Mahal Pa Rin Kita (PART 1)

20 0 0
                                    


Mahal Pa Rin Kita
Some short stories about the famous love team ALDUB/ MAIDEN, from Eat Bulaga's Kalyeserye.

Please feel free to comment and vote. Thank you so much for reading guys! ☺
❤❤❤

"Ikaw pa rin ang nais ko
Damang-dama ng puso ko
Mahirap na dayain ang isipa't damdamin
Ikaw pa rin ang hanap ko
Mapapatawad ba ako
Muli't muling sasambitin
Sinisigaw ng damdamin
Mahal pa rin kita, oh, giliw ko..."


❤❤❤

"Maine..."

"Ayan na!!! Nag-uusap sila! Woooh!"

Nagtilian ang mga tao sa pagilid. Hindi tumitigil ang kaguluhan sa paligid pero wala akong naririnig kundi ang boses nya. Wala akong nakikita kundi ang mata nyang hindi makatingin sa mga mata ko.

Yung mahinhin at mala anghel nyang boses, parang hinihila ako sa kawalan. Hindi ko akalaing ma e-excite ako para lang marinig ang tinig ng isang tao. Sya ang nagparamdam sakin ng mga kakaibang moments.

"Okay ka lang ba?" Isang tanong. Isang buong kataga na lumabas sa kanyang mga labi na nagpaalala sakin ng isang musika.

"Maine.."

"So, Alden hijo magtapatan na tayo dito. Tutal naman na napag uusapan na ng marami at marami ng nakakapansin na may iba na sa mga eksena nyo. Eto, totoo bang may feelings ka na kay... Maine?" Ang tanong sa akin ni Ms. Ai Ai ng walang paligoy ligoy.

"Sa totoo lang Ms. Ai, gusto ko pong magsabi sa inyo pero gusto ko muna malaman ni Maine kung ano yung nasa loob nito." ani ko ng tumuturo sa puso ko habang nakangiti sa kanya.

"Ano ba yan pabitin ka ha! Ay nako! Aabangan namin yan! Balitaan mo ako ASAP ha! Magtatampo ko pag di mo ko sinabihan!" pabiro nyang sinabi.

"Oo naman Ms. Ai kayo pa."

"Maine.."

"Huy ano ka ba! 2 years lang naman to. Matagal ko na kasi pangarap na mag training dito. Sayang naman yung opportunity. Babalik ako pramis mas mabilis pa sa sikat ng araw. Bilis, smile ka na. Miss ko na yung dimples mo." Sabi nya habang pinipisil ang pisngi ko.

"Ayaw." napatigil sya sa pagpisil sa mukha ko pagkatapos ay humawak sa kamay ko.

"Den," seryoso nyang sinabi habang minamasahe ang aking mga kamay.

"Wag ka na magtampo! Sorry na di ko agad nasabi sayo. Alam mo namang punuan schedule natin pareho. Wag ka na magalit ha? 2 years lang to promise. Di mo mapapansin tapos na two years. Sige na? Please?"

"Wala na bang makakapigil sayo? Kailangan next week na talaga?" tinignan ko sya sa mga mata nya na hanggang ngayon medyo hirap pa rin tignan ako ng diretso. Ang cute cute nya talaga.

"Eeh.. Na schedule ko na kasi . Wag ka na magtampo ha? Uuwian kita ng maraming pasalubong!Tsaka uuwi naman ako kaso baka mga five days lang tapos babalik na ko."

"Ano ko bata? Di ko kailangan ng souvenir." patampo kong sinabi sa kanya.

"Eh ano? Kailangan mo lang ako? Ikaw talaga." biro nya habang pinipisil ulit ang magkabilang pisngi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me Plus You (ALDUB/ MAIDEN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon