First Encounter

46 0 0
                                    

"Hay, ang init. Tss, nagugutom na ko!"
Reklamo ng kaibigan kong si Pauline a.k.a (Poleng) habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria ng school namin.
Para kaming nasa loob ng isang malaking oven habang tinutusta sa sobrang init. Isama mo pa ang malayong paglalakad na animo'y mula third floor ng high school building hanggang cafeteria.

Sandali kong nilingon si Poleng na ngayon ay pawis na pawis. "Haggard a!" Natatawa kong bulong sa kanya.

"Hassle talaga! Kakain ka na lang makakaranas ka pa ng ganto. MyGahd!" Inis na sambit nya sabay irap sakin.
Problema non?

Napailing nalang ako at nag patuloy na sa pag lalakad. Nang ideretsyo ko ang tingin ko sa daan, nakita ko si Cazer na nag lalakad kasama ang tropa nya. Nakikipag biruan at nag tatawanan sila.

Malapit na sila samin..

Masyadong masikip ang daang ito para samin. Dapat may isang tatabi it's either kami ni Poleng o sila ng tropa nya para may maka daan.
Lahat ng ingay sa paligid ko ay nawala. Naka tuon nalang sa kanya ang atensyon ko.

Ayan na sila..

Ang gwapo nya talaga. Ang ganda parin ng ngiti nya. Ang sarap pakinggan ng mga tawa nya. Lumingon sya sakin. Naka ngiti parin sya. My heart skipped a beat. I feel butterflies in my stomach.
Muling nag tama ang mga mata naming dalawa.

Eto na sila..

*BLAG!*

"Ouch."
Nabunggo nya ko dahilan para mapa-upo ako sa lupa.
Shet maine!

Nag tawanan naman ang mga tropa nya dahilan para tumawa din sya. Anong nakakatawa? Nasaktan na nga ako diba? Iniscan ko ang buong paligid, shet halos lahat ng tao sa corridor nakatingin sakin. Yung iba tumatawa, yung iba nag bubulungan, yung iba parang wala lang.

Hindi sila huminto ng mga kasama nya sa pag lalakad.
Ano? Di nya ba ko tutulungan? Di man lang ba sya hihinto sa harapan ko para mag sorry man lang sakin? Sinundan ko parin sya ng tingin kahit nakalagpas na sya sakin at umaasang babalikan nya ko para tulungan. Pero parang wala lang sa kanya yung nangyari.

Naranasan nyo na ba mag ka gusto sa isang taong hindi naman aware sa existence mo? Yung tipong na bubulabog buong pag katao mo kapag nakikita mo sya? Grabe yung epekto sayo kapag nakikita mo syang naka ngiti. Minsan nga masulyapan mo lang kahit yung likod nya sapat na para kiligin ka ng todo e.

Ang unfair ng pakiramdam diba?

Kasi feeling mo, sinakop ng excistence nya ang halos kalahati ng mundo mo. Samantalang ikaw, ni katiting na tuldok e wala kang pwesto sa mundo nya.

Yung bago ka matulog, iisipin mo sya at mag iimagine na close kayong dalawa. Na gusto mo sya at gusto ka rin nya. Kapag nakikita mo syang may ibang babae nag seselos ka.

Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko kay Cazer. Di ko maipaliwanag. Sabi nga sa AlDub,

"No words can't say, what love can do."

"Maine!! Ok ka lang? Bwisit na Cazer yun! Akala mo kung sinong gwapo muka namang pwet!" Napabalik naman kay Poleng ang atensyon ko. tinulungan nya akong tumayo mula sa pag kakabagsak ko sa lupa. Sinimangutan ko lang sya at pinagpag ang palda ko na nadumihan.

"Sana kanina mo pa ko tinulungan diba? Sana kasi sinabihan mo ko na tayo pala yung tatabi para di ako nabangga diba?" Iritadong sabi ko sa kanya. Nakakainis!! Ang kapal talaga ng Cazer na yun. Di man lang sila nag paka gentle man! Napaka sama ng ugali nya!

"E sana kasi di ka naka tulala diba? Kanina pa kaya kita sinisigawan na tumabi ka, tapos naka tanga ka lang dyan. Haller! Ako pa ngayon?"
Sabi nya na halatang naiinis na. Kanina pa to e! Edi sana hinila nya ko. Grrr
"Leche!"
Sigaw ko sa kanya, dahilan para tumawa sya ng malakas!
Tae, napaka bipolar talaga ng babaeng to. Di mo malaman kung galit ba o ano e.

My Pabebe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon