselos.
Hindi ko mapigilan ang selos ko. "I don't want you to do that! Ayoko lang na maging burden ako sa mga lakad mo." Nahihiya ko pang sagot dito. "Noah please... Huwag mo ng gawin ang dati mong ginagawa. Bakit ba nagkakaganyan ka?" Tanong ko pa sa kanya.
Biglang kumunot ang noo nito. "Hindi ko kailangan ang awa mo, pero niloko na ako ng babae. Kaya I just screwed them. Just sex! Nothing else. Falling in love is not my cup of tea." Sabi pa nito sa iritableng boses.
"Sorry to hear that Noah. Sana makatagpo ka ng isang babae na magpabago sa iyong pananaw sa buhay. Yung totoong mamahalin ka at hindi ka lolokohin." Sabi ko pa sa kanya. Napaisip tuloy ako kung bakit may mga babae o taong manloloko.
Tumikhim ito. "Masyado namang seryoso ang pinag uusapan natin. Halika na nga." Sabi pa nito. Sabay ikot sa sa labas ng sasakyan at pinagbukasan ako ng pintuan.
"Thanks Noah." Sabi ko pang sumunod na dito. Andaming mga taong napapalingon sa amin dito sa restaurant. "Noah, napansin mo andaming tumitingin sa atin. Palibhasa napaka gwapo mo at naka porma ka pa. Samantalang ako, mukhang yagit." Sabay ngiti ko pa.
"Ganon! Nakatingin sila dahil iniisip nilang magkasintahan tayo at paano kita napasagot sa sobrang ganda mo." Sagot pa nito sa akin. Ang sarap namang pakinggan pag si Noah na ang nagbibigay ng compliment sa akin. It is a music to my ears.
Ewan ko ba kung ano ang nangyayari sa amin ni Noah at panay nagsasalubong ang aming mga mata. Hindi ko kayang makipagtitigan dito. Parang matutunaw ako everytime magtama ang aming mga mata.
"Matanong nga kita. Bakit pala hanggang ngayon hindi ka pa nagka boyfriend?" Seryosong tanong nito habang naghihintay kami ng pagkain.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at napaisip. "Katulad mo, hindi ko pa din siguro nahanap ang lalaking magmamahal sa akin ng totoo. Wala pa namang may nag seseryoso sa akin." Sabi kong medyo nahihiya.
Hinawakan ni Noah ang mga kamay ko. "Sorry nga pala sa ginawa ko sayo ilang araw na ang nakaraan. Hindi ko lubos maisip kung bakit hinalikan kita." Paghingi pa nito ng sorry sa akin. "You are too young for me at doon pa lang hindi na tayo bagay."
Naaalala ko na naman iyon. "Don't feel sorry for it Noah. May kasalanan din ako sayo. But I don't regret about that memorable intimate first kiss." Kailangan kong maging honest sa kanya sa naramdaman ko ng panahon na yon. "Hindi basehan ang edad kung bagay ba ang dalawang tao o hindi. Mas mangingibabaw na basehan ang antas sa pamumuhay." Sabi ko pa ditong tiningnan siya ng seryoso.
Napahiwalay ang mga kamay namin ng dumating ang inorder naming pagkain. Marami itong naiorder. Marami pa kaming naipag kwentuhan na kung ano ano lang. Maganda ang mood ngayon ni Noah kaya sinabayan ko na ito. Bihira lang itong ganito ang mood. Most of the time kung hindi ito galit, naiinis ito sa akin.
"Anong oras ba daw sila Mae pupunta ng condo?" Tanong nito habang nililigpit ng waiter ang kinainan namin at binigyan ito ni Noah ng tip.
"Mga 6-7:00 pm sabi ni Mae. Ano ba ang gusto mong lutuin ko para sa inyo?" Tanong ko pa dito.
"Don't bother to cook at bibili na lang tayo ng pagkain." Dagdag pa nito. Sana ganito na lang si Noah sa akin palagi. Mabait and acting like a friend. Hindi yung palaging naiinis at ayaw akong makita.
🌸🌼🌸Please vote and comments please...
BINABASA MO ANG
Langit Ka Sa Akin (Completed)
RandomTinulungan si Audrey Fernando ng kaibigan niyang mayaman na si Mae Tansinco para makapasok ng trabaho sa bahay nila bilang katulong. Dahil biglang namatay ang kaisa isang Tita ni Audrey sa America na sumusuporta sa kanya. Tadhana ang nagdala upang m...