SOLSOL 2:uwaaaaah!

80 6 2
                                    

##

Itinapat ko sa mata ang braso ko. Nakakasilaw kasi talaga ang liwanag. Pinakyaw na yata ni Mang Tonyo ang lahat ng light bulb sa City Hardware e.Speaking of Mang Tonyo, nasa'an na ba yun?

"Mang Tonyo?" tawag ko mayamaya. Wala pa ringsumagot pero nawala ang liwanag. Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan dahil doon. Ikaw kaya, bigla ba namang dumilim nang husto. Teka, akala ko ba umaga pa lang, bakit... Lumingon ako sa pintuan, dapat nakakapasok ang liwanag mula roon e. Wala akong nakitang pinto pero narinig kong sumarado yung pinto.With matching"Krrrrrkk sound pa.

Galeee. Eeee, sabi ko na nga ba masama ang kutob ko sa shop ni Mang Tonyo.

Heto nga't minumulto na yata ako.waaaaaah "Mang Tonyo?"tumawag ulit ako.

Lumunok ako nung wala na namang sumagot. Baka sakaling makatulong ang dura ko. Malay natin, baka sakaling may agimat pala ang dura ko. Kailangan ko ng agimat, nakakatakot na talaga ang lugar na ito. B-baka naman aswang pala si Mang Tonyo! Ipinain niya lang sa akin na kunwari may sakit siya pero yun pala ikukulong niya ako rito. Tapos may malaking-malaking kawa nang nakasalang sa apoy para paglutuan ng magandang katawan ko. Siyempre iba't ibang putahe ang gagawin sa 'kin. May Adobong Maya, Afritadang Maya, Fried Maya, Lechong Maya, Ginataang Maya, o Pansit Maya.

Depende sa kung anong ma-trip-an ni Mang Tonyo, Mga sampung oras niyang lulutuin ang katawna ko kasi isa lang ang lutuan. Tapos tatawa ako kasi may mga nadidiri at natatakot na sa mga pinagsasabi k0.BWAHAHAHAHA. Pero sa totoo lang, kinilabutan ako sa mga sinabi ko kaya nga feeling ko dapat na akong tumakbo palabas ng shop. Tumakbo ako pabalik pero nabangga-bangga lang ako sa mga gamit.

Maya'tmaya may nababasag.

Bakit naman kasi ang dilim e. Pasensya na talaga Mang Tonyo, hindi yata kasi talaga uso ang MERALCO sa shop mo, hindi maliwanag ang buhay.

"Mang Tonyo?"

Kanina ko pa siya tinatawag pero hindi pa rin sumasagot.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ba hindi ko alam kung yun talaga ang daan palabas ng shop. Kesehodang makabasag ako ng mga antique, mas mahal naman ang buhay ko noh. Gusto ko nang lumabas!

Natigil lang ako nung may narinig akong kaluskos mula sa kung saan.

"Mang Tonyo, ikaw na ba 'yan?" Walang sumagot.

"M-Mang Tonyo, i-iikaw ha, n-nnnnananakot ka po 'no?" Tama, tinatakot lang naman ako ni Mang Tonyo, di ba?Di ba?Di ba? May narinig ulit akong kaluskos. This time, tuloy-tuloy na 'yon. Pumihit ako pakaliwan mula sa kinatatayuan ko. Doon kasi nanggagaling ang kaluskos. Naging dahan-dahan na ang paglalakad ko, Helloooo, ang dilim kaya baka mamaya...baka mamaya...waah, forget it. Anyways, marami pa rin naman akong nababanggang kung anek-anek kahit dahan-dahan lang ang paglalakad ko. Sorry, Mang Tonyo, alam kong puro antique ang laman ng shop mo at mamahalin sila pero anong magagawa ko? Super dilim sa tindahan mo ng mga antigo. Masyadong creepy.

"Uwaaah!"Natigilan ako at napalunok. Unwanted na ngayon ang dura ko.. Shaaaxxx. Tama ba ang narinig ko? May naririnig akong iyak ng baby?!

"Uwaaaaaah!" naulit yung iyak na narinig ko kanina. Ginusto kong tumakbo paalis pero kasi, kung tama ngang baby yun, nakakaawa naman. Hindi naman siguro tyanak yun di ba? And so, I decided tp walk faster and find the baby. Kahit ang dmi ko nang nababasag na antigo.

"Uwaaaaaaaaah!" Pasaway namang bata yun. Iyak lang nang iyak. Habang lumalapit ako sa kanya pataas nang pataas ang intensity ng iyak niya. Kung sabagay, alangan namang humina, papalapit nga. E teka nga muna, paano ko ba siya mahahanap e ang dilim-dilim nga ng shop?! Instant ang naging sagot sa katanungan ko. Nagliwanag ang paligid. Marunong yata ng telepathy ang mga nilalang sa lugar na ito e. Waaaah, kung ganun may mga multo nga talaga rito!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets of the Sword of Life [SOTSOL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon