Forever Yours (ONE SHOT)

26 0 0
                                    

August 21, 2010

"Hindi mo ba nararamdaman? Tanga ka ba o manhid ka lang talaga? Ang tagal-tagal na nating magkaibigan. At sa tinagal-tagal ng panahon na yun, palagi kong ipinararamdam sa'yo kung gano kita kamahal. Pero ano, WALA! Nakakapagod nang maghintay.. Hindi ko na kayang hintayin pa na ikaw yung maunang magsabi na mahal mo ko dahil sobrang masakit na.. At hindi ko alam kung may hinihintay ba talaga ko.. Nakakapagod na… Pero mahal kita Keem eh…"

Napaupo na ko sa damuhan dala ng matinding emosyon… Hindi ko na kinaya. Iyak na ko ng iyak. Ilang taon ko din tong itinago at dinamdam. Marami ng luha ang naiiyak nang hindi naman kinakailangan. At ngayon, madami na namang daragdag. Or am I wrong?

"I never thought this would happen.. Hindi ko naisip na ganito na pala ang sitwasyon.. Sorry kung nasaktan kita… Sorry kung naging manhid ako… But Tammy, I've been loving you ever since. Mahal na mahal kita at hindi na magbabago yun."

I was in awe with the way things are happening.

"Isuot mo tong singsing na to… This will be our bond ring. This will be our tie, the promise that I'll always be yours and you'll be mine."

August 21, 2011

Isang taon na din ang nakalipas mula nung malaman ko na mahal din ako ni Keem. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi na katulad ng dati na puro what if. Pero, wag nyong isipin na masaya kaming nagmamahalan ngayon at nasa isang relasyon na going strong.

Akala ko, mula nung araw na yun, mababago na ang friendzoned status ko. Na hindi na ko magiging abangerz. Pero potek. Marami talaga ang namamatay sa maling akala.

Akala ko nga kami na nun. Pero hindi naman. Ayoko mag-assume kaya naghintay ako ng mga gagawin nya. Pero ayun, anniv na namin at lahat, wala pa din. Gising Tammy! Hindi talaga kayo. Maniwala ka na please.

Pero alam nyo, suot ko pa din yung binigay nya na bond ring. Tanga nga eh. Kaya pagbigyan nyo na.

Ni hindi nya ko niligawan. Kapag sinusubukan kong makipagbonding sa kanya, lumalayo sya.  May bond ring nga, wala naman kayong bonding. Anung silbi nun di ba?

"Hoy Tammy! Natutulala ka na naman dyan. Anu na naman bang iniisip mo ha?"

"Ah, wala dre, iniisip ko kung napakain kaya ni manang  si Ilah."

"Sus. Yung tuta mo na naman iniisip mo? Kaya lalo tumatamlay lablayp mo eh. Kung hindi si Keem, tuta mo inaatupag mo. Aba naman Tammy…"

"Shhh. Wag ka nga maingay Zia. Marining ka ng iba eh."

"Nahiya ka pa marinig ng iba eh halos buong school alam yang katangahan mo at kamanhidan ni Keem eh."

"Wag kang OA ha. Di naman."

"O sya. Ayain mo na lang yung Prince Charming mo tambay daw tayo sa bahay ni Evie. Gora na. Tama na ang pag-eemote mo dyan."

At para wala nang masabi pa si Zia, tumayo na nga ako at pinuntahan si Keem. Nasa labas lang sya ng room. Tinatanaw ko mula sa may bintana kanina pa.

"Hui, dre, sama ka? Tambay daw tayo kina Evie sabi ni Zia."

"Ay. May lakad kami ni Kara eh. Di ako makakasama dre. Kayo na lang. Sige, puntahan ko na sya."

At ayun. Nagtatakbo na ang mokong. Iniwan lang ako basta-basta. Gano kasakit yun? Saklap noh? Kung makaiwas sa kin, wagas. Tapos makikita ko may kasamang ibang babae? May project something silang ginagawa eh. Ewan ba dun. Asan na ang 'I'll always be yours' ha? Asan na?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Yours (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon