Pain.. Isang salitang binubuo ng apat letra. Isang salita na akala mo ay wala lang. Salitang nagdudulot minsan ng pagiging masama, sakim o bato ng isang tao. Ano ba ang makakalaban ng salitang ito? Simple edi..
Love.. Isang salita din na binubuo ng apat na letra. Isang salita na akala mo ay sasaya ka na. Salitang nagdudulot ng kasiyahan, mapagbigay o pagiging malambot ng isang tao.
Kung pagkukuparahin natin ang dalawang salitang yan, magkasalungat talaga sila. Akala nyo lang yun? Minsan konektado silang dalawa sa buhay ng mga tao at ganun na din sa buhay mo. Bakit? Pag nagmahal ka, maiiwasan ba ang masaktan? Ang maiwan? O ang maagawan? Hindi di ba? Kaya pag nagmahal ka at nasaktan ka, pwede kang maging rebelde, maging masama dahil ang gusto mo lang ay gumanti o kaya nama'y gawin din ang ginawa sayo sa pamamagitan ng paggamit ng ibang tao, masasayang tao.
Mahirap magtanga-tangahan. Ngunit alam naman natin na mahirap din masaktan. Minsan napaka kumplikado din ng buhay natin, pero kailangan natin ayusin. Sabi nga nila, hindi kumplikado ang buhay ng tao, sadyang tayo lang mismo ang nagpapakumplika nito.
BINABASA MO ANG
Painful One (On Hold)
Teen FictionPain. Simpleng salita. Mabigat sa damdamin. Nakakasakit. Nakamamatay. Lalo na kung sa mga taong malalapit at espesyal sa buhay mo ang nakasugat sa puso mo. Kakayanin mo kaya? Or you will just simply give up?